Taong 2008 nang halong may conscious effort at biglang nawala
ang gana ko ng panonood ng TV. Hindi kasama rito yung panonood ko ng pelikula sa TV at
hindi rin big sabihin ay ni tumingin ay di ko ginawa. Ito iyong tipong religiously kong sinusubaybayan hanggang sa matapos. So, in memory of
my old self before October 2008 ay ito ang 5 defunct Pinoy TV Shows na
meaningful and memorable for me:
Batibot. Ang kabataan ko ay binigyang saya at kulay ng
panonood ko ng anime. Subalit, kung may ilang children's televesion series na nahalo ay isa na roon ang
Batibot na iyon. Sa paniwala ko ay malaking bagay ang nagawa ng programang ito
dahil marami sa mga una kong natutunan na moral lesson, kwento, at salita ay
mula rito. Dito ko nalaman ang Alamat ng Pinya, kung paano nakakarating sa mga
gripo ang tubig, ang pagiging pala-kaibigan at pagiging organisado. Sing
“ Pagsama-samahin ang magkapareho,
ang magkakatulad ay ating igrupo.
Kay sayang libangan, kay daling gawin
Ang magkapareho, pagsamahin natin”
(Nai-type ko ito base sa memorya ko
ha!)
G-Mik. Ang totoo n’yan ay halos pinapanood ko lahat ng youth-oriented shows na
magustuhan ko. Walang pinipiling network, huwag lang magkakatapat ng oras.
Napanood ko ang TGIS, Gimik, K2BU, Click, Joyride, Growing Up, 5 and Up, SCQ Reload: OK Ako!,
Tabing-Ilog, Let’s Go, at marami
pang iba. Ang pinaka-favorite ko rin na
American Show ay youth-oriented show – Dawson’s
Creek starring James Van Der Beek,
Michelle Williams, Joshua Jackson, and Katie Holmes. So balik tayo sa G-Mik at bakit hindi pa
Tabing Ilog? Dati gustong-gusto ko si Camille Prats kasi nakakaarte s’ya at
magaling sumayaw. Nagustuhan ko rin iyong love triangle niya with Stefano Mori and Miko Samson. Pero sa
relevance at pagka-meaty ng stories, siguro mas okay ang Tabing-Ilog at
Click. Kilig-kiligan lang talaga hehehe.
Keep on Dancing. Kaya ko nagugustuhan ang gaya ni Camille
Prats ay dahil mahilig din talaga ako magsayaw. Dahil mahilig naman ang nanay
ko sa ballroom dancing ay napapanood ako ng Eezy Dancing noon na ang
host ay sina Dayanara Tores
at Charlene Gonzales ( hmmm may common denominators). Tapos lumipat si
Charlene sa ABS-CBN, s'ya na ang lead host ng Keep on Dancing kung saan co-host naman sina Franco Laurel, Troy Montero, at Marc Nelson. Mas nasasakyan ko ang Keep On Dancing kasi mas alive
iyong set up ng stage saka iyong dance moves. Although iisa din ata ang main
dancers ng Eezy at KOD – ang VIP ni Maribeth Bechara. Sa ibang banda, gusto ko rin ang StarDance
(Hosted by Vanessa del Bianco at Marvin Agustin), at U Can Dance hosted by Derek Ramsay at Iya Villania. Pero ang alam
kong nauna sa celebrity dance challenge ay Shall We Dance ni Congressman Lucy
Torres.
Tatak Pilipino. Noong bata ako ang pacifier ko ay TV. Iiwan
lang ako sa harap ng TV tahimik na
mundo. At sa dami ng pinapanood ko ay pasok ang Tatak Pilipino hosted by
Jim Paredes ( ng Apo Hiking Society) at Gel Santos-Relos. Sa mura kong edad
noon ay walang nakaimpluwensya sa akin na panoorin ito basta nagustuhan ko lang,
(I feel proud ngayon ah). Habang
naglalaro yung mga ate at kuya ko sa labas ng kung anu-ano ay nanood ako ng isang cultural magazine show habang nasa kuna ako hehe. Pero maganda itong show na
ito wala pa akong nakita katulad na nakakaenganyong panoorin kahit ng mga bata.
Okay Ka Fairy Ko – Marami ng
nagawang sitcom si Bossing Vic Sotto pero ito pa rin gusto ko. Siguro dahil
nakalakhan ko na lang din at ito ang isa unang taste ko ng fantaserye.
Kung mapapansin halos mula sa Kapamilya Network shows yung mga
nabanggit ko. Maka-Dos kasi pamilya ko lalo na noon pero nanood pa rin naman kami ng mga
palabas sa Siete pero ang mga natatandaan ko ay puro news at foreign shows. Kung pag-uusapan natin anime at Asian Dramas
marami akong mababangit. Isa pa’y running “na” o “pa” ang mga gusto kong shows
sa channel 7 gaya ng Encantadia, Ang Pinaka, Powerhouse, Bubble Gang, at iba pa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento