Sabado, Pebrero 23, 2019

Part II ng Film review ng Alone Together ng LizQuen


Sa part 1 ng review ko ng  Alone Together movie ng LizQuen  ay nabannggit ko ang ilang elemento na nagpatingkad sa pelikulang ito na produced by Black Sheep. Dito sa part 2 ay idedetalye ko naman ang 2 major reasons pa kung bakit recommendable panoorin ang  Alone/Together

Direction ni Antoinette Jadaone  sa Alone Together 



So far ang napanood ko na may touch of Antoinette Jadaone ay On the Wings of Love ( series  nina James Reid and Nadine Lustre),  English Only Please, Walang Forever, at All You Need is Pag-ibig. Dahil sunod-sunod pa man din kong napanood ay napapansin ko yung masasabing “crossovers” n’ya.  Halimbawa marami tauhan sa OTWOL ang nakita ko sa English Only Please at Walang Forever. Nakita ko rin ang ilang settings n'ya sa OTWOL sa All You Need, particularly ang Estero sa Binondo.

Ang point ko ay sige magaling siya  bilang writer at sa concept na makaka-relate ka, pero may doubt pa ako sa direction pa ( o kung trip ko yung directing style n'ya). Magaling s’yang gawing casual at natural ‘yong parang hindi kapani-paniwala sa realidad mo.  Gawing kabilib-bilib  na may prince charming na darating sa buhay mo sa  casual nitong anyo. Iyon lang baka nauubusan s'ya minsan o kung sino man staff n’ya ng idea para sa maliliit na bahagi, pero kapansin-pansin. Ilan na nga rito ang casting, location, at oo minsan itodo pa sa kakaibang visual. 

Dito sa Alone/ Together ay totally gusto ko ang work n’ya bilang director.  Ewan ba't nagkakataon at gaya ng nasabi ko sa part 1 ng Review ng Alone / Togethe ko ay karamihan  ng locations n’ya ay napuntahan ko. Yes pati yung mga inupuan nila sa U.P. at emergency room ni Quen. So I can attest na yong ambiance ng lugar ay maayos n'yang naita-translate sa big screen.  Nabibigyan ng highlight iyong lugar kahit background lang sila sa eksena at magagandang artista gaya nina Liza Soberano at Enrique Gil

Sa direction sa acting, IMHO ay nahubog n'ya ang mga artista n'ya sa  mga karakter na nilikha n'ya. Sa movie ay oo physically ang nakikita ko ay  ang pointed bone sa nose ni Liza at foreigner eyes  Enrique, pero iba ang persona nila rito. Kabilib-bilib na sila ay sina Tin at Raf, lalo na yung college days nila na halos walang make up maliban sa pimples ('yon pa talaga ang prosthetic ha). Sa older parts, Raf na Raf sa akin si Enrique. Hindi n’ya rin hinayaan na ma-under  guide 'yong mga extra at supporting cast gaya ng palibre sa  estudyante meal sa UP campus, tsika ni Art Major Prof ( Nonie Buencamino), yung nanisi kay Tin sa office, at siempre kina Jasmine Curtis-Smith at Adrian Alandy (formerly Luis Alandy). 

Magaling si Alandy rito, effective ang pag-arte n'ya ng isang lalaking nakaka-intimidate “na mahal mo naman kaso parang hindi ka masaya sa piling n'ya kaya parang ang sarap n’ya ingod-ngod sa dalawang plato ng green salad hehehe.

Believable acting sa Alone Together movie  

Kung ako ang tatanungin pwedeng magka-best actress at best actor award dito sina  Liza Soberano at Enrique Gil. I don’t have to watch all their shows o movies (though napanood ko ang Bagani, My Ex and Whys, Just Way you Are, at Dukot) para ma-tsek ang progress. Dito pa lang sa Alone Together movie ay convinced na ako na they're not only celebrities, they are dramatic actors. 


Enrique Gil’s acting

Of course mas matagal si Enrique so mas marami na siyang experience. Pero doon sa mga napanood ko, na karamihan ay romcom, pakiramdam ko nalilimitahan s’ya, parang may limitation s'ya, o nagmumukhang pare-pareho sa paningin ko. Ang nakita ko rito sa Alone/ Together ay iba, para bang ready na s’ya to take mature, serious, and older roles.  I wasn’t expecting na mararamdaman ko yong pagka-father figure niya, pero surprisingly believable. Ang galing-galing n'ya pati sa damuhan sa bandang New York, at dun sa paglabas-labas ng emergency room.

'Yong proposal n'ya sa gate nila Tin ( Liza) at sa damuhan ay magkaiba.  Napansin ko ang level up sa damuhan at doon ko rin naramdaman yung Raf sa pagkatao n'ya.  Iyong bitaw ng linya at iyong expression ng mukha ay peste parang ako ang na-frustrate kay Tin. Ako yung safeguard konsensya na gustong tumapik sa kanya at magsabi “Alam mo Raf, hindi na sapat ang paghabol mo mula Maginhawa St. to New York. Tama ka na magalit sa kanya at magpahabol sa labas ng ER ng VMMC.”  Teka parang di ata konsensya ang tawag doon a.  

Sa ibang banda, masasabing ang Alone Together movie is more of Liza Soberano film.  So ang datingan ay leading man s’ya ni Liza. Ganun pa mana bilang leading man at actor sa Black Sheep movie na ito, he totally nailed it!

Liza Soberano’s acting

Sa mga nagsasabi na hindi nakakaarte si Liza, hindi ko na alam kung ano pa ang pamantayan nila. Dito sa Alone/ Together ay  nai-deliver ni Liza ang  passion ng isang art major, ang ma-pressure at self-doubt lalo na’t magna cum laude ( I know I have a friend  na ganito), ang ma-frustrate dahil nabalewala lahat, ang panghihinayang sa the one who got away, at fear na balikan ang spot kung saan ka nadapa para makapagsimulang ulit.  

I praise Dir. Antoinette Jadaone sa directing at writing, but I can say 100% na ibinigay din ni Liza ang kanyang makakaya sa part ng acting. Dahil sa pagganap n'ya kay Tin naramdaman ko yung saya  na maging guide sa National Art Museum,  iyong sarap tumambay at kumain ng Isaw sa  UP, ang malungkot sa itinakbo ng iyong buhay, at ang masadlak sa sitwasyon na okay naman, pero puno  ng what if.  Pesteng what if talaga na yan, hahaha.


Ang pinakagusto kong mga eksena niya ay yong opening  when Tin says something about history, nang sumagot s’ya sa mga rationale ni Raf sa New York’s damuhan, at nang walk out s’ya pa-green salad ni Alandy. Dahil sa mga iyon, parang 'Day at 'Dong ay gagawin ko na yung magagawa ko ngayon, kaysa magaya ako sa paghihirap ni Tin ng more than 5 years.



Overall recommended kung panoorin ang  Alone Together movie especially sa mga fresh grad, may quarter life crisis, o nag-aanalisa ng kanilang career 5-7 years ago. You know para masagot mo rin ngayon kung where do you see yourself five years from now?

Mabuhay!





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento