Miyerkules, Agosto 1, 2018

Part 2: 5-10 of 15 Good Young Filipino Actors

I guess maraming young actors ngayon ( at 'yong mga dati rin) ang dumaan sa pagka-frustrate kapag hindi sila nabibigyan ng chance to shine. Bilang manonood ay nakaka-frustrate din naman magsayang ng pera at oras (lalo na sa sinehan) kung disappointing ang performance ng star na binigyan ng pagkakataon para magbida o magkontrabida.  Kaya  bilang pagkilala sa mga awesome, narito ang second  5 ng 15 young actors na napanood o sa tingin ko ay good Young Filipino actors (under 30):

Movie Poster ng Die Beautiful (SM City Fairview)


(Arranged according to age per batch) 
Part 1 of the list  <here>


Edgar Allan Guzman, 29

Nabanggit ko dati na  si Edgar Allan Guzman o EA, dahil effective ang acting,  ay mapapabilib kang “pogi” at  “lodi” mo s’ya.  Ganito  kasi na-feel ko noong napanood ko s’ya sa Unofficially Yours, Deadma Walking, Ligo na U Lapit Na Me, at isang episode ng Maalaala Mo Kaya (kasama si Kim Chiu).    




I think he’s doing right naman when it comes sa acting at pagpili ng projects. In fact talagang kapuri-puri ang performance niya sa Deadma Walking.  IMHO ang kailangan na lang n’ya ay string of commercially successful films pa para umalagwa ang kanyang karera. Promising sana ang tambalan nila ni Kim, pero puwede rin s’ya sa mga linyahan ngayon nina Bela Padilla at Alessandra De Rossi sa indie films. 


JM de Guzman, 29

To be honest, hindi pa ako nakapanood nang bongga ng anumang teleseryeng napagbidahan ni JM de Guzman.  Pero kung pagbabasehan ko ang mga pelikula niya na napanood ko, na mostly hit independent films, ay hindi kataka-taka na tuloy-tuloy ang kanyang mga proyekto mapa-TV o pelikula.  He’s also a living proof ng good actor  na kayang i-overcome ang bad issues ( but I hope okay na s'ya).  Sarap din balik-balikan ang kanyang performance sa Ang Babae Sa Septic Tank (part 1) at That Thing Called Tadhana.





Dominic Roco, 29

Napanood ko na ang ilang minor roles n’ya, pero  hindi ko s'ya masyado napansin dati. Naiba noong nagbida s'ya sa Ang Nawawala dahil doon ko na-realize na may ibubuga ito  kahit pa hindi masyado masalita ang kanyang role. Mayroon s’yang angst at saka comedic timing na minsan lang lumabas pero dale ka talaga.  




 Incidentally, after nito ay wala na akong naalalang napanood na ibang project ni Dominic. O naguguluhan pa rin ako kung sino si Dominic at Felix Roco? Good thing kasama s'ya sa Contessa na pinagbibidahan ng ni Glaiza De Castro.

Arjo Atayde, 27

Bilang manonood walang masyadong bearing sa akin kong kung ang pinapanood ko ay anak ng isang artista. Sa umpisa lang naman 'yang pa-publicity na mula sa angkan na ganito o ganire at bandang huli ay i-appreciate mo ito kung magaling talaga.  Sa kaso ni Arjo Atayde, hindi s’ya nakakahiyang ipakilala na anak ni Sylvia Sanchez at kahit 'wag pa nga i-mention kasi pinatutunayan ni Arjo na ang trabaho n'ya ang magpakilala sa kanya.


On the other note, hindi man ako avid viewer ng Ang Probinsyano ay sa ilang beses kong napanood ito at nandoon si Arjo ay wow talaga ito.  For his age, nakakabilib na kaya niyang  gawin 'yong ganoong  kabigat na pagkokontrabida. Iyong mukha n’ya ay parang boy-next-door especially dahil sa kanyang dimples (tuwang –tuwa ako sa dub smash at dance videos n’ya).  Sayang hindi ko na napanood  ang Hanggang Saan na pinagbibidahan nilang mag-ina, pero base pa rin sa mga  napanood kong video clip ay binigyan n'ya ng magaling na suporta si Sylvia roon.

Christian Bables, 25

Sa lahat ng binanggit ko sa listahan na ito ay si Christian Bables ang isa pa lang na proyekto ang napanood ko. Subalit kahit 'yon pa lang ay markado na para masabi ko na may ibubuga ito sa acting. Sa Die Beautiful ay gumanap siyang si Barbs Cordero, ang beki best friend ng bidang karakter na ginagampanan ni Paolo Ballesteros.



Bago ang movie na ito ay totally hindi kilala si Christian, so ang impression ko ay siguro bading o  silahis talaga ito, ang galing e. Pero hindi punto rito kung bading s’ya o hindi in real life, kundi nasa galing ng acting n’ya. Extra bonus na lang kung first time n‘ya gumawa ng gay role kasi challenging ito just in case and yet, he pulled it off. Ano pinagkaiba ng kanyang pagkakaganap at pagkakagawa ng Barbs Cordero sa iba? Hindi lang nagmukhang sidekick o supporting role, kundi nagmukha na rin s’yang bida.  

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento