Search about American literature and it’s impossible that you
would not encounter Edgar
Allan Poe and his works. The prolific literary icon is known for his mind-boggling poets and
short stories that includes “The Fall of the House of Usher published in 1839.” This year, a Filipino adaptation of it entitled #14 Leandro Road is what Theater House of Black will offer on October 7 and 8 at the Power Mac Center Spotlight in
Circuit Makati.
Review based on sample run of 14th Leandro Road’s…
Sa Sikat Studio Inc., napanood ko ang kalahati ng show kung
saan kasama sina Harry David (Ed), Migui Moreno (creepy Rudy), Gry Gimena
(crazy Anton), Marife Necessito (Dra. Lita Dumas), Pewee O’Hara (Donya
Victorina), at May Bayot (Consuelo). Doon maraming ideya ang tumatakbo sa aking
isipan kaya maganda itong panoorin.
Aaminin ko na mas kilala ko si Edgar Allan Poe bilang poet
at noong high school ko pa s’ya napag-aralan kaya hindi ko na maalala ang
tungkol sa “The Fall of the House of Usher.” Kaya itong #14 Leandro Road ay
nagbigay sa akin ng glimpse of Poe’s type of stories. Kung estudyante ka, watching this play will
also help you to understand macabre
(disturbing story) and Gothic literature/ plays. Tandaan na naiiba ang atake sa film at TV,
kumpara sa teatro kaya interesante itong show.
Aaminin ko rin na matagal na akong 'di nakakapanood ng
theater play, ang last ko ay Zsa Zsa
Zaturnah ni Eula Valdez at Joey Paras. Bakit ko binabanggit? Hindi ako familiar sa mga theater actors na
napanood ko even Madam Pewee O’ Hara na sa panood ko pa lang
ay mukhang batikan na nga. Maganda ito in a way kasi fresh at
mahuhusgahan ko ang kanilang acting base sa kanilang pagganap at hindi dahil sa
kanilang reputasyon.
The standout parts
1 Play Script – hindi ko natanong kung
sino ang playwright ng #14 Leandro Road at kung gaano ito ka-faithful sa orihinal (pero baka sina K.H. Dizon at Direk Jay Crisostomo IV).
Pero para sa akin panalo ang dialogues at scene/ stage instructions. Ilan sa nagustuhan kong linya (hindi ako
sure kung eksaksto ang natandaan ko) ay ang mga ito:
o
“Bakit
ang hirap pag-usapan ng kamatayan, totoo naman ito.” Ito ang tsika ni Anton
kay Ed na asiwa na pag-usapan ang
topic.
o
“Isang kahangalan ang pagsambit sa mga bagay na hindi mo pinaniniwalan.” Sinabi
ni Rudy kay Ed tungkol sa mga bagay-bagay sa bahay nila. I agree sa kanya dahil sa ibang banda ay
nag-iiwan ka ng bahagi ng iyong sarili sa ginagamit mong bagay. Halimbawa ay
ang librong ipinasa mo sa ibang tao, kuwaderno na iyong sinulatan, o upuan na
matagal mong ginamit.
Sa stage instruction – gusto ko iyong malikhain pagpasok at
paglabas ng mga Matatandang Laperal. Kung paanong ang kanilang presensya ay
matindi ang epekto sa mga nakakababatang Laperal. Dito mas makikita ang galing ng
playwright kung paano instruction blocking, pangyayari sa scenes at ibabatong linya. Siempre may say din dito ang director. Nakalimutan ko iyong
pinakagusto kong part, pero kasama roon si Donya Victorina, Rudy, at Ed. Ang naalala ko na maganda ay iyong may “pinasayaw at binabaston,” ang “Ed’s
tonight private conversation with Anton,” at alin ang mas sipa “whisky o lapad”
;)
2. Acting of theater actors- lahat naman
ay nakapag-deliver and nag-contribute, but nevertheless noticeable talaga na
batikan si Pewee O’ Hara. Nandoon yung impact na “I am Donya Victorina and this
is me.” Malinis na hindi OA at UA, kundi klarong in character siya.
On the other
hand, na-explain ni Direk Jay Crisostomo IV na magkakaiba iyong pinanggalingan
ng mga actors so may dynamics. Dito
naklaro sa akin kung bakit may something kay Marife Necessito at Gry Gimena. I
don’t feel na umaarte sila sa stage as theater actors parang casual na
napapadaan lang sila as Dra. Dumas at Anton. Yung Anton ni Gry, parang dati mo lang
talagang kakilala na nawala sa katinuan o nasapian. Saka in fairness sa kanya
parang physically demanding iyong role. Ito
naman kay Marife ay may comedic timing.
Okay din naman
sina Migui, Harry, at May. Physically
demanding din ang Rudy ni Migui. Lumalabas ang challenge sa kanya kapag may
moment sila ni Pewee O’Hara o nag-aagawan ang realidad at kabaliwan sa kanyang
pagtao. Consistency naman ang
maipapakita ni Harry, bahala ka kung magugustuhan mo o hindi ang kanyang
pagganap. Subalit, siya iyong tipong pinangangatawanan ang kanyang
ginagampanang karakter. Wala pa akong masabi masyado kay May Bayot, bukod sa
maganda ang kanyang tinig. Kung tama ako baka may connect s’ya kay Asia’s Nightingale
Lani Misalucha.
Harry David as Ed |
Samantala, ang alternate cast ay kinabibilangan ni Mosang
(creepy Pilar), Alex Leyva (crazy Anna), at Particia Ismael (weird Dra. Lita Dumas).
3The theme/ genre of the play - Ilan na
nga ba ang napanood ko na play na may Gothic o macabre na tema? Wala akong maalala. At ang challenge sa
ganitong genre ay pagpapakita ng fantasy/ imaginary creatures. Hindi naman ito
TV at film na malalapatan ng visual effects sa post production dahil on the spot kailangan maipakita sa anumang paraan sa audience ang nakaka-disturb
na mga scenes. Kaya ang basic edge ng the #14 Leandro Road ay genre nga nito.
Why I Recommend it?
Direk Jay Crisostomo IV and JC Salud of Theater House of Black |
- An adaption of the art work of a well-known unconventional literary artist Edgar Allan Poe. Thus, good for students and literature enthusiasts
- The venue is at the heart of an accessible business district
- The dates are perfect weekend treats and art appreciation time
- It's time to watch an all Filipino Production with veteran and fresh Theater Artists.
1Note: Star Powerhouse is one of the media partners of Theater House of Black for #14 Leandro Road
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento