Lunes, Agosto 8, 2016

When I met Bossing Vic Sotto...

Bata pa lang ako ay napapanood ko na si Vic Sotto sa Eat Bulaga at sa iba pa niyang sitcom.  Dahil patay na si Dolphy ay baka siya na nga ang pinakamatagal na comedian na napapanood ko, bukod pa kay Joey de Leon.  Pero noong mga 2005 ay naisip ko na gusto ko siyang makita in person. At hindi lang para makapagpa-picture ha (hindi ako fan ng autograph  -unless writer) na kasama s’ya ha, kundi ma-interview. Dumating ang pagkakataon na iyon noong 2013 at 2014 sa blog conference sa mga entries niya for Metro Manila Film Festival.


Ano ba mayroon kay Bossing Vic

PR photo: Iskul Bukol: 20 Years After
Bagaman mas regular natin na nakikita si Bossing sa Eat Bulaga ay kung babalikan ay marami na siyang show na nai-host at napagbidahan.  Ang unang pumapasok sa isipan ko na hosting gig niya ay Who Wants to be a Millionaire? (TV5). Pero ang iba pa n’yang sikat na defunct programs noon ay Mixed Nuts (GMA) at Korek Ka Dyan (GMA 7). Kung tama ako, ang huling nabanggit ay sagot ng Kapuso Network sa trend ng Game shows noon gaya ng Weakest Link (hosted by Edu Manzano) sa IBC 13, Game K Na Ba (hosted by Kris Aquino) at incidentally, Who Wants to be a Millionaire sa IBC 13 ( hosted by Christopher de Leon).

Sa dami naman ng comedy shows niya, ang pinasikat pa rin para sa akin ay ang Okay Ka Fairy Ko.  Tagal din naman kasi noon at siguro yun ang isa sa mga unang fantasy show dahil sa halo ng magic ng mga enkantada (may katunog ‘di ba?). Pero naabutan ko na rin yung Ful House (also starring Pia Guanio), 1 for 3 (with Rosanna Roces and Charlene Gonzalez. When Charlene transferred to ABS-CBN. Pinalitan s’ya ni Ai Ai delas Alas), at Daddy Di Do Du (with Maxene Magalona, Isabella de Leon, and his real life eldest daughter Danica Sotto).  So lamang na si Oyo Boy (isa pang anak nya kay Dina Bonnevie) kay Danica, dahil after ng Vampire ang Daddy ko, kasama pa s’ya sa latest sitcom na Hay Bahay ni Vic at ng asawa nitong si Kristine Hermosa.  Pag-awayin daw ba?  Hehehe! Pero kung papansinin, mahilig si Vic sa mga kwentong umiikot sa isang bahay at hindi niya kinaliligtaan isama ang mga taong malalapit sa kanya. So far special mention d'yan ay si Jose Manalo.

Sa pelikula ay ganoon din, naalala ko iyong kwento ng yumaong Ritchie D’ Horsie at pagbabalik niya, via Iskul Bukol: 20 Years After. Parang tinulungan nyang makalaya at makapag-bagong buhay si Ritchie mula sa pagkakakulong dahil sa droga.  Samantala, ang mga gusto kong pelikula n’ya na napanood ko na ay Rocky Plus V; Okay Ka Fairy Ko film series na buhay pa si Charito Solis; Hindi pa tapos ang labada, darling; Kabayo Kids; at Super wan-tu-tri.  Ang iba d'yan napanood ko na sa cable, pero sa sinehan ang napanood kong huli ay ang My Bebe Love.

Bukod pa sa paggawa ng pelikula, huwag nating kalimutan ang kanyang background sa music.  Siya ang  lead vocalist ng VST & Company. Sa impluwensya ng kuya ko na rin ay trip na trip ko ang mga kanta n’yang Rocky Baby Rock; Disco Fever; Awitin Mo, Isasayaw Ko. Pero ang pinakagusto ko sa lahat ay Ipagpatawad mo, Binibini, at Bakit ba Ganyan na kanyang komposisyon at pinasikat ng kanyang ex wife na si Dina.   

Bakit gusto ko siyang makita in person? 

Nagsimula ang ideya ko na gusto ko s’ya ma-meet in person siguro nung magkamuwang na ako noong 2005 (lang yun?) Around that the time, ay sila pa ni Pia Guanio.  Bago pa lumipat si Pia sa GMA ay isa siya sa hit Kapamilya host at tipong napaka-career-oriented.  Tapos naging sila ni Bossing kaya dun ako na-curious. Hanggang napa-focus ako sa Vic Sotto na hindi lang sa artistang  gumagawa ng TV, movie, o musika. 

Kung mapapansin mo, isa s'ya sa mga klase ng sikat na artista na maloko pero hindi masalita o napaka-ingat n'yang magsalita.  I guess iyon ang admirable sa kanya as a person o man.   Hindi siya madakdak pero once na nagsalita na siya  ng seryoso ay pakikinggan mo dahil may buwelo, hugot, at otoridad.  Iilan lang comedians or even sa lahat ng Pinoy celebrities ang katulad ng ganya.    

sa susunod na post...
Kumusta si Vic Sotto sa personal? 


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento