Pages

Sabado, Nobyembre 4, 2017

Ano ang pinakapaborito mong pelikulang Pilipino?

One time habang nagbi-break ako ay may nagtanong sa akin, ano daw ang pinakapaborito kong pelikula? Binalik ko ang tanong local ba o foreign? Comedy, action, fantasy,  drama o musical? Pero ang totoo ay nalilito na rin ako kung paano ko ba ika-categorize at paano ko masasabing paborito ko na o sa nagandahan at nahusayan lang ako? Pero 'di ba, kapag favorite  mo ay parang pag-ibig. Kahit may mas guapo at matalino basta  nadale ang puso mo walang genre-genre, luma o bago, o sino man ang bida rito? Pero dahil tagalog ang tanong n'ya eddie dun tayo sa Favorite Filipino Films ko.  So  ito na nga ang part 2

Part 1 > Top 10-5  ( Santa Santita, HalimawCrying LadiesDahil Mahal na Mahal KitaHonor Thy FatherAng Babae Sa Septic Tank

Top 10 Favorite Filipino Movies ni Hoshi

4. Minsan may Isang Gamu-Gamu/ Dahil sa Isang Bulaklak
Credit: wikiMedia
Kinapa ko rin sa sarili ko kung nagagandahan, feeling film critic, o talagang paborito ko ang mga films na ito? Pero oo talaga e, kahit kapanahunan pa ng nanay at lola ko ang mga bida ay nadale ang puso ko. Gusto ko mag-“walling” with matching belo every time na napapanood ko kung paano nag- My Brother is not a Pig. Ang kapatid ko ay tao, hindi baboy-ramo” si ate Guy. 


Ang Minsan May Isang Gamu-Gamo (Once a Moth) ay directed by Lupita Aquino-Kashiwahara  (Dating Lupita Concio) at isa sa entry sa 1976 Metro Manila Film Festival at under Premiere Productions. Mahal na araw noong napanood ko movie na ito  sa bahay ng tyahin ko.  Medyo parusa time yung panonood namin kasi dapat naglalaro kami sa labas at hindi man lang Ant Man, Spiderman or Batman – Gamu-gamo talaga! :P 

Subalit up to this day I am thankful na nanood ako dahil na-appreciate ko bata pa lang ang acting ni Nora Aunor ( at kung bakit tinawag s'yang Superstar). Natakam tuloy ako manood ng iba pang pelikula n’ya  gaya ng Bona at Ina Ka ng Anak Mo. Sana i-digitally remastered at ipalabas ng ABS-CBNRestoration Project o mapanood ko rin ito sa UP Cine Adarna.

Nakakaiyak ang istorya nito na dadagdagan pa ng nakakabilib na authentic acting ni Nora bilang si Cora de la Cruz. Si Cora ay isang nurse na may American Dream na kung kailan malapit nang makalayas ng 'Pinas ay noon pa matotodas ng mga Kano ang kanyang kapatid  malapit lang sa kanila.  Sa pagkakadala nga sa akin sa istorya nagtanim ako ng galit sa mga Kano ( mga 10 gramo) chuz lang.   Bukod din kasi kay Cora ay may iba pang isyu at mismo sa pamilya ng dyowa n’ya (played by the late Jay Ilagan).
Credit: Video 48

               Sa ibang banda, kung may isa pa akong artista na gusto maisa-isa ang kanyang magagandang pelikula ay si Charito Solis. Yes the original Ina Magenta ng Okay Ka Fairy Ko sitcom and film series.  Nagsimula pagkilala ko sa kanya noong napanood ko ang Igorota (1969), tapos napanood ko rin yung ibang video clips ng Karnal at sa isang film na kasama n’ya si Nora ( di ako sure sa title ). Dito sa Dahil sa Isang Bulaklak or Because of a Flower (1967)  ay naipadama n'ya sa akin yung  sakit na magmahal na ang kaagaw mo ay mahal mo rin.  Bilang si Margarita ay anak n’ya rito si Esperanza (Liza Lorena na nasa The Good Son) na ka-triangle ng di alam nito ang kanyang lalaking iniibig. 
Credit: IMDB

   
3. Bata-Bata Paano Ka Ginawa.  Ang film na ito ay movie adaptation ng same novel title ni Lualhati Bautista.  Naalala ko nung college, tinanong kami ng Prof namin kung ano ba ang ibig sabihin ng title.  Bragging right ko na maituturing na nasagot ko with pride at masigabong palakpakan ng buong klase yung question about sa book... kasi  napanood ko yung  film, hehehe. 

Pero grabe naman kasi galing nina Carlo Aquino at Serena Dalrymple roon.  Ang highlight sa akin doon ay tatlo - 
·         nung sinabi ni Maya ( Serena) na “ha, dalawa-dalawa?!”  nung tinanong n’ya si Lea (Vilma kung  sino mahal n’ya kina Raffy ( Ariel Rivera) at Ding ( Albert Martinez).  Tatay ni  Ojie (Carlo) si Raffy  at si Maya naman si Ding.
·         nung sinagot ni Vilma yung makulit na question ni  Ding na anong gagawin (luto) sa itlog – “ Nang Pu*&%4# gawing mong manok.
·         At yung sagutan at sampalan nina Ojie at Lea. Classic yun!
Aside sa acting, story, at iba pang technical aspects ng pelikula. Kaya ko ito naging favorite ay sa mensahe mismo e.

·         Paano mo huhubugin ang mga anak mo (that’s my exact answer sa question ni prof) sa kabila ng iyong mga problema, kahinaan, at pinagdaanan bilang ina o magulang.
·         Ang mga babae ba ay hanggang sa pagiging asawa na lang? Hindi ba sila puwede magkaroon ng career? Maging masaya bilang babae labas sa pagiging asawa o ina nila?
·         Puwede naman gawing simple at casual ang awkward na sitwasyon sa pagitan ng mag-ex, sa bago ni ex, sa pagitan ng ex at present, o sa mga naging ama ng anak mo.  Nasa pagtanggap ‘yan at pagpapatawad.
·         At gaano ka open na pag-usapan ang iyong problema sa iyong pagkababae.
Credit: Wikimedia

2. Tinimbang ka Ngunit Kulang (Weighed but Found Wanting). Ang 1974 film na ito na ay directed by one the great Filipino filmmakers na si Lino Brocka.  Co-writter n’ya rito si Mario ‘O Hara (isa pang great filmmakers at actors).

Napapanood ko ito sa cable at gaya sa Minsan May Isang Gamu-Gamo -- Mahal na Araw. I think it’s the best movie sa lahat napanood ko pagdating sa mensahe, screenplay, at acting so far.  Kapag ipinalabas nga ito ngayon ay napaka- timely at relevant pa rin.  Ang pinaka-take home lesson ko rito ay don’t judge  and be open –minded.  Ang makukuha mo rito ay

·         Minsan kung sino yung  tinitingala ay syang may baho at maputik na pagkatao ( it’s all about #prestige)
·         Kung sino yung minamaliit sa lipunan, sila ang nakakaunawa ng saya at mabuting kalooban
·         Kung lalawakan mo ang iyong isipan, malalaman mo kung ano ang mali at tama. Hindi kung ano ang standard ng lipunan ( #conformity)
·         Ang kabaliwan ng ilan ay resulta ng kasamaan ng iba
·         Hindi  nakakahawa ang ketong, mas nakakahawa ang katangahan at maling paniniwala
Actually marami pa akong hugot sa film na ito.  By the way, maganda rin ang Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon (1976) na pinagbibidahan din nina Christopher at Eddie with Gloria Diaz and directed by Eddie Romero.

Trivia may phrase sa bible na Tinimbang ka Ngunit Kulang – Daniel 5:27

1. Magic Temple - 1996 fantasy film directed by  Lore Reyes, Erik Matti, at Peque Gallaga.
Kung may film na kaya kong ulit-ulitin na panoorin isa (kung ‘di man pinaka) na ang Magic Temple mapa-local or foreign films. Masasabi ko rin na masuwerte ako na ito ang nakalakhan kong klase ng entry sa Metro Manila Film festival na pambata.  May comedy, may drama, may love story, may musical part, may mga aral, at fantasy.  Hindi ko na ikukumpara sa mga napapanood natin ngayon na comedy film (na nagpapanggap na pambata). Bahala ka ng humusga at nirerespeto ko naman na kanya-kanya taste natin.

Ang masasabi ko lang ay deserved nito ang paghakot nito ng awards at nang pinanood ko ito hangang-hanga ako sa magic/ vfx.  Hindi ko rin ito pinanood dahil sikat ang mga bida. Katunayan, hindi na active sa showbiz ang halos lahat ng cast nito maliban kay Gina Pareno (Lola Ganda sa Ikaw lang Ang iibigin), Marc Solis (nasa Ang Probinsyano), Jun Urbano, at Jackie Lou Blanco (nasa Alyas Robinhood).  Pero ang bida talaga rito ay sina Marc (as Omar), Jason Salcedo (as Jubal), Junell Hernando (as Sambag), at Anna Larrucea (as Yasmin).

Note: Lahat ng photo at video na ginamit ay hindi akin at malalaman ang pinagmulan sa pamamagitan pag-click sa bawat isa rito. Maraming Salamat! 


Biyernes, Nobyembre 3, 2017

Philippine Movie Industry is Dying? 10 All-Time Favorite Filipino Films

Nakakalungkot din ang makarinig na kesyo  patay na raw ang Philippine Movie Industry o wala ng magagandang Filipino Films. Pero depende naman 'yan sa sino ang nagsasabi, kasi kung iyong nagsasabi ay hindi naman talaga nanood ng local film the who s’ya para pakinggan?  Anyway, for as long as may  mga filmmakers at film producers na patuloy sa paggawa ng magagagandang pelikula ay patuloy na babangon at  uunlad ang  Pelikulang Pilipino kahit piling-pili pa ‘yan.

By the way, I commend ABS-CBN Film Restoration Project sa pangangalaga ng mga old films (from film to digital), Sa UP Cine Adarna na isa nagpapalabas ng indie at old films, at sa mga film festivals like Cinemalaya at Cinema Rehiyon.  Gayon din ang mga independent movie outfits sa paglalakas-loob na mag-release ng movies kahit walang film festival at  sa normal na araw.  Ilan sa mga ito ay Erasto Films, Bonfire Productions, Artikulo Uno Productions, Reality Entertainment,  Spring Films at ang nakaka-miss na Unitel Pictures

Gusto ko rin na ini-interview na ngayon ang mga  screenwriters kasi before sina Ricky Lee at Roy Iglesias  lang ang kilala ko. Ngayon marami na at sinasama pa sa mga media conferences. Ilan pa sa kinilala kong magaling ay sina Michiko Yamamoto at Chris Martinez. Meantime isa bago kong kinagigiliwan na filmmaker ay si Paul Soriano (maker of Dukot, Kid Kulafu, at Thelma).

My top 10 Favorite Filipino Films 


Kakatwa pero ang inspirasyon ng post na ito ay ang question ng pamangkin ko na anong pinakamagandang pelikula na napanood ko.  Ang hirap sagutin dahil bukod sa marami na akong napanood na maganda,  ay kahit sa isang kategorya at isang artista ay marami  na agad akong naiisip.  So sa Filipino Films na narito ay ilan lamang sa mga paborito ko na unang pumapasok sa isipan ko. Sa mga napiga ko sa utak ay ang mga  nasa post na ito (so puwede naman mag-change ng rank 'di ba) at ni-rate ko ayon sa aking pagkagiliw noong napanood ko, at ngayon na halos nire-review ko na. Magba-blog ako ng separate para sa mga films na hindi ko man personal na favorite ay commendable movie dahil sa ganda o husay. By the way, mahilig talaga ako manood ng old films kaya yung iba rito baka 'di mo siguro alam at now you know! :P

10.  Santa-Santita directed by Laurice Gullen and written by Jerry Gracio, starring Angelica Panganiban and Jericho Rosales, and produced by Unitel Pictures International (2004)

Ito ang launching film ni Angelica Panganiban, which was also one of her projects na nag-shed na s’ya ng teenybopper image (aside from being a child star). Dito ko nagustuhan ang acting n'ya kasi I realized na may ibubuga pa s’ya aside sa paawa effect at pa-girl. Tingnan mo nga naman ngayon, Angelica is Angelica Panganiban.   Samantala, kung aware ka sa Himala ni Nora Aunor at Nakausap ko ang Birhen ni Lotlot de Leon, parang ganoon ang datingan nitong Santa Santita kasi pare-parehong may kinalaman sa aparisyon.

Subalit ang  malaking pinagkaiba  ay pagdating sa karakter ng bida na may bad reputation. Ang pinakanagustuhan ko rito ay acting ng mga aktor sa sitwasyon na inilatag sa kanila.  Alam kong  magaling na si Hilda Koronel (Chayong) at the late Johnny Delgado bilang mga supporting cast, pero nag-stand out talaga sina Angelica at Jericho for me.  In fact, 'di ako impressed before nito sa mga movie and TV projects ni Jericho, pero sa Santa Santita ay napa-wow na ako sa husay n'ya bilang aktor.

The plot is simple- isang babaeng masama sa paningin ng iba pero gumagawa ng banal na mga bagay. Sino ang hindi  mag-iisip na bogus 'di ba?  Pero aside dito, ang nakaka-touch ay ang relasyon ni Malen (Angelica) sa kanyang ina at gaano mo ilalaban ang iyong personal pananampalataya kung masama ang imahe mo sa iba at maging sa iyong sarili? 



  9. Halimaw sa Banga.  Napanood ko lang ito sa TV noong bata ako pero hanggang ngayon ata ay may something pa rin ako sa banga. Ganoon ka effective ang pananakot sa akin ng 1986 film na ito na directed by guest what, Christopher de Leon, at critically acclaimed filmmaker Mario O’ Hara.
Sa title pa lang ay alam mo na agad ang plot at dahil old film ito ay maaano ka sa props/ prosthetic. Pero bes masasabi kong kaya nitong makipagsabayan sa ibang Asian Horror Films.  Walang-wala yung mga batang pinulbusan mula ulo hanggang paa para manakot.  Maganda pati kasi ang kwento sa loob at labas ng banga. Kabuwiset pa yung character dito ni Mario at Liza Lorena.

Actually Twin-bill film ito  na may pamagat na Halimaw, ang first segment ay may title na “Komiks” at ang bida ay si  Ian de leon at pangalawa- “Banga” na bida naman si Lotlot. Pero sorry talagang Halimaw sa Banga talaga ang naalala ko lang. :)


8. Crying Ladies. Lumaki ako sa feeling ng isang ate na Sharonian  at aware na aware ako sa dami ng Mano Po film series pero masasabi ko na after  Pasan ko Ang Daigdig at Sa Hirap ay Ginhawa, sa Crying Ladies ko nasabi na...

·         nagustuhan ko ang acting at character ni Sharon, hindi dahil naimpluwensyahan ako.  
·         Natutuhan ko ang isang Chinese tradisyon (kailangan may iiyak pag may patay) sa paraang na-entertain ako
·         Naka-relate at na-touch ako sa mga  galawang Pinoy sa mahihirap na sitwasyon.
 
Tawang-tawa ako kay Sharon dito at bagay sa kanya ang character.  Ang mapapanood mo rito ay naiibang Sharon at iisipin mo talagang s’ya si Stella Mate. Maganda rin naman performance n’ya sa  Madrasta pero rito ko napatunayan ang comedic timing n’ya.    Basta yung film may kurot sa puso at hagikgik sa nguso. Nakaka-touch yung journey ni Stella bilang mahirap na single mom.  Tawang-tawa ako mag-asawang kapitbahay n'ya ( ang lalaki si Bobot Mortiz) sa itaas na nagdyugdyugan. Wahahahahaa! This film is produced by Unitel Pictures and directed by Mark Meily.

7.  Dahil Mahal Na Mahal Kita starring Rico Yan and Claudine Barretto, produced by Star Cinema. 

Gusto ko rin ang Got 2 Believe na last film ng former reel and real couple na ito. Pero sa lahat ng film nilang dalawa, isama pa ang ibang rom-com films o love drama ng Star Cinema na napanood ko ay  isa talaga ito isa sa may punch pagdating sa flow ng story, acting, at kilig.

Ang story nito ay actually similar (kung 'di man based talaga ) sa Maalaala Mo Kaya episode na kung saan ang bida ay sina Gisselle Tongie at  Mathew Mendoza.  Si Mela (Claudine) ay mula sa average family at kilalang playgirl sa kanilang campus. Tapos magkaka-inlaban sila ni Miguel na mula sa mayaman na angkan at masyadong disiplinado. Plus factor sa kilig sa story ay yung opposite personalities at reputation nila sa school. Pilit silang nakiki-level sa isa’t isa at mas may effort kay girl. Pero dahil nakapaloob sila sa square love relationship at nasabit pa sa  isang iskandalo  si Mela,  kaya nagkaletse-letse na.  Bata-bata pa rito si Claudine Barretto pero ipinakita na n’ya yung flexibility as an actress, habang si Rico ay yung "man of your dream" ang peg. Ayon sa trailer ay ito pala ang first movie nila (siguro after ng first hit series nila na Mula sa Puso).

Okay din ang cast nito na kinabibilanga nina Jan Marini, Lailani Navarro, Diether Ocampo, Marita Zobel, at Jaclyn Jose.



6. Honor Thy Father starring John Lloyd Cruz, directed by Erik Matti and produced by Reality Films.

Sa puso ko hindi ko alam kung abot na nito yung all-time favorite Filipino Movies level ko (mei ganern) dahil bago pa lang (2015). Pero ang dami kong dahilan bakit okay sa akin ito na isinulat ko sa aking 2-part movie review sa film na ito kinabibilangan din ni Meryl Soriano, Perla Bautista, Dan FernandezKhalil RamosBoom Labrusca, Krystal Brimmer, at Tirso Cruz III.
In three words, this film is Mapangahas, Relevant, and Heartwarming.

5. Ang Babae Sa Septic Tank. Kung may isang film na nagsabi sa akin na…
·         Okay manonood  ng cinemalaya films lalo na sa CCP
·         Na-experience mo na ba ang makapanood ng nag-standing ovation lahat ng audience
·         Intelligent comedy
·         Film within a film
·         Mahusay na komedyante talaga si Eugene Domingo

...ay ito ngang Ang Babae sa Septic Tank 1.  Yung comedy dito ay  slapstick yung hindi batukan, sipaan, gigil, at panlalait.  Hindi rin ito comedy na katatawanan na ipinagpipilitan na may moral values.  Ito ang comedy na matatawa ka sa realization ng buhay, sitwasyon, at effectiveness ng acting ng actor.   Magaling din dito si JM de Guzman at Kean Cipriano, plus Cherry Pie PicacheMercedes Cabral, at Jonathan Tadioan.

Ang ganda ng script na sinamahan pa ng malinis na execution ng direksyon at intepretasyon o adlib ng mga actor.