Successful and
touching ang 2018 RAWR awards ng LionHearTV na ginanap sa Le Rêve Pool and
Events Place Quezon City. Kabilang sa mga umalingawngaw na pangalan sa
entablado ay sina Darren Espanto, Tony Labrusca, Kyline Alcantara, TNT Boys, at Maine Mendoza. Ang host ng gabi ng parangal si KaladKaren
Davila at ang Modern Filipiniana ang tema ng gabi ng RAWR.
Ito ang ika-apat na taon ng pagbibigay parangal
ng LionHearTV para may ‘impact’ sa local entertainment. Gayon din ng pagsama-sama ng bloggers, brand
partners, PR agencies, at celebrities. Ito naman ang ikalawang beses na makadalo
rito at maimbitahan ang Hoshilandia/
InTheEZone na maging media
partner.
RAWR Awards Highlights:
The Early Birds
Ang isang unang namataan (na nakilala ko agad) kong dumating ay ang TNT Boys. Sila ang ginawaran ng Royal Cub
award na para sa mga tao/ grupo na nagpamalas ng
kanilang talento at galing sa buong mundo.
Matatandaan na ang grupong ito nina Keifer Sanchez, Mackie Empuerto, at
Francis Concepcion ay naimbatahan sa international show na Little Big Shots US, UK, at Australia. Sila rin ang nanalo sa 2nd season
ng Your Face Sounds Familiar Kids Philippines.
Early Bird din si Jeffrey Hidalgo. Sa hindi nakakakilala si Jeffrey ay isa sa 4-member Smokey Mountain singing group na binuo noon ng National Artist for Music Ryan Cayabyab. Apparently ay nandoon s'ya para sa award na nakuha ng programang Inday Will Always Love You, na isa s'ya sa cast member. Ang nasabing Kapuso show, na pinagbibidahan ni Barbie Forteza at Derick Monasterio, ay ang nanalong Bet na Bet na Teleserye ( Best TV Series). Nang tinanggap ang nasabing parangal ay kasama niya ang cast and crew ng show, kaabilang na ang veteran actress na si Nova Villa.
Si Jeffrey din ang umakyat para kay Kimpoy Feliciano, kasama n’ya sa Inday, na nanalong Digital Influencer of the Year.
Who Breakthrough in Showbiz?
Maliban sa kanya, ang bumi-breakthrough din si
Kyline Alcantara na nanalo bilang Favorite Kontrabida para sa programang Kambal Karibal. May angas itong batang ito para sa edad niyang
16 at para sa akin ay maganda ang naiibang simula ng kanyang career sa Kapuso
Network. You know basagin ang ma-typecast
sa paawa at pahinhin na role. Kasi sa totoo lang mas mahirap makawala sa ganoong
imahe (will blog about soon). And good
thing din na she can also sing pala at nagka-concert s’ya.
Kasama rin sa linyahang
ito si Darren Espanto, na
nag-uwi ng Beshie
ng Taon (Best Supporting Actor for The Hows of
Us) I wished na sana dumalo
siya sa 2018 RAWR awards kasi last year
pinagsisihan ko na hindi nakapagpa-picture sa kanya, hehehee. Saka gusto
ko sana s’ya ma-interview this time kasi parang ang cool ng gawa n’ya these
days. May feeling ako na binabasag din
niya yung limitations n’ya bilang mere singer/ balladeer. No doubt na magaling
na singer sa Darren pero ang okay din ang mga dance moves n’ya ha, pati na
iyong pagsubok niya sa acting. Tingnan mo nga naman, unang arangkada pa lang
may wagi na agad.
Para rin manalo na
Pak na Pak na Comedian si Maine Mendoza ay
something breakthrough din. Well alam
natin na isa s’yang famous TV personality, social media influencer, at effective
brand endorser. Pero napapansin ko sa kanya ay she knows what and where she can
deliver well, ‘yon na nga hosting at comedy. Sa kahenerasyon sa showbiz at
kaedadan n’ya walang umaariba sa comedy at hosting. Kung iyon man ay limitation sa iba, hindi para sa isang gaya ni Maine na pak na
pak sa kanyang ginagawa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento