Pages

Huwebes, Marso 30, 2017

Fan ka ba ni___? May tips ako sa iyo about showbiz, social media


This is sort of blind item, case study, and motivational post for all the fans of any showbiz personalities.  I am concerned na rin kasi na mas  bomobongga ang  bangayan lalo na with the presence  of  social media na umaabot na sa trolling, bashing, cyberbullying,  and even hacking.  Bukod pa rito ay  yung concern sa well-being ng fans – kasi hindi  naman  tayo fans lang sa buhay. Tayo rin ay estudyante, anak, kaibigan, empleyado,  negosyante  o magulang di ba? Definitely may  magandang buhay labas sa television at movie theaters.  


Tips for celebrity fans to appreciate your favorite stars positively:

Not all blind items are real like not all interpretations are true

   Sabi nila may tenga ang lupa, may pakpak ang balita.   Pero sa showbiz mas uso ang tsismis kaysa totoong tsika. Kung susuriin pa nga ay hindi  basta maihahalintulad ang  showbiz-style feature writing sa news writing. Why? Sa News hanggang kaya mong mai-eliminate ang adjectives ay mas maganda. Hanggang maaari rin ay nagsasabi ng source, kumukuha ng interview (check mo ang radio reporting), at nagni-name drop. Saan lulugar ang blind items?

Bagaman may mga showbiz reports na talagang malaman at may bahid ng katotohanan, as much as possible huwag magpapalagay (“therefor I conclude teh”) kaagad.  Kasi  kung  talagang matapang ang news firm o site  ay magbibigay iyan ng giveaway clue or better pangalan. Iba d'yan for fun lang  hindi lang sa fans at nung nagpasimuno. 

Hindi sa pang-aano ay nakakita ako ng maraming showbiz reports na gawa ng mga writers na tumambay lang sa social media ng artista, nagbasa ng comments, nag-interpret and kaboom may report na.

 Concentrate on your favorite star, not on fandoms and rivalry

This is a case study at hindi ako magni-name drop... May isa akong love team na nagustuhan  one to two years ago na hindi ko na masydong sinundan na right after ng kanilang hit teleserye, why?
  •          Naapektuhan ako sa  naglalabasan isyu sa kanila
  •      Parang feeling ko wala pa silang nailabas na iba o nag-level up
  •        O hindi lang talaga ako fanatic na tao at nagustuhan ko lang yung series

Pero I realize  iyong unang  dalawang rason ay posibleng nag-ugat lang din sa pagbabasa ko sa palitan ng comments ng mga fans and haters...hehehe. Sa generation ng fans ngayon na may access sa social media ay ang lakas maka-magnify ng admiration lalo na intense ang kanilang emotion. Pero nung magising ako sa kahibangan  ko ay napagtanto ko na dapat tayong mag-ingat  din talaga hindi lamang sa mga haters, kundi kapwa nating  fans kasi…
·         Hindi kumo’t pareho kayo ng  hinahangaan ay  dapat pareho  kayo ng ways ng pagpapakita ng paghanga –
·         may iba na may isyu ata sa anger management at  laging nang-aaway to the point na namimintas ( o worst namba-bash) na ng kalaban  ng star o fan. 
·         seloso at diktador na tipong may gusto  masunod sa gagawin at ikikilos ng star
·         maka-comment lang
·         fan na dahil sobra ang pagka-admire sa star ay ibaba na n’ya ang kanyang sarili.  Tipong  lumilinya ng “da_n  that…” “goodbye confidence /self-esteem…” na  sincere na sincere
Well sarili naman nila  iyon at wala  na tayong magagawa. Pero kung gusto nating  mapangalagaan ang positive outlook  sa buhay  at hindi mabahiran ang paghanga natin sa isang celebrity lalo na isa s’yang certified artist – detox tayo! Minsan fans sa fans na nag-aaway  at sila na ang gumagawa ng sarili nilang problema. hehehe

Support your favorite star to become better and artist,

Dapat siyempre ibinabalik ng star yung support ng kanyang  mga fans kung ano ang gusto nila. Pero sa deeper level, of course, may personal silang gustong i-achieve o i-take na challenge kahit paminsan-minsan lang. Alam mo bilang artist (charrot) iba yung nagagawa mo yung isang bagay na gustong-gusto mo, not only because of commercial value or for the fans sake. And  I think instead of focusing on bashing sa ibang fans or rivalry,  ang dapat sinusuportahan ay ang pagta-try ng ibang bagay ng celebrities lalo na for their artistry. That’s why I commend yung mga ARTISTS na nagti-take ng work hiatus, sumusubok din na mag-independent film, o tina-tap yung ibang talent na hindi nila naipapakita.  That’s why sa Hollywood I like Kate Winslet at Kirsten Stewart dahil sa variety ng kanilang roles. 

You know mayroong mga multi-talented artists na puro acting projects lang ang ginagawa  for years. Mayroon naman na nahihirapan mag-level up kasi same old type of gigs ang kanilang nakukuha. 

On the other note, iba ang blind admiration na klase ng pagsuporta. Utang na loob  kung halata naman na sabaw o hindi naman talaga kinarir  yung  trabaho, huwag  over-over sa papuri.  May nalulunod din kasi sa  papuri at pumapatol na management.  Okay na yung medyo dini-develop pa yung talent kasi puwede naman  iyon pero iyong nagkaka-album o  sunod –sunod  na series na wala talagang ipinapakitang progress_hayyy!

Ito wishful thinking lang… sana dinudumog  palagi  movie  houses not  because sikat ang mga bida, kundi mahuhusay sa acting at maganda ang materyal.

Always remember why we appreciate favorite stars

Ano yung naalala mong  katangian ng iyong iniidolo na talagang hinangaan mo o kaya mo siya nagustuhan? Kung nilalait ba s’ya o inaaway dahil sa isang mannerism (take note hindi naman masamang  ugali) ay  mababawasan na ang  paghanga mo sa kanya kahit wala naman masama at nagpapakatotoo lang s'ya?   

Ang nakakatawa kasi minsan ay may iba na handler or talent manager na ang peg dahil nagdi-dictate na sa stars kung ano ang dapat nilang ikilos, sabihin at pipiliin. Pati nga simpleng paghawak ng ganito, pagtabi o  simpleng post  social  sa social mn ay ang lakkiing bagay. Napaghahalata tuloy kung sinong  maraming oras sa pagtambay sa social media  o TV. Peace! Tapos kahit konting kibot mali o maganda ay mag-e-speculate sila ng kung ano-ano.  Ahahahahaha!

Ang nakakatuwa  for me ay yung gumagawa ng cute  videos, graphics,  at creations na nakakabuti o nakakakilig talaga tapos ang galing. Pero may iba na ang intention ng creativity ay mag-spark ng pamba-bash, bullying, o may malicious content. Doon tayo maging maingat. Bakit?
  •    It will backfire not only to our favorite stars, but also to our well-being. Ano manonood tayo para makipag-away, magkumpara at sakyan ang competition trap na walang patutunguhan.  Hindi ba’t ang best way para umangat ang artist ay bumili ng kanilang produktong original – magazine, album, movie at iba pa. gusto ko rin yung pa-trending!

  •  Ginalit ka na, pinagkakitaan ka pa - let’s go sa YouTube.  Personally medyo hindi ako fan ng  YouTubers/ Vloggers na nagsasalita lang sa harap ng kamera. Pero I rather choose them   kaysa nagpo-post ng  edited videos na copyrighted materials  ( take note lalagyan pa nila ng  watermark yung   copyrighted materials ha) just to create away among fans. Kalokaaaa!  At ito pa, sa hundred thousand or millions ang views  so kitang –kita yan sa ad sense. Pero perhaps iba d’yan kontrolado naman ng YouTube ang monetization.

·         Inaaway mo na yung star dahil sa mga fans n’ya? -  May nabasa akong comment sa Twitter na ganito “dati gusto ko s’ya (name of star) pero dahil ang sasama ng ugali ng fans n’ya ay ayoko ko na sa kanya.” So paano yun?  Mabuti yang star pero nagkataon lang na may masasama na ugali ang fans niya.  Kasama ba sa pagkatao ng star ang fans n’ya? Lahat ba ng fans noong star na iyon ay masasama ang ugali?   That’s actually say something about that person … check what is Anchoring


Lunes, Marso 6, 2017

PBB Big Winner Maymay Entrata: Deserved or not?

Personally, I hoped that Tanner Mata ang naging  Pinoy Big Brother (PBB) Winner.  The format should be like the PBB 737 were there winners for adults (regular) and teens. But since the show follows the same voting method (which is through text votes), it’s not surprising that the Big 4 came from the Teen Edition (sino ba mahilig sa ganyan pa). I think that’s the only concern here. So questioning Marydale “Maymay” Entrata as the PBB Lucky 7 Big Winner is ...  

Why not MayMay Entrata?


Matagal na akong hindi nanood ng TV (since 2008), nasanay na ako na ako pa-video-video clips na lang sa Youtube. But it happened that the Teen edition hooked me and my OFW sister watched the regular edition (maka-Aura Azarcon) so parang nag-jive at na-magnify ang panonood ko. I watched the last three weeks religiously sa TV. Anyway…
Credit: Pinoy Big Brother/ ABS-CBN


Since I’m also into Youtube, I am aware too sa mga pro and anti-comments lalo na  matindi ang laban between Kisses and Maymay fans ( I think hindi naman affected ang mag-BFF).  Well without this fandom hysteria, the favoritism, charity, and what I mentioned "should be separate winners" issues – I don’t also see any reasons why The Wacky Go Lucky of Cagayan de Oro shouldn’t be the PBB Big Winner

Let’s say Maymay Entrata is pretentious 

–    I watched the  episodes of Follow  Lucky 3 Teens where Edward (La Union), Maymay (Camiguin and Cagayan de Oro), and Kisses (Masbate) went to their home towns.  Based on the video clips, they all had many supporters and I could say Kisses had more. The 17-year old teen is a sweet and lovely young lady who’s very brave to admit everything about her feelings. Sinong hindi hahanga di ba?  I like Kisses’ adorable sweetness as well as Edward’s intellect and kindness. 

On the other hand, what I noticed with Maymay’s homecoming was her many friends. She introduced her board mates and co- choir members, who seemed to be very close to her.  You could see that they’re not pretending in their warmth welcome.  Dito ang masasabi ko, having many friends tell something about the person. And friends really see the best and worst or the lie and  the truth. Ang nakakilala  talaga sa iyo ay kaibigan mo e at hindi madali magkaroon ng mga totoong kaibigan. Hindi ka dapat dumidepende lang basta sa fans (because of their admiration) at lalo na sa mga bashers (and their hatred).

* pag actors nga, hindi dapat pinakikialaman yung personal nilang buhay kasi ang importante yung capacity nila to entertain. Plus factor na lang talaga kung inspiring at mabait sila in real life. Bawal maging imperfect?



With Maymay’s fellow housemates, whether we count who voted her to become winner  or not,  what matter is  they were all had good relationships with her inside the house. Pag ganyan naman umiiba ng choice, okay lang ‘yan because we have different bets naman talaga according to  our own perspectives. But why Nonong Ballinan, Jinri Park, , Mccoy de Leon and Nikko Natividad, Elisse Joson, Tanner, Fenech Veloso, Luis Hontiveros, Ali Forbes,  Jessi Corcuera,  and Thuy (Nhuyen Thi Thuy) chose her as their big winner... common reason? "madaling pakisamahan." 

*Kaya nga rin napahanga ako nina Cora Waddell, Aura, and Tanner they’re not people persons and yet they able to survive the competitions longer. By the way, Aura  named Maymay as her favorite teen housemate in PBB Online)

Let’s say Maymay Entrata is OA 

I think OA is not the right term kundi kakaiba. We all have uniqueness that people either like or hate. And the first  reaction we would do if an individual has different ways of doing things is to think he or she's doing wrong. Actually that's the wrong side of it, dahil may tinatawag din na "norm" or 'conformity."   I don’t also like the way Maymay eats ( check big 4's late dinner after the 1st day of the Big Night) , but I don’t think that's enough reason to judge or bash her. In fact, sa mga kamag-anak kong mga Waray ay hindi bago ang nakataas ang paa, nagkakamay, at nakayuko habang  kumakain. And I can say mas nakakagana silang tingnan na kahit daing lang ang ulam kaysa mga taong nasa restaurant at maayos ang upo. What about table manners?  In defense of all foodies, the only thing that’s hateful is food wasting. Always remember that!   

Let’s say people favored her because she’s poor  

      Yes possibly being poor is one factor to look appealing to many compassionate people. Marami sa teens ( Badjao girl Rita and Yong), regular, at celebrity ang hindi rin naman mayaman. But I guess  the management and PBB viewers favored Maymay because she’s wacky, soft-hearted, and talented too.  Common, many people could probably sing and dance, but not to write songs.  Iyong songs ni Maymay cheesy pero catchy, novel, and poetic. I read some comments na may isa pa ata siyang kanta na ipinapa-translate kay Tanner. On top of that, Maymay's voice has a unique quality that she doesn't  need to hit high notes to notice it. Well, I guess she’s not a choir member and a scholar for nothing.

    Bakit hindi na lang sumali sa The Voice no? Good decision na Mag-PBB siya kasi mahirap ang competition yun, pero madali rin ba ang mag-PBB?  If ako nga ay isang housemate at isasalang ako sa lie detector test, susundin ko ang ginawa ni Mccoy. 

You would don’t like her mannerisms, but on the other side overwhelming ang kanyang personality, positivism, and talents.  Ako nanood ako kasi na-amuse na rin ako sa kanya  – she actually touched my heart noong inaalagaan n’ya si Lola Pina, maging ate sa kanyang teen housemates, mamatayan siya  ng lolo, at mag-alangan sa kanyang sarili. Makaka-relate ka because very Filipino yung story at reaction n'ya. Nakakabilib yung positibo nyang outlook n'ya kahit na when she went outside PBB house temporarily, she knew already that she has bashers.


Let’s say the management favored her 


If ever, the good question here is why the ABS-CBN management favored her in the first place? Eddie may something nga sa kanya kung nagkataon.  If I’m going to analyze the business side...

       Among the housemates – I would tap the good looking ones like Edward, Kisses, Heaven Peralejo, Tanner, Mccoy, Elise,  Marco Gallo, Vivoree Esclito, Yassi Pressman, Hideo, Luis, Jinri, and Cora to win or have more exposure. They’re easier to market and nurture especially yung karamihan may mga experiences na.  So to choose a simple probinsyana ay sort of gamble or they already seeing the “X factor” para maging favorite si Maymay. Ang pinaka-business dito ay kung saan kikita di ba? In the field of entertainment, you can't really push to people who they would like. There are no sure and perfect formulas kasi even the talented,  good looking, and hard working people  ay nawawala sa limelight. Iilan lang may staying power.

     And by the way, she’s not UGLY-she has captivating Filipina BEAUTY ( like Janine Tugunon, Venus Raj, and Gloria  Diaz).  Tataya ako, kahit hindi iyan ipasok sa PBB at ma –expose siya she could find other careers.
     
       *I don't even know why some Filipinos think being tan is ugly, being not good in English is stupidity, and being poor/ rich is disadvantage. I guess they're being unrealistic anyway...

   Let's say it's because of the Mayward love team / fans 


      Again the bottom line is her X factor. Edward and Maymay wouldn’t have fans if  they see nothing. This is not the first time that two housemates become closer and not all housemates become closer become hit tandems. If I’m correct, it’s only Kimerald and Melason who found stardom after PBB. Edward by the way, is such as a wonderful boy that you’ll notice with or without Maymay. Ganun din sina Maymay, Kisses, and Yong. Nagkataon lang  may pares-pares at malakas nga ang MayWard (pero honestly natripan ko rin ang MayNer at JiNong :p )
a
      If I have to pick who are good  contenders for the big winner slot  ( from the Dream Team) it would be Aura, Jerome Alacre, Cora, Tanner, Kisses, Maymay, and Edward. 

   IMHO, Maymay actually deserved to win for so many other reasons and so as Kisses Delavin, Yong Muhajil, and Edward Barber in case  sino sa kanila ang manalo. Hindi yan out of "favoritism," and "charity work" -  puwede pa pure Luck. 




·