This is sort of blind item, case study, and motivational
post for all the fans of any showbiz personalities. I am concerned na rin kasi na mas bomobongga ang bangayan lalo na with the presence of social media na umaabot na sa trolling, bashing, cyberbullying, and even hacking.
Bukod pa rito ay yung concern sa well-being ng fans – kasi hindi naman
tayo fans lang sa buhay. Tayo rin ay estudyante, anak, kaibigan,
empleyado, negosyante o magulang di ba? Definitely may magandang buhay labas sa television at movie theaters.
Tips for celebrity fans to appreciate your favorite stars positively:
Not all blind items are real like not all interpretations are true
Sabi
nila may tenga ang lupa, may pakpak ang balita. Pero sa showbiz mas uso ang tsismis kaysa
totoong tsika. Kung susuriin pa nga ay hindi basta maihahalintulad ang showbiz-style
feature writing sa news writing.
Why? Sa News hanggang kaya mong mai-eliminate ang adjectives ay mas maganda.
Hanggang maaari rin ay nagsasabi ng source, kumukuha ng interview (check mo ang
radio reporting), at nagni-name drop. Saan lulugar ang blind items?
Bagaman may mga showbiz reports na talagang malaman at may
bahid ng katotohanan, as much as possible huwag magpapalagay (“therefor I
conclude teh”) kaagad. Kasi kung
talagang matapang ang news firm o site
ay magbibigay iyan ng giveaway clue or better pangalan. Iba d'yan for fun
lang hindi lang sa fans at nung
nagpasimuno.
Hindi sa pang-aano ay nakakita ako ng maraming showbiz reports na gawa
ng mga writers na tumambay lang sa social media ng artista, nagbasa ng comments,
nag-interpret and kaboom may report na.
Concentrate on your favorite star, not on fandoms and rivalry
This is a case study at hindi ako magni-name drop... May isa
akong love team na nagustuhan one to two years ago na hindi ko na masydong
sinundan na right after ng kanilang hit teleserye, why?
- Naapektuhan ako sa naglalabasan isyu sa kanila
- Parang feeling ko wala pa silang nailabas na iba o nag-level up
- O hindi lang talaga ako fanatic na tao at nagustuhan ko lang yung series
Pero I realize iyong
unang dalawang rason ay posibleng
nag-ugat lang din sa pagbabasa ko sa palitan
ng comments ng mga fans and haters...hehehe. Sa generation ng fans ngayon na
may access sa social media ay ang lakas maka-magnify ng admiration lalo na intense
ang kanilang emotion. Pero nung magising ako sa kahibangan ko ay napagtanto ko
na dapat tayong mag-ingat din talaga hindi lamang
sa mga haters, kundi kapwa nating fans kasi…
·
Hindi kumo’t pareho kayo ng hinahangaan ay dapat pareho
kayo ng ways ng pagpapakita ng paghanga –
·
may iba na may isyu ata sa anger management at laging nang-aaway to the point na namimintas
( o worst namba-bash) na ng kalaban ng
star o fan.
·
seloso at diktador na tipong may gusto masunod sa gagawin at ikikilos ng star
·
maka-comment lang
·
fan na dahil sobra ang pagka-admire sa star ay
ibaba na n’ya ang kanyang sarili. Tipong lumilinya ng “da_n that…” “goodbye confidence /self-esteem…”
na sincere na sincere
Well sarili naman nila
iyon at wala na tayong magagawa.
Pero kung gusto nating mapangalagaan ang
positive outlook sa buhay at hindi
mabahiran ang paghanga natin sa isang celebrity lalo na isa s’yang certified
artist – detox tayo! Minsan fans sa fans na nag-aaway at sila na ang gumagawa ng sarili nilang
problema. hehehe
Support your favorite star to become
better and artist,
Dapat siyempre ibinabalik ng star yung support ng
kanyang mga fans kung ano ang gusto
nila. Pero sa deeper level, of course, may personal silang gustong i-achieve o
i-take na challenge kahit paminsan-minsan lang. Alam mo bilang artist (charrot) iba yung nagagawa mo yung
isang bagay na gustong-gusto mo, not only because of commercial value or for the
fans sake. And I think instead of
focusing on bashing sa ibang fans or rivalry,
ang dapat sinusuportahan ay ang pagta-try ng ibang
bagay ng celebrities lalo na for their artistry. That’s why I commend yung mga
ARTISTS na nagti-take ng work hiatus, sumusubok din na mag-independent film, o
tina-tap yung ibang talent na hindi nila naipapakita. That’s why sa Hollywood I like Kate Winslet at Kirsten Stewart dahil sa variety ng kanilang roles.
You know mayroong mga multi-talented artists na puro acting
projects lang ang ginagawa for years. Mayroon
naman na nahihirapan mag-level up kasi same old type of gigs ang kanilang
nakukuha.
On the other note, iba ang blind admiration na klase ng pagsuporta.
Utang na loob kung halata naman na sabaw
o hindi naman talaga kinarir yung trabaho, huwag over-over sa papuri. May nalulunod din kasi sa papuri at pumapatol na management. Okay na yung medyo dini-develop pa yung talent
kasi puwede naman iyon pero iyong nagkaka-album
o sunod –sunod na series na wala talagang ipinapakitang
progress_hayyy!
Ito wishful thinking lang… sana dinudumog palagi
movie houses not because sikat ang mga bida, kundi mahuhusay
sa acting at maganda ang materyal.
Always remember why we appreciate favorite stars
Ano yung naalala mong
katangian ng iyong iniidolo na talagang hinangaan mo o kaya mo siya
nagustuhan? Kung nilalait ba s’ya o inaaway dahil sa isang mannerism (take note
hindi naman masamang ugali) ay mababawasan na ang paghanga mo sa kanya kahit wala naman masama at nagpapakatotoo lang s'ya?
Ang nakakatawa
kasi minsan ay may iba na handler or talent manager na ang peg dahil nagdi-dictate na sa stars kung ano ang dapat
nilang ikilos, sabihin at pipiliin. Pati nga simpleng paghawak ng ganito, pagtabi
o simpleng post social sa social mn ay ang lakkiing bagay. Napaghahalata tuloy kung sinong maraming
oras sa pagtambay sa social media o TV. Peace!
Tapos kahit konting kibot mali o maganda ay mag-e-speculate sila ng kung
ano-ano. Ahahahahaha!
Ang nakakatuwa for me
ay yung gumagawa ng cute videos, graphics, at creations na nakakabuti o nakakakilig talaga
tapos ang galing. Pero may iba na ang intention ng creativity ay mag-spark ng
pamba-bash, bullying, o may malicious content. Doon tayo maging maingat. Bakit?
- It will backfire not only to our favorite stars, but also to our well-being. Ano manonood tayo para makipag-away, magkumpara at sakyan ang competition trap na walang patutunguhan. Hindi ba’t ang best way para umangat ang artist ay bumili ng kanilang produktong original – magazine, album, movie at iba pa. gusto ko rin yung pa-trending!
- Ginalit ka na, pinagkakitaan ka pa - let’s go sa YouTube. Personally medyo hindi ako fan ng YouTubers/ Vloggers na nagsasalita lang sa harap ng kamera. Pero I rather choose them kaysa nagpo-post ng edited videos na copyrighted materials ( take note lalagyan pa nila ng watermark yung copyrighted materials ha) just to create away among fans. Kalokaaaa! At ito pa, sa hundred thousand or millions ang views so kitang –kita yan sa ad sense. Pero perhaps iba d’yan kontrolado naman ng YouTube ang monetization.
·
Inaaway
mo na yung star dahil sa mga fans n’ya? -
May nabasa akong comment sa Twitter na ganito “dati gusto ko s’ya (name
of star) pero dahil ang sasama ng ugali ng fans n’ya ay ayoko ko na sa kanya.”
So paano yun? Mabuti yang star pero
nagkataon lang na may masasama na ugali ang fans niya. Kasama ba sa pagkatao ng star ang fans n’ya?
Lahat ba ng fans noong star na iyon ay masasama ang ugali? That’s
actually say something about that person … check what is Anchoring