Miyerkules, Pebrero 8, 2017

Movie Review: All You Need is Pag-ibig (part 3)

Ito ang part 3 ng movie review ko ng All You Need Pag-ibig directed by Antoinette Jadaone and starring Kim Chiu, Xian Lim, Pokwang, Bimby Aquino, Julia Concio, Talia Concio, Nova Villa, Ronwaldo Valdez, and Kris Aquino.



Musta ang performance ni Kris Aquino as Dr. Love?


Ganun pa rin. Pero her role ay hindi naman ganun ka-challenging or requires heavy acting. Although needed ito para mapagtagpi-tagpi ang mga stories at mayroon din naman dating ang kanyang pagiging love adviser sa TV.  Naipakita nito na being a love guru doesn’t mean may perfect love life na sila or baka sila pala  talaga ang sawin in real life.  

Ang mas napansin ko ay si Bimby Aquino-Yap kasi ang cute n’ya bilang estudyanteng nagka-crush, may busy mom, at nagkaroon ng kaibigan.

Musta naman si Pokwang sa film?

 In fairness sa komedyanteng ito nabibigyan ng drama roles na magaganda. At in fairness ulit, nagagampanan naman n’ya at convincing s'ya. Dito sa All You Need is Pag-ibig, ginagampanan n’ya si Corina, ang babaeng di maka-get over sa ex boyfriend. Teacher rin s'ya na ibinuhos ang kanyang panahon sa pag-aalaga sa kanyang pamilya, kasama na ang kanyang mga pamangkin (Kelsey at Hannah played by Julia Concio). I think okay naman overall ang role at performance ni Pokie, hindi nga lang nag-stand out para sa akin.

Script and direction of Antoinette Jadaone

From the start, ang impression ko sa style ng writer-director na si Antoinette Jadaone ay “the simpler the better, creative and entertaining.” Nagustuhan ko ang simple pero may pusong atake n'ya sa English Only Please at On The Wings of Love. Pero aaminin ko, ako yung manonood na  mahilig sa variety  at  kung feeling ko same din sa paningin ko ang ihahain mo, wag na lang. That’s why, mas napansin ko siguro ang part ni Jericho Rosales sa Walang Forever (halos same ang team nito ng English Only Please –si Dan Villegas ang direktor at si Jadaone the film) at hindi ako nanood ng Till I Met You.  Sorry na lang sa akin kung I miss something.

With this impression, I didn’t expect that much noong nanood ako ng All I Need is Pag-ibig. nanood ako kasi every MMFF I try to watch 2-4 films at nagkataon   ito yung fourth choice ko like  Nilalang nina Cesar Montano at Maria Ozawa. Kaso that time wala ng Nilalang sa mga pinapanooran ko somewhere in Quezon City :P

For reference:
                Movie Review: Honor Thy Father  part 1 and part two
                Movie Review: Walang Forever
                Movie Review: My Bebe Love (request ni Pamangkin)
                *nanood din ako ng Beauty and the Besty pero di na ako nag-review.


Anyway, nagulat ako sa work na ito ni Jadaone. Akala ko predictable na para bang  Valentine’s Day at Love Actually lang, pero HINDI.

The script is superb, wala akong maalalang nahirapan akong intindihin at loophole. Bawat importanteng karakter ay maayos na naipresenta kahit alam mong ang dami-dami at sala-salabat.  Mayroon kilig, may drama, at kurot sa puso hanggang utak.  Dahil sa film na ito, ang naiisip ko ngayon ay marami pang magagawang kakaiba si dir. Antoinette. Kung makakagawa siya ng film with ensemble cast like this, sana makakuha siya from both networks baka mas bongga pa ang creative juices ang dumanak,  Feeling ko adaptable at flexible writer-director s'ya basta bigyan ng dos and donts saka n'ya iikutan.

Direk 'pag ganun,  pwede  Rhian Ramos, Dennis Trillo, Janine Gutierrez, Kylie Padilla, Ruru Madrid, Pia Wurtzbach, Zanjoe Marudo, Eugene Domingo, Bea Binene, Nash Aguas, at iba pang artista hindi madalas nagbibida sa films pero punong-puno ng potential.

Because All we Need is Pag-ibig for arts and films :P

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento