Hindi na ganoon ka-busy sa TV at tila laging nakakabit sa
kontrobersya ang isang Claudine Barretto.
Subalit, bakit nanatili pa rin s’yang pinapansin at kinikilala sa
showbiz? Halina’t balikan natin ang makulay na career ng tinaguriang Optimum Star ng Philippine Showbiz.
Walang Kapalit Photo/ ABS-CBN |
Isa siya sa halimbawa ng TV or movie personality na ang ticket para makapasok sa showbiz ay
kanyang sikat na kamag-anak.
Oo ang tinutukoy ko ay ang
kanyang ate na si Gretchen Barretto. Subalit, gaya ng ibang young stars ay dumaan
din naman sa challenge, leveling at formula si Claudine na nag- youth-oriented show (Ang TV), nag-support role, at nag-love team. Hindi nga lang ako sure kung alin ang nauna,
yung pagiging Seiko films star n’ya
o ito. Kung pagbabasehan ang Ang TV, ang
batch mate niya ay sina Roselle Nava,
Lindsay Custodio, Jolina Magdangal, Rica Peralejo
( although mas bata ata s’ya), Guila
Alvarez, at Angelu de Leon. Mapapansin na sa hanay na ito baka isa siya sa
atrasado pagdating sa kantahan at sayawan.
SUBALIT…
·
Nakakagawa na siya ng film that time sa Seiko Films kung saan pa nga ay
naka-love team niya ang former Vice
Mayor ng Manila na si Isko Moreno.
· Kabilang rin s’ya sa sitcom na Oki
Doki Doc ni Aga Muhlach with Agot Isidro, Jimmy Santos, Paolo Contis,
Charlene Gonzalez, Roderick Paulate, at namayapang Babalu.
Claudine Barretto, the Drama Princess
Even in her heyday, mayroon na ring mga female stars na all
in one ang package. May sumasayaw, nagre-release ng album bilang singer, at iba
pa. Pero as far as Youtube can show, aside sa acting ay sa hosting lang siya
nag-venture. Thinking it now, isa s’ya sa
living proof ng artista na hindi kailangan maging multi-talented para umangat
basta ginagalingan lang kung saan ang forte n'ya. Paano nga ba nahulma ang kanyang pagiging batikang
soap opera actress.
Note: Ang teleserye ay unang ginamit sa Pangako sa Iyo nina Jericho
Rosales at Kristine Hermosa.
It all started I guess sa kanyang launching drama series/ soap
opera na Mula sa Puso (1997- 1999)
kung saan niya nakatambal ang reel and real love team na si Rico Yan (died in 2002), Diether Ocampo. Nasundan na ito ng ilan pang soap opera gaya
ng Saan Ka Man Naroroon ( kung saan gumanap s’yang triplet at ipinareha kina Leandro Muñoz,
Diether, at Rico), Sa Dulo
ng Walang Hanggan (leading man: Carlos Agassi), Ikaw
Ang Lahat Sa Akin ( kasama sina John Lloyd Cruz, Bea
Alonzo and Diether ), Iisa Pa Lamang (kasama
sina Diether, Gabby Concepcion, and Angelica Panganiban)
at Walang Kapalit (opposite Piolo Pascual).
Samantala, makasaysayan din ang kanyang natatanging fantasy
series na Marina (2004) kung saan s’ya gumanap na sirena ( na minsang naging tutubi). Ito ang nagsimula ng fantaserye sa TV (remember that
GMA called theirs as Telefantasya).
PR Photo for Iglot/ GMA Network |
Claudine Barreto vs other young stars with love teams
Bago o habang namamayagpag na ang karera ni Claudine bilang
drama actress ay hindi naman lahat ng ginagawa n'ya ay heavy drama. Nakagawa pa rin naman sya ng chill show gaya
ng Buttercup kung saan nakasama niya sina
Bobby
Andrews, Angelu, Diether, Ciara
Sotto, Onemig Bondoc and Assunta De Rossi.
Speaking of Bobby and Angelu na isa sa matunog na love teams
noong mid 90s, isa sila sa naging screen rivals ng love team nina Claudine at Rico, maging ng Wowie de Guzman at Judy Ann Santos. Isama pa d’yan ang tandem nina Marvin Agustin
at Jolina Magdangal.
Lahat naman sila ay sikat at may kanya-kanyang
ipinakita. Siempre iba rin naman yung
tandem at individual projects outside the love team. Sa puntong iyon- naipapakita naman ni Claudine ang kanyang versatility. Kasi gumagawa siya ng projects na edgy gaya ng role niya sa
·
Dahil
Mahal na Mahal Kita (opposite Rico and
Diet- this is my favorite Claudine film)
·
epileptic rape victim sa Calvento Files.
·
Suwail na anak sa Anak with Vilma Santos
·
Suwail na step daughter Madrasta with Sharon Cuneta
·
Pasaway na kapatid sa Soltera with Maricel Soriano
Kung di pa nga ako nagkakamali ay minsan na s’yang nasabihan
the next or young Vilma Santos dahil
sa kaya at bagay sa kanya ang anumang role. Saka during her time uso pa ang api-apihang
bida (ginagawa n'ya yun sa soap) pero siya ay domo-doble o tumi-triple Kara o yung
tinatawag din nating bida-kontabida.
Sukob Photo/ Star Cinema |
Sa ibang banda, bukod sa Dahil Mahal na Mahal kita ang love
team nila ni Rico ay naitampok din sa
mga pelikulang Radio Romance, Madrasta, Flames the Movie at ang huli ay Got to Believe.
Matatandaan na bago pumasok si Rico sa eksena ay nakatambal din
ni Claudine ang kanyang reel and real love team noon na si Mark Anthony Fernandez – kung saan nakasama n'ya ito sa Pare Ko (yes with the Guapings at Jao Mapa) at Mangarap Ka.
IMHO, sa batch nila ni Judy Ann, silang dalawa ang nag-emerge at
nag-level up. Iyong they can stand up
kahit sino i-partner at masubukan sa iba’t ibang klase ng proyekto. Naitambal s’ya ng dalawang ulit kay Aga Muhlach sa Kailangan Kita (gusto ko rin ito) at Dubai (sure akong nanalo s’ya ng award dito kasi dito ko s'ya na-meet in
person sa Star Awards for Movies). Ganon
din sa action film na Oops teka lang…
diskarte ko to with Robin Padilla. Nag-horror
din si ate sa Siniserye presents Maligno
at sa box office hits na Sukob with Kris Aquino.
Bukod sa Kailangan Kita, ang another adult film niya na
nagustuhan ko ay Nasaan ka Man with Diet and Jericho Rosales. Gandang-ganda ako sa
plot noon. Siempre, hindi rin
malilimutan ang movie nila ni Papa P na Milan.
Possible causes of Claudine Barretto’s Unstable Showbiz Career?
Wala ako sa posisyon para magsabi kung ano eksakto ( sino
ako para mag-judge?). Tandaan natin na may personal na buhay at choices naman
ang mga artista na hindi na nila isinasapubliko. Ang sumusunod ay base lang
sa pangyayari o history na naalala ko na puwede o hindi na dahilan ng pagbabago
sa kayang career. ( Hindi lang sya ang dumaan sa ganito)
·
Marriage
and Motherhood - sa showbiz ata, kapag di ka na young and single ay mas
mahihirapan ka na. Parang next sa awkward stage (kung saan nagta-transform from
child star to teen or adult) ay ang pag-aasawa ang challenging part ng iyong showbiz career
ng artista (kaya iba nagtatago na may anak na). Ikinasal si Claudine kay
Raymart Santiago noong 2006. After ng Walang Kapalit (2007) nila ni Piolo
kung kailan nagbuntis na rin s'ya sa kanyang anak na si Santino ay di umano ay
hindi na nagri-rate at padalang na ng padalang ang kanyang mga projects. Bukod
sa mga guesting niya ay ang regular gig na lang n’ya bago siya nag-transfer sa GMA ay Maligno at Iisa
pa Lamang ( with Gabby Concepcion, Diet, at Angelica Panganiban).
·
Network
Transfer – Taong 2009 noong nag-decide na mag- over da bakod si Claudine from ABS-CBN to GMA at from Star Magic to Viva Artists Agency. Big blow yun in a way knowing she’s known as the Queen of Star Magic. Sa aking kuro,
mahirap din na desisyon ang pag-transfer ng TV network lalo na kung identified
ka na sa inalisan mo. May fans na loyal sa network o hindi madaling mabago, unless fans mo mismo ang susunod sa iyo.
Although sana maintindihan din ng
iba na wise and acceptable reason para sa sinumang artista na mag-transfer kung hindi na
s'ya nabibigyan ng magandang roles ( art sake/ career growth) at lalo na trabaho ( money sake)
ng kanyang kompanya. Ang mahirap ay
iyong basta na lang lumipat for prestige o nagpa-pirata.
Sa bakod ng GMA ay nakagawa ng weekly anthology
ang aktres entitled Claudine, Iglot (kiddie
drama series with Jolina, Marvin, and Patrick Garcia) at film na In your Eyes (with
Richard Gutierrez at Anne Curtis). Sa film na nabanggit, my review ay medyo
nabawasan ang galing n'ya o mas umangat lang si Anne?
·
Personal controversies
- Outside TV and Movie dramas, labo din
na walang drama di ba? Pero mahirap din kung umaabot na ito sa point na masyado
na itong news item na para bang kahit anong gawin ng mga artista ay hinuhusgahan na
sila parati. Narito ang ilan sa
matinding kontrobersya sa career ni Claudine ( during and post GMA)
o
Brawling
incident at the airport with her estranged husband Raymart against broadcast
jounrnalist Mon Tolfu
o
Ang isyu
nila Angelica Panganiban, kung saan inakusahan n’yang nagkakalat ng
malisyosong issue ang Rubi star
o
And her on and off court legal battle against
Raymart.
Ang huli kong balita ay gumawa si Claudine ng series sa TV 5 with Diet and Cesar
Montano, pero ang alam na alam ko ay ang good performance niya sa Etiquette forthe Mistresses with Kris, Kim Chiu, Cheena Krabs, at Iza Calzado. Bukod dito ay
wala na akong alam tungkol sa 37-old actress. I think bata pa s'ya to retire and
Hopely masubukan din n'yang mag-independent films or theater. J
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento