I guess maraming young actors ngayon ( at 'yong mga dati rin) ang dumaan sa
pagka-frustrate kapag hindi sila nabibigyan ng chance to shine. Bilang manonood ay nakaka-frustrate din naman
magsayang ng pera at oras (lalo na sa sinehan) kung disappointing ang
performance ng star na binigyan ng pagkakataon para magbida o
magkontrabida. Kaya bilang pagkilala sa mga awesome, narito ang second 5 ng
15 young actors na napanood o sa tingin ko ay good Young Filipino actors
(under 30):
Movie Poster ng Die Beautiful (SM City Fairview) |
(Arranged according to age per batch)
Part 1 of the list <here>
Edgar Allan Guzman, 29
Nabanggit
ko dati na si Edgar Allan Guzman o EA, dahil effective ang acting, ay mapapabilib kang “pogi” at “lodi” mo s’ya. Ganito kasi na-feel ko noong napanood ko
s’ya sa Unofficially Yours, Deadma Walking, Ligo na U Lapit Na Me, at isang episode
ng Maalaala Mo Kaya (kasama si Kim
Chiu).
I think he’s doing right naman when it comes sa acting at
pagpili ng projects. In fact talagang kapuri-puri ang performance niya sa
Deadma Walking. IMHO ang kailangan na lang n’ya ay string of commercially successful films pa para umalagwa ang kanyang karera. Promising
sana ang tambalan nila ni Kim, pero puwede rin s’ya sa mga linyahan ngayon nina Bela Padilla at Alessandra De Rossi sa indie films.
JM de Guzman, 29
To be honest, hindi pa ako nakapanood nang bongga ng anumang
teleseryeng napagbidahan ni JM de Guzman.
Pero kung pagbabasehan ko ang mga pelikula niya na napanood ko, na mostly
hit independent films, ay hindi kataka-taka na tuloy-tuloy ang kanyang mga
proyekto mapa-TV o pelikula. He’s also a living proof ng good actor na kayang i-overcome ang bad issues ( but I hope okay na s'ya). Sarap din balik-balikan ang kanyang performance sa Ang Babae Sa Septic Tank (part 1) at That Thing Called Tadhana.
Dominic Roco, 29
Napanood ko na ang ilang minor roles n’ya, pero hindi ko s'ya masyado napansin dati. Naiba noong nagbida s'ya sa Ang
Nawawala dahil doon ko na-realize na may ibubuga ito kahit pa hindi masyado masalita ang kanyang
role. Mayroon s’yang angst at saka comedic timing na
minsan lang lumabas pero dale ka talaga.
Incidentally, after
nito ay wala na akong naalalang napanood na ibang project ni Dominic. O naguguluhan pa rin ako kung sino si Dominic at Felix Roco? Good thing kasama s'ya sa Contessa na pinagbibidahan ng ni Glaiza De
Castro.
Arjo Atayde, 27
Bilang manonood walang masyadong bearing sa akin kong kung ang pinapanood ko ay anak
ng isang artista. Sa umpisa lang naman 'yang pa-publicity na mula sa angkan na
ganito o ganire at bandang huli ay i-appreciate mo ito kung magaling talaga. Sa kaso ni Arjo Atayde,
hindi s’ya nakakahiyang ipakilala na anak ni Sylvia Sanchez at kahit 'wag pa nga i-mention kasi pinatutunayan ni Arjo na ang trabaho n'ya ang magpakilala sa kanya.
On the other note, hindi man ako avid viewer ng Ang Probinsyano ay sa ilang beses kong napanood ito at nandoon si Arjo ay wow talaga ito. For his age, nakakabilib na
kaya niyang gawin 'yong ganoong kabigat na pagkokontrabida. Iyong mukha n’ya ay parang boy-next-door especially
dahil sa kanyang dimples (tuwang –tuwa ako sa dub smash at dance videos n’ya). Sayang hindi ko na napanood ang Hanggang Saan na pinagbibidahan nilang
mag-ina, pero base pa rin sa mga napanood
kong video clip ay binigyan n'ya ng magaling na suporta si Sylvia roon.
Christian Bables, 25
Sa lahat ng binanggit ko sa listahan na ito ay si Christian
Bables ang isa pa lang na proyekto ang napanood ko. Subalit kahit 'yon pa lang
ay markado na para masabi ko na may ibubuga ito sa acting. Sa Die Beautiful ay gumanap siyang si
Barbs Cordero, ang beki best friend
ng bidang karakter na ginagampanan ni Paolo
Ballesteros.
Bago ang movie na ito ay totally hindi kilala si Christian, so ang
impression ko ay siguro bading o silahis talaga ito, ang galing e. Pero
hindi punto rito kung bading s’ya o hindi in real life, kundi nasa galing ng acting n’ya. Extra bonus na lang kung first time n‘ya gumawa ng gay role kasi challenging ito just in case and yet, he pulled it
off. Ano pinagkaiba ng kanyang pagkakaganap at pagkakagawa ng Barbs Cordero sa iba? Hindi lang nagmukhang sidekick o supporting role, kundi nagmukha na rin s’yang
bida.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento