Biyernes, Nobyembre 23, 2018

Deserving, Expected? JM, MayWard, at Kathryn sa 2018 RAWR Awards Part 2


Matagumpay na naidaos ang 2018 RAWR Awards ng LionHearTV sa Le Rêve Pool and Events Place Quezon City kamakailan. 25 Awards ang ipinamahagi at kabilang sa nakatanggap ay si Jessica SohoVice GandaMayWard, pelikulang The Hows of Us, at si  Kathryn Bernardo.  Sinong deserving at expected manalo? Narito ang aking personal na kuro: 

RAWR Awards Highlights II


Deserving.

JM De Guzman won The Great Comeback award, which deserved na igawad kanya at sa mga taong nakapaligid sa kanya.  Sa acting, karisma, at hard work ni JM ay hindi naman nakakapagtaka makabalik s’ya.




 Bukod sa talent at skill, aba commitment at hard work din ang puhunan sa pagiging anchor ng isang programa. At napapanood ko naman ang dedikasyon nila Vice Ganda (Favorite TV Host), Jeff Canoy  (Male News Personality of the Year ), DJ Jhai Ho (Favorite Radio DJ), at Jessica Soho (Female News Personality of the Year) kaya karapat-dapat na magawaran ng parangal ang mga gaya nila. 





Ganoon din ang masasabi ko sa kinilalang Love Team of The Year at Fans Club of the Year.   Ang MayWard Love Team ay nabuo at sumikat sa 7th season ng Pinoy BigBrother.  Nakakatuwa na after ng stint nila sa reality show ay may naipakita pa silang talent, skills, charm, good working attitude.  Isa pa ay  grabe rin  sold out concert,  pelikula,  albums, brand endorsements, magazine covers,  at foundation nina  Maymay  Entrata at Edward Barber. Ito ang latest pa nga ay ang pagrampa ni Maymay sa Arab Fashion Week. Parang hindi ko naman ata  kailangan na maging MayWard fan muna, para mapansin at ma-appreciate ang  mga wow na ganap sa kanilang career.



Naniwala lang ako, na siguro kaya may ganitong thriving career ang MayWard ay dahil positive features nila.  Sabi nga ni Chinkee Tan:” Positive Mindset + Positive Action = Positive Result.   At s'yempre isa sa dahilan ng bongga nilang career ay ang kanilang fans. Last year sa RAWR Awards nakasabay ko sila, grabe oi ang pagka-supportive nila. Sa totoo lang dahil sa kapapanood ko ng YT videos na  may MayWard ay namumukhaan ko na sila kung makikita ko sila sa personal. Nung nakita ko 'yong dalawang pamilyar ay nasabi ko talaga- “aha darating ang MayWard!”




No Doubt.

Samantala hindi ko ipinagtaka at somehow ini-expect kong manalong The Advocate si Angel Locsin (Red Cross), Favorite Newbie si Donny Pangilinan, Movie ng Taon ang ‘The Hows of Us, Favorite Performer si Morissette Amon (Morissette is Made), Bibo Award si Ella Ilano (Sana Dalawa Ang Puso), Best Actor si Joshua Garcia (The Good Son), at Favorite Bida (La Luna Sangre) at Best Actress (The Hows of Us) si Kathryn Bernardo.






Samantala, narito pa ang ibang nanalo sa 2018 RAWR awards


·         TV Station of the Year – ABS-CBN
·         Radio Station of the Year – Barangay LS 97.1
·         Brandspeak - Smart Communications Inc. and OPPO
·         Hugot Song of the Year – Mundo – IV of Spades
·         PR of the Year – Ripple 8, Strategic Works, Abs-CBN Corporate Communications and Spark It! PH
·         Trending Show of the Year – It’s Showtime
·         Favorite Group - Hashtags
·         the Royal Cub - Kris Aquino    (“The Royal Lion Award  is a distinct honour for someone who has shown courage beyond all odds. “)



Side note Bilang Blog Media Partner


I’m grateful na maging bahagi ng RAWR awards and happy for Richard Paglicawan and his LionHearTV.net team. He’s one of the pleasant bloggers, sila ni Flow Godinez, na madaling kapalagayan ng loob kahit ‘di pa kayo masyado magkakilala.  Sa ganoong impression, kasama na ang kanilang istorya at misyon ay nakakatuwa makita silang nagtatagumpay. By the way, naaliw ako kay Ian Heneroso bilang announcer ng nominees and winners.

Ang 2018 RAWR Awards ay suportado ng PLDT Smart at ka-partner sa tagumpay nito ay ang Le Rêve Pool and Events Venue and CVJ Food Corporation.  Thank  you din  Lalamove PhilippinesHome Credit PhilippinesBrother PhilippinesCAT PRVoyager Innovations, The Huddle Room, Greenbulb Communications, CID CommunicationJollibeeMode DeviStarbucks Philippines, AkrotiriCopperazoFuentes ManilaCoffee Lab, at DOJO PR.

Sa ibang banda, na-touch din ako sa pa- tribute ng LionHearTV.net para sa mga bloggers/ vloggers na pumanaw na.  Wala akong gaanong  kilala sa mga iyon, pero may katok sa puso. Ipinapaalala noon na sa likod ng social media, online platforms, camera, at mga  events ay buhay.  Isa pa'y marami rin akong nakasabayan na hindi ko na alam kung anong nangyari sa kanila. 




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento