Pages

Martes, Pebrero 7, 2017

There’s something about Claudine Barretto

Hindi na ganoon ka-busy sa TV at tila laging nakakabit sa kontrobersya ang isang Claudine Barretto. Subalit, bakit nanatili pa rin s’yang  pinapansin at kinikilala sa showbiz? Halina’t balikan natin ang makulay na career ng tinaguriang Optimum Star ng Philippine Showbiz.
Walang Kapalit Photo/ ABS-CBN 


Isa siya sa halimbawa ng TV or movie personality na ang ticket para makapasok sa showbiz ay kanyang sikat na kamag-anak.  Oo  ang tinutukoy ko ay ang kanyang ate na si Gretchen Barretto.  Subalit, gaya ng ibang young stars ay dumaan din naman sa challenge, leveling at formula si Claudine na nag- youth-oriented show (Ang TV), nag-support role, at nag-love team.  Hindi nga lang ako sure kung alin ang nauna, yung pagiging Seiko films star n’ya o ito.  Kung pagbabasehan ang Ang TV, ang batch mate niya ay sina Roselle Nava, Lindsay Custodio, Jolina Magdangal,  Rica Peralejo ( although mas bata ata s’ya), Guila Alvarez, at Angelu de Leon.  Mapapansin na sa hanay na ito baka isa siya sa atrasado pagdating sa kantahan at sayawan.  SUBALIT…


·         Nakakagawa na siya ng film that time sa Seiko Films kung saan pa nga ay naka-love team niya ang former Vice Mayor ng Manila na si Isko Moreno.

·         Nakasama s’ya hit sitcom ng namayapang Dolphy – ang Home Along Da Riles- kung saan  gumanap syang unica hija ng King of Comedy at kapatid nina Vandolph, Gio Alvarez, at Smokey Manoloto.

·         Kabilang rin s’ya sa sitcom na  Oki Doki Doc ni Aga Muhlach with Agot Isidro, Jimmy Santos, Paolo Contis, Charlene Gonzalez, Roderick Paulate,  at namayapang Babalu.

Claudine Barretto, the Drama Princess

Even in her heyday, mayroon na ring mga female stars na all in one ang package. May sumasayaw, nagre-release ng album bilang singer, at iba pa. Pero as far as Youtube can show, aside sa acting ay sa hosting lang siya nag-venture.  Thinking it now, isa s’ya sa living proof ng artista na hindi kailangan maging multi-talented para umangat basta ginagalingan lang kung saan ang forte n'ya.  Paano nga ba nahulma ang kanyang pagiging batikang soap opera actress

Note: Ang teleserye ay unang ginamit sa Pangako sa Iyo nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa

It all started I guess sa kanyang launching drama series/ soap opera na Mula sa Puso (1997- 1999) kung saan niya nakatambal ang reel and real love team na si Rico Yan (died in 2002), Diether Ocampo.  Nasundan na ito ng ilan pang soap opera gaya ng Saan Ka Man Naroroon ( kung saan gumanap s’yang triplet  at ipinareha kina Leandro Muñoz, Diether, at Rico),  Sa Dulo ng Walang Hanggan (leading man:  Carlos Agassi),  Ikaw Ang Lahat Sa Akin ( kasama sina  John Lloyd CruzBea Alonzo and Diether ), Iisa Pa Lamang (kasama sina Diether, Gabby Concepcion, and Angelica Panganiban) at Walang Kapalit (opposite Piolo Pascual).

Samantala, makasaysayan din ang kanyang natatanging fantasy series na Marina (2004) kung saan s’ya gumanap na  sirena ( na minsang naging tutubi). Ito ang nagsimula ng fantaserye sa TV (remember that GMA called theirs as Telefantasya).
PR Photo for Iglot/ GMA Network


Claudine Barreto vs other young stars with love teams

Bago o habang  namamayagpag na ang karera ni Claudine bilang drama actress ay hindi naman lahat  ng ginagawa n'ya ay heavy drama.  Nakagawa pa rin naman sya ng chill show gaya ng Buttercup kung saan nakasama  niya sina  Bobby Andrews, Angelu, Diether, Ciara Sotto, Onemig Bondoc and Assunta De Rossi.

Speaking of Bobby and Angelu na isa sa matunog na love teams noong mid 90s, isa sila sa naging screen rivals ng love team nina Claudine at Rico, maging ng Wowie de Guzman at Judy Ann Santos.  Isama pa d’yan ang tandem nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal

Lahat naman sila ay sikat at may kanya-kanyang ipinakita.  Siempre iba rin naman yung tandem at individual projects outside the love team.  Sa puntong iyon-  naipapakita naman ni Claudine ang kanyang versatility.  Kasi gumagawa siya ng projects na  edgy gaya ng role niya sa 
·         Dahil Mahal na Mahal Kita (opposite Rico and  Diet- this is my favorite Claudine film)  
·         epileptic rape victim sa Calvento Files.
·         Suwail na anak sa Anak with Vilma Santos
·         Suwail na step daughter Madrasta with  Sharon Cuneta
·         Pasaway na kapatid sa Soltera with  Maricel Soriano

Kung di pa nga ako nagkakamali ay minsan na s’yang nasabihan the next or young Vilma Santos dahil sa kaya at bagay sa kanya ang anumang role.  Saka during her time uso pa ang api-apihang bida (ginagawa n'ya yun sa soap) pero siya ay domo-doble o tumi-triple Kara  o yung tinatawag din nating bida-kontabida.
Sukob Photo/ Star Cinema

Sa ibang banda, bukod sa Dahil Mahal na Mahal kita ang love team nila ni Rico ay naitampok  din sa mga pelikulang Radio Romance, Madrasta, Flames the Movie at ang huli ay Got to Believe.
Matatandaan na bago pumasok si Rico sa eksena ay nakatambal din ni Claudine ang kanyang reel and real love team noon na si Mark Anthony Fernandez – kung saan nakasama n'ya ito sa Pare Ko (yes with the Guapings at Jao Mapa) at Mangarap Ka.

IMHO, sa batch nila ni Judy Ann, silang dalawa ang nag-emerge at nag-level up.  Iyong they can stand up kahit sino i-partner at masubukan sa iba’t ibang klase ng proyekto.   Naitambal s’ya ng dalawang ulit kay Aga Muhlach sa Kailangan Kita (gusto ko rin ito) at Dubai (sure akong nanalo s’ya ng award dito  kasi dito ko s'ya na-meet in person sa Star Awards for Movies).  Ganon din sa action film na Oops teka lang… diskarte ko to with Robin Padilla. Nag-horror din si ate sa Siniserye presents Maligno at sa box office hits na Sukob with Kris Aquino.

Bukod sa Kailangan Kita, ang another adult film niya na nagustuhan ko ay  Nasaan ka Man  with Diet and Jericho Rosales. Gandang-ganda ako sa plot noon.  Siempre, hindi rin malilimutan ang movie nila ni Papa P na Milan.

Possible causes of Claudine Barretto’s Unstable Showbiz Career?

Wala ako sa posisyon para magsabi kung ano eksakto ( sino ako para mag-judge?). Tandaan natin na may personal na buhay at choices naman ang mga artista na hindi na nila isinasapubliko. Ang  sumusunod ay base lang sa pangyayari o history na naalala ko na puwede o hindi na dahilan ng pagbabago sa kayang career. ( Hindi lang sya ang dumaan sa ganito)

·         Marriage and Motherhood - sa showbiz ata,  kapag di ka na young and single ay mas mahihirapan ka na. Parang next sa awkward stage (kung saan nagta-transform from child star to teen or adult) ay ang pag-aasawa ang challenging part ng iyong showbiz career ng artista (kaya iba nagtatago na may anak na).  Ikinasal si Claudine kay Raymart Santiago noong 2006.  After ng Walang Kapalit (2007) nila ni Piolo kung kailan nagbuntis na rin s'ya sa kanyang anak na si Santino ay di umano ay hindi na nagri-rate at padalang na ng padalang ang kanyang mga projects.   Bukod sa mga guesting niya ay ang regular gig na lang n’ya bago siya nag-transfer  sa GMA ay Maligno at  Iisa pa Lamang  ( with Gabby Concepcion, Diet,  at Angelica Panganiban). 

·         Network Transfer – Taong 2009 noong nag-decide na mag- over da bakod si Claudine from ABS-CBN to GMA at from Star Magic to Viva Artists Agency.  Big blow yun in a way knowing she’s known as the Queen of Star Magic. Sa aking kuro, mahirap din na desisyon ang pag-transfer ng TV network lalo na kung identified ka na sa inalisan mo. May fans na loyal sa network o hindi madaling mabago, unless fans mo mismo ang susunod sa iyo.
Although sana maintindihan din ng  iba na wise and acceptable reason para sa sinumang artista  na mag-transfer kung hindi na s'ya nabibigyan ng magandang roles ( art sake/ career growth) at lalo na trabaho ( money sake) ng kanyang kompanya.  Ang mahirap ay iyong basta na lang lumipat for prestige o nagpa-pirata.

Sa bakod ng GMA ay nakagawa ng weekly anthology ang aktres entitled Claudine, Iglot (kiddie drama series with Jolina, Marvin, and Patrick Garcia) at film na In your Eyes (with Richard Gutierrez at Anne Curtis).  Sa film na nabanggit, my review ay medyo nabawasan ang galing n'ya o mas umangat lang si Anne?  



·         Personal controversies -   Outside TV and Movie dramas, labo din na walang drama di ba? Pero mahirap din kung umaabot na ito sa point na masyado na itong news item na para bang kahit anong gawin ng mga artista ay hinuhusgahan na sila parati.  Narito ang ilan sa matinding kontrobersya sa career ni Claudine ( during and post GMA)
o    Brawling incident at the airport with her estranged husband Raymart against broadcast jounrnalist Mon Tolfu
o    Ang isyu nila Angelica Panganiban, kung saan inakusahan n’yang nagkakalat ng malisyosong issue ang Rubi star
o     And her on and off court legal battle against Raymart.


Ang huli kong balita ay gumawa si Claudine ng series sa TV 5 with Diet and Cesar Montano, pero ang alam na alam ko ay ang good performance niya sa Etiquette forthe Mistresses with Kris, Kim Chiu, Cheena Krabs, at Iza Calzado. Bukod dito ay wala na akong alam tungkol sa 37-old actress. I think bata pa s'ya to retire and Hopely masubukan din n'yang mag-independent films or theater.  J

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento