Magsisimula na ang another telefantasya ng GMA ang Super Ma’am starring Kapuso
Primetime Queen Marian Rivera-Dantes.
Kumpara sa ibang lumabas ng fantasy series ay hindi remake or adaptation
ang Super Ma’am na pinagbibidahan din nila Kim
Domingo, Meg Imperial, Kristopher Martin, Joyce Ching, Jackie Lou
Blanco, at Helen Gamboa. Introducing
at leading man n’ya rito ang Fil-American model na si Matthias Rhoads.
Kapalit nga ng mga taong-ibon ng Mulawin
versus Ravena top billed by Dennis
Trillo, isang guro na may power na maging “tamawo slayer” ang bibida sa
series ni Marian. Kung hindi ako nagkakamali ay ito pa lang second time ng
misis ni Dingdong Dantes mag-solong bida sa fantaserye o gumanap na superhero. Yes
after ng kanyang Darna stint noong 2009-2010
at ng kanyang special participation sa requel ng Encantadia. Pero sa big screen ay nakailan na rin na fantasy films si Marian isa na rito ang version niya ng Inday Bote
Bukod sa
kapana-panabik para sa kanyang mga fans ang kanyang pagbabalik, inaasahan din
ang umaatikabo n’yang fighting scenes
laban sa mga Tamawo. Teka ano mga to?
Ang mga tamawo ay ‘di umano mga
mahiwagang mga nilalang na may pakpak at kayang magpalit anyo. Trip nila ang
magnakaw ng mga kabataan para gawing source kanilang enerhiya. Ang lider ng mga Tamawo ay si Greta Segovia
(Jackie Lou) na nagbabalat-kayong mayaman at mabait donor sa paaralan na kung
saan maestra sina Minerva Henerala (Marian), Jake
(Enrico Cuenca), at Rose (Ashley Rivera), asst. principal si Jessica (Meg),
janitor si Esteban (Jerald Napoles), at principal si Lailani (Shyr Valdez). Samantala, narito rin si Carmina Villaroel bilang si Ceres na
may kinalaman sa makapangyarihang sandata ni Super Ma’am- ang buntot pagi.
Kasama rin sa cast sina Al
Tantay (tatay Chaplin Henerala), Julius
Miguel (bro Bixby Henerala), Jillian Ward (genius Michelle), Ash
Ortega (Kristy), Marika Sasaki (Dina),Vincent
Magbanua (Eric), at Ralph Noriega (Onin), Kevin
Santos (Casper), Isabelle
de Leon (Rafa), Andrew Gan (Keno), at
Ms. Dina Bonnevie na gaganap na na si Raquel Henerala, ina nina
Minerva.
Isa sa
interesanteng twist sa story din ay ang relasyon ng karakter ni Kim kay Super
Ma’am. Gagampanan n’ya kasi ang nawawalang kapatid ni Minerva na si Mabelle
Henerala na pinalaki ni Greta at makaka-love triangle n’ya sa American
archaeologist- writer na si Trevor Jones
(played by Matthias).
Kim Domingo gaganap na sister ni Marian (Credit: GMA ) |
In between sa
love, family, kabutihan laban sa kasamaan- maganda rin tingnan ang maipapakitang pagkilala ng programa sa role
ng mga guro. Sa totoo lang din kasi, ito ang propesyon na hindi lamang tungkol
sa pasyon kundi bokasyon. Mainam nga na
sa pagkakataon na ito ay maipakita naman ang nature at nagagawa ng kanilang
propesyon sa lipunan.
Mapapanood ang bagong serye na ito pagkatapos ng news program na 24 Oras.
Mabuhay!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento