Miyerkules, Agosto 22, 2018

Another Musical Cruz: 16 Fun Facts about Angelina Cruz


Babad ka man o mej lang sa local showbiz ay imposible ata na walang  artistang Cruz kang makikilala.  Kahit sa music scene ay umaariba ang showbiz clan na ito sa pangunguna nina Sheryl Cruz, Geneva Cruz, at Donna Cruz.  Pero kung ang singer-actress Sunshine Cruz man ay mas nakilala sa pag-arte, heto na ang kanyang  16-year old daughter na si Angelina Cruz. Isa na itong ganap na recording artist sa pamamagitan ng kanyang self-titled EP (Extended Play) sa ilalim ng Universal Records.

Narito ang 16 fun facts about Angelina Cruz na ibinahagi n'ya mismo  sa media conference ng kanyang EP kamakailan sa Café Dominique:

1.       Nang dahil sa Ukelele - Sa kanilang magkakapatid daw ay s’ya ang hindi  obvious na singer.  Pero dahil nahilig si Angelina sa pagtugtog ng ukelele at pag-cover n'ya ng kanta gaya ng Can’t Help falling In Love ay ay nalaman ni Sunshine Cruz ang kanyang talento. Hayon, doon na nagtuloy-tuloy hanggang sa makaabot na s’ya sa  pagiging part ng Universal Records.



Angelina with mom  Sunshine Cruz and Universal Records officials

2.       Debut single ay ‘Sumilong ka’ - nakaabot na sa lagpas ng 1.6 million streams ang kanyang debut single na Sumilong Ka. At sa music video nito naipakita ang  kanyang pagiging ukulele player.



3.       Cute na cute sa pagkanta ng Taglish - Ang “Kaya mo ba” ay isa sa paborito niyang single sa  kanyang EP.   Na-cute-an daw s'ya rito dahil Taglish o pagkanta na palipat-lipat sa dalawang lengguwahe.



4.       Not used to Upbeat – Isa pang paborito niya sa kanyang debut project bilang Universal Records artist ay ang “The Best of You.” Na-challenge daw  siya rito dahil upbeat ito, na isang genre na hindi  niya dati ginagawa.

  
5.       Iilan lang ang kanyang friends sa showb -   Ito ay dahil hindi naman s’ya fulltime sa showbiz. Priority pa rin umano niya ang kanyang pag-aaral.  Ilan daw sa kanyang friends sa showbiz ay sina Frankie Pangilinan at Leila Alcasid.


6.       Mas Committed ang paggawa ng album/EP – Na-curious ako kung paano niya hinarap ang hamon ng pagre-record o in general ng pagiging singer.  Base kasi sa mga napanood kong interviews niya ay para s’yang mahiyain.  Pero sabi ni Angelina ay ang pinagkaiba ng pagsalang sa variety shows sa pagre-recording ay mas committed s’ya na magawa at mapabuti ang  kanyang pagkanta.Dito rin ay mas nakakapag-practice s’ya.



7.       Sunshine to Angelina: “Know your place” - According kay Angelina, ilan sa payo ng kanyang inang si Sunshine Cruz sa pagkanta ay palaging mag-ensayo at  know her place na  dapat palagi s’yang maging humble.


8.       Working with Inigo Pascual is exhilarating –     Featuring sa track niyang “Paraiso” ang singer-performer na si Inigo Pascual. Sabi niya ay “fun” and “exhilarating” ang makasama ang Dahil Sa Iyo singer lalo na’t upbeat din ang kanilang kanta. Dagdag pa ng dalaga ay noong una ay ginamay n’ya ang genre na ito pero nakuha rin niya in the end.


9.       Collaborate with Julie Anne San Jose, Claudia Barretto, and Donny Pangilinan – Sabi ni Angelina ay gusto n’ya maka-collaborate ang lahat ng UR artist at ilan na nga roon ay sina Julie Anne San Jose, Donny Pangilinan, Claudia Barretto, at Shanti Dope.


10.   Diego Loyzaga is good in singing – Isa sa gusto rin n’yang maka-collaborate ay ang kanyang kuya (kapatid sa amang si Cesar Montano) na si Diego Loyzaga. Sabi niya magaling din itong kumanta at nakapag-perform na rin silang dalawa sa ASAP.



11.   Want to do original songs- May mga singers na sumikat sa paggawa ng cover songs at mayroon naman ‘di sanay   na kumanta ng ganito.  May ilan na ang layunin talaga ayay magkaro ng trademark song, habang may iba na kinakabahan  na hindi mag-hit kung  susubok na mag-all original. Kaya tinanong ko si Angelina kung alin ang mas gusto n’ya. Anya, mas gusto n'ya ang originals na kung saan mag-i-start s'ya from scratch.   



12.   Songwriter Angelina- Kasama sa kagustuhan n'ya na mag-start from scratch ay ang mag-venture sa songwriting. Sabi niya sa next EP niya ay nais n'yang makasama rito ang kanyang mga kathang kanta. Pero anya hindi siya ang songwriter na makasulat lang, she wants to take time to do it.


13.   Group chat with her fans- Ito paraan niya  ng pakikpag-interact niya sa kanyang mga fans.



14.   Make a name for herself -   Mula sa angkan ng mga artista… pero 10 years from now ang gusto pa rin ni Angelina ay gumawa ng sarili niyang pangalan sa industriya.


15.   Drawer/ Sketcher - Ang isang dahilan na hindi inakala ni Angelina na sa singing siya malilinya ay dahil noong bata siya ay pagdo-drawing at sketching ang kanyang hilig. Parang naisip pa nga raw n’ya na mag-take ng architecture. Baka daw sa next EP niya ay i-incorporate ang kanyang mga drawings.


16.   Into Business – priority ni Angelina ang kanyang schooling at currently ay ang tini-take n’ya na college course ay may kinalaman sa business management.

Available na ang Angelina( EP)  on iTunes,  Apple Music, Deezer, Amazon, and Spotify 

  For other  facts and trivia  about Angelina Cruz- visita na sa Hitokirihoshi Channel

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento