Sa part 1 ng review ko ng Alone Together movie ng LizQuen ay nabannggit ko ang ilang elemento na nagpatingkad sa pelikulang ito na produced by Black Sheep. Dito sa part 2 ay idedetalye ko naman ang 2 major reasons pa kung bakit recommendable panoorin ang Alone/Together.
Direction ni Antoinette Jadaone sa Alone Together
So far ang napanood
ko na may touch of Antoinette Jadaone ay On
the Wings of Love ( series nina James Reid and Nadine Lustre), English Only Please, Walang Forever, at All You Need is Pag-ibig.
Dahil sunod-sunod pa man din kong napanood ay napapansin ko yung masasabing “crossovers” n’ya. Halimbawa marami tauhan sa OTWOL ang nakita
ko sa English Only Please at Walang Forever. Nakita ko rin ang ilang settings
n'ya sa OTWOL sa All You Need, particularly ang Estero sa Binondo.
Ang point ko ay sige magaling
siya bilang writer at sa concept na
makaka-relate ka, pero may doubt pa ako sa direction pa ( o kung trip ko yung directing style n'ya). Magaling s’yang gawing casual
at natural ‘yong parang hindi kapani-paniwala sa realidad mo. Gawing kabilib-bilib na may prince charming na darating sa buhay
mo sa casual nitong anyo. Iyon lang baka
nauubusan s'ya minsan o kung sino man staff n’ya ng idea para sa
maliliit na bahagi, pero kapansin-pansin. Ilan na nga rito ang casting, location, at oo
minsan itodo pa sa kakaibang visual.
Dito sa Alone/ Together ay
totally gusto ko ang work n’ya bilang director.
Ewan ba't nagkakataon at gaya ng nasabi ko sa part 1 ng Review ng Alone / Togethe ko ay karamihan ng locations n’ya ay napuntahan ko. Yes
pati yung mga inupuan nila sa U.P. at emergency room ni Quen. So I can attest na yong ambiance
ng lugar ay maayos n'yang naita-translate sa big screen. Nabibigyan ng highlight iyong lugar kahit
background lang sila sa eksena at magagandang artista gaya nina Liza Soberano at Enrique Gil.
Sa direction sa acting, IMHO ay nahubog n'ya ang mga artista n'ya sa mga karakter na nilikha n'ya. Sa
movie ay oo physically ang nakikita ko ay ang
pointed bone sa nose ni Liza at foreigner
eyes Enrique, pero iba ang persona
nila rito. Kabilib-bilib na sila ay sina Tin at Raf, lalo na yung college days
nila na halos walang make up maliban sa pimples ('yon pa talaga ang prosthetic ha). Sa older parts, Raf na Raf sa akin si Enrique. Hindi n’ya
rin hinayaan na ma-under guide 'yong mga
extra at supporting cast gaya ng palibre sa
estudyante meal sa UP campus, tsika ni Art Major Prof ( Nonie Buencamino), yung nanisi kay Tin
sa office, at siempre kina Jasmine Curtis-Smith at Adrian Alandy (formerly Luis Alandy).
Magaling si
Alandy rito, effective ang pag-arte n'ya ng isang lalaking nakaka-intimidate “na mahal
mo naman kaso parang hindi ka masaya sa piling n'ya kaya parang ang sarap n’ya ingod-ngod sa dalawang plato ng green
salad hehehe.
Believable acting sa Alone Together movie
Kung ako ang tatanungin pwedeng magka-best actress
at best actor award dito sina Liza Soberano at Enrique Gil. I don’t have to
watch all their shows o movies (though napanood ko ang Bagani, My Ex and Whys, Just Way you Are, at Dukot) para ma-tsek ang progress. Dito pa lang sa Alone Together movie ay convinced na
ako na they're not only celebrities, they are dramatic actors.
Enrique Gil’s acting
Of course mas matagal si Enrique
so mas marami na siyang experience. Pero doon sa mga napanood ko, na karamihan
ay romcom, pakiramdam ko nalilimitahan s’ya, parang may limitation s'ya, o nagmumukhang pare-pareho sa paningin ko. Ang
nakita ko rito sa Alone/ Together ay iba, para bang ready na s’ya to take mature, serious, and older
roles. I wasn’t expecting na
mararamdaman ko yong pagka-father figure niya, pero surprisingly believable. Ang
galing-galing n'ya pati sa damuhan sa bandang New York, at dun sa paglabas-labas
ng emergency room.
'Yong proposal n'ya sa gate nila Tin ( Liza) at sa damuhan ay magkaiba. Napansin ko ang level up sa damuhan at doon ko rin naramdaman yung Raf sa pagkatao n'ya. Iyong
bitaw ng linya at iyong expression ng mukha ay peste parang ako ang na-frustrate
kay Tin. Ako yung safeguard konsensya na gustong tumapik sa kanya at magsabi “Alam mo Raf,
hindi na sapat ang paghabol mo mula Maginhawa St. to New York. Tama ka na magalit sa kanya at magpahabol sa labas ng ER ng VMMC.” Teka parang di ata konsensya ang tawag doon a.
Sa ibang banda, masasabing ang
Alone Together movie is more of Liza Soberano film. So
ang datingan ay leading man s’ya ni Liza. Ganun pa mana bilang
leading man at actor sa Black Sheep movie na ito, he totally nailed it!
Liza Soberano’s acting
Sa mga nagsasabi na hindi
nakakaarte si Liza, hindi ko na alam kung ano pa ang pamantayan nila. Dito sa Alone/ Together ay nai-deliver ni Liza ang passion ng isang art major, ang ma-pressure at self-doubt lalo na’t magna cum laude ( I know I have a friend na ganito), ang ma-frustrate dahil nabalewala lahat,
ang panghihinayang sa the one who got away, at fear na balikan
ang spot kung saan ka nadapa para makapagsimulang ulit.
I praise Dir. Antoinette Jadaone
sa directing at writing, but I can say 100% na ibinigay din ni Liza ang kanyang
makakaya sa part ng acting. Dahil sa pagganap n'ya kay Tin
naramdaman ko yung saya na maging guide
sa National Art Museum, iyong sarap tumambay
at kumain ng Isaw sa UP, ang malungkot sa
itinakbo ng iyong buhay, at ang masadlak sa sitwasyon na okay naman, pero
puno ng what if. Pesteng what if talaga na yan, hahaha.
Ang pinakagusto kong mga eksena
niya ay yong opening when Tin says something
about history, nang sumagot s’ya sa mga rationale ni Raf sa New York’s damuhan,
at nang walk out s’ya pa-green salad ni Alandy. Dahil sa mga iyon, parang 'Day at 'Dong ay gagawin ko na yung magagawa ko ngayon, kaysa magaya ako sa paghihirap ni Tin ng more
than 5 years.
Overall recommended kung panoorin
ang Alone Together movie especially sa mga fresh
grad, may quarter life crisis, o nag-aanalisa ng kanilang career 5-7 years ago.
You know para masagot mo rin ngayon kung where do you see yourself five years from now?
Mabuhay!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento