Pages

Miyerkules, Pebrero 8, 2017

Movie Review: All You Need is Pag-ibig (part 2)

After more than a year, ito na ang part 2 ng my movie review ng All You Need Pag-ibig starring Kris Aquino, Kim Chiu, Xian Lim,  Pokwang, Ian Veneracion, Jodi Sta. Maria, Ronwaldo Valdez, at Nova Villa. Ang totoo nito ay kinatamaran at binalewala ko na ang magdugtong pa (mahaba naman na rin kasi ang part 1). Kaso natuwa ako na continuously ay may nagbabasa ng movie review ko about this 2015 MMFF entry directed by Antoinette Jadaone.

So as promise sa part 1, sasagutin ko sa part  2 ng Movie Review: All You Need is Pag-ibig ang mga sumusunod:

Kung saan ka maiiyak sa All You Need is Pag-ibig?

Maraming parte na halos maiyak-iyak ako pero since more than a year na, I can say yung tumatak sa akin hanggang ngayon ay yung sa story/ character nina Anya (Kim), Loisa (Nova) , at Talia Concio ( Kelsey).

·         Anya played by Kim Chiu – at first ay iisipin mo this is another pakilig at pa-tweetums character. Pero along the way, na-tackle sa story ni Anya ang tingin ng tao sa direct selling, taong frustrated with matching tendency to blame, at  paano magtrato ang lipunan base sa status ng tao.

Since hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral dahil nagrebelde siya sa kanyang ama (hulaan mo kung sino?), nag-resort sa kung anu-anong raket si Anya. Kasama na nga rito ang pagne-networking (direct selling/ multilevel marketing).  Ex classmate at bf niya si Dino ( Xian Lim) na nagbabalik sa buhay n'ya pero nire-refuse n'ya nang slight kasi feeling intimidated na s’ya. The worst part ay napasubo s'yang mag-organize ng reunion sa isang mamahaling resort sa Coron, Palawan (I guess tinuhog ito sa kasagsagan ng taping ng The Story of Us). Noong time na akala n’ya ay solve na ang kanilang problema, napag-alaman ni Anya na the joke is on her.  Her classmates already know what’s real pero pinasasakay s'ya sa mga tsika nila.  Alam nila kung ano pala ang sitwasyon nila ngayon.  

               Naiyak ako doon kasi it happens in real life.  I organized two high school reunions. Hindi effective ang Facebook even or group chat invitation kasi kung kinakailangan mong bahay-bahayin yung mga kaklase mo ay gagawin mo para lang dumalo sila.  Marami ang ayaw, hindi dahil sa super busy  o di mahilig sa party, kundi nahihiya ma-compare.  Hindi mo naman masisisi kasi  totoo ay mayroon talagang mapagmataas o mayabang na, matatabil pa ang dila.


·         Estero Story of Loisa played by Nova Villa – Nakaka-excite actually ang pinagdadaan ni Loisa and I guess casting Ms. Nova for the role is perfect.  Seryoso na actually yung problema pero iti-take mo ng light like his husband Jaime (Ronwaldo Valdez) did. Kasi nga akala mo joke-joke lang si Misis. Grabe, dama ko yung pagkapahiya, frustration, at desperation ni Loisa.  She’s indeed a senior citizen pero oo nga naman kapag ganung bang edad wala ng damdamin? Hindi na naghahanap ng lambing? Kung tumanda ka na ba para na lang housemate mo ang asawa mo? Nakaka-amuse din yung hamunan ng divorce sa ganoong edad. Magaling ang pagganap dito ni Ms. Nova!

·         Story of Kelsey played by Talia Concio – I think hindi man superb o napakagaling, pero nakapag-deliver ang  Concio sisters ( Yes apo sila ni dear Madam Charo Santos).  Dito talaga tumulo uhog luha ko dahil naramdaman ko yung pain ng bata. It’s not that she wants to compete or compare her self sa kanyang bubbly and talented sister pero lagi na nga lang s'yang nasa shadow.  Totoo ito sa mga kids, huh.




Musta ang performance ni Kris Aquino as Dr. Love?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento