Pages

Lunes, Agosto 15, 2016

When I met Vic Sotto... II

 Alam mo yung ambisyon na iniisip mo lang?  Ano bang way ko para makita si Vic Sotto sa personal? Trabahuin na manood sa Broadway centrum?  Gustuhin ko man eh, naging busy na ako sa buhay at ni Eat Bulaga ay t’wing Saturday ko na lang napapanood.  Pero one day, nakatanggap ako ng invitation para um-attend sa blog conference ng My Little Bossings…  At may isang batang natupad ang pangarap, period! Hehehe! 

Sa unang pagkakataon/ My Little Bossings 


Wala naman pinagkaiba halos ang aura ni Vic Sotto sa TV at personal. Kapag hindi siya nagsasalita ay mukha siyang seryosong tao, pero hindi naman iyong tipong kakatakutan lapitan. Alam ko na  kung bakit malakas ang appeal n'ya bukod sa personality n'ya, may something sa mata n'ya. 

Sa ibang banda, pagkaupo niya ay nag-start na iyong question and answer portion. I don't think na matagal kami naghintay at  sulit naman din ang punta lalo na't game sumagot sina   Bossing Vic, Ryza Mae, at Madam Bibeth. 

Gaya ng sinabi ko sa first part ng post na ito ay gusto ko siya ma-interview.  S’yempre hindi ko pinaglagpas na hindi ako magtatanong, ako pa ba? Iyong mga tanong ko sa conference ay bet ko talaga (although pansin na kinabahan din ako).  Interesado ako sa screenwriting kaya nagtanong ako kay Bibeth Orteza, at gusto ko malaman kung gaano kabibo si Ryza Mae Dizon. Kung mapapansin n’yo rin po, mahilig mag-discover ng child stars si Bossing kaya yun ang tanong ko sa kanya.

(Thanks for Pinoy Tekkie for this complete video, yung kuha shaky talaga at putol-putol sa nginig ko)
Kung pakikinggan at pagmamasdan ang kulitan nina Bossing at Ryza Mae ay alam mong may nabuo nang samahan sa dalawa. Sa mga sagot ni Bossing na may kinalaman sa child star at pinakabatang TV Host ng sarili n'yang The Ryza Mae Show ay magkakahalong pagiging proud, pagdepensa, at pagpapakilala. Alam mong kinilala niya ang personality ng bata on and off camera, Gayon din kung paano siya makisama sa kanyang mga co-stars at production team. Tama rin naman s’ya na sa wit ni Ryza ay hindi na kailangan pang ipaliwanag ang X factor nito.   



Ang pinaka-espesyal noong araw na iyon ay siempre makapagpa-picture na ako katabi s'ya finally.

2nd meeting/ My Big Bossing’s Adventures


 Tsamba naman na nakasama ako ulit sa blog conference para sa My Big Bossing’s Adventures.  This time kasama na nina Bossing at Ryza ang mag-amang Niño Muhlach at Alonzo Muhlach, at si Direk Marlon Rivera, Kung matatandaan ay child wonder noong kanyang kapanahunan si Niño at simula naman na ma-introduce si Alonzo sa pelikula ay nagtuloy-tuloy na ang karera nito.  Kilala ko naman si Direk Marlon sa kanyang hilarious independent film na Ang Babae Sa Septic Tank.

Given na makulay at mahaba ang experience ni  Niño bilang child star, I asked him tungkol dito at kung ano naman ang maipapayo n’ya kay Ryza.  Samantala, dahil three episode-film ang My Big Bossing’s Adventures at iba-iba ang nakatrabahong direktor dito ni Vic Sotto kaya doon  umikot ang tanong ko. First pa lang pala n’ya nakatrabaho si Bb. Joyce Bernal. Nakatuwa rin yung moment na ibinahagi niya ang kanyang mindset bilang producer. 


Ang pagkakaalam ko rin talaga kasi mahirap ang maging bida-producer. Kahit sinong baguhang producer ay iyan ang sasabihin. Baka mas sabihin pa nila na maging director at bida ka na lang kaysa maging producer pa. Sa mga hindi nakakaalam ang producer ang bahala sa lahat ( Pera, artista, direktor, crew at iba pa). Pero iyon nga, maiging matututo sila sa Eat Bulaga main host dahil  nama-manage niya nang tama at  malawak na rin ang kanyang experience.



Sulit na ako sa mga ito, pero kung bibigyan ako ng chance ay gusto ko s’ya maka- one on one interview. Iba rin kasi ang  lalabas na impormasyon at vibe sa ganoong set up.


Mabuhay!   

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento