Nakakalungkot din ang makarinig na kesyo patay na
raw ang Philippine Movie Industry o wala ng magagandang Filipino Films. Pero
depende naman 'yan sa sino ang nagsasabi, kasi kung iyong nagsasabi ay hindi
naman talaga nanood ng local film the who s’ya para pakinggan? Anyway, for as long as may mga filmmakers at film producers na patuloy
sa paggawa ng magagagandang pelikula ay patuloy na babangon at uunlad ang Pelikulang Pilipino kahit piling-pili pa ‘yan.
By the way, I commend ABS-CBN Film Restoration Project sa pangangalaga ng mga old films
(from film to digital), Sa UP Cine Adarna na isa nagpapalabas ng indie at old films, at sa mga film festivals like Cinemalaya at Cinema Rehiyon. Gayon din ang mga independent movie outfits
sa paglalakas-loob na mag-release ng movies kahit walang film festival at sa normal na
araw. Ilan sa mga ito ay Erasto Films, Bonfire Productions, Artikulo Uno Productions, Reality Entertainment, Spring Films at ang nakaka-miss na
Unitel Pictures.
Gusto ko rin na ini-interview na ngayon ang mga screenwriters kasi before sina Ricky Lee at Roy
Iglesias lang ang kilala ko. Ngayon marami na at sinasama pa sa mga media conferences. Ilan pa sa kinilala kong magaling ay sina Michiko Yamamoto at Chris Martinez. Meantime isa bago kong
kinagigiliwan na filmmaker ay si Paul Soriano (maker of Dukot, Kid
Kulafu, at Thelma).
My top 10 Favorite Filipino Films
Kakatwa pero ang inspirasyon ng post na ito ay ang question ng pamangkin ko na anong pinakamagandang pelikula na napanood ko. Ang hirap sagutin dahil bukod sa marami na akong napanood na maganda, ay kahit sa isang kategorya at isang artista ay marami na agad akong naiisip. So sa Filipino Films na narito ay ilan lamang sa mga paborito ko na unang pumapasok sa isipan ko. Sa mga napiga ko sa utak ay ang mga nasa post na ito (so puwede naman mag-change ng rank 'di ba) at ni-rate ko ayon sa aking pagkagiliw noong napanood ko, at ngayon na halos nire-review ko na. Magba-blog ako ng separate para sa mga films na hindi ko man personal na favorite ay commendable movie dahil sa ganda o husay. By the way, mahilig talaga ako manood ng old films kaya yung iba rito baka 'di mo siguro alam at now you know! :P
10. Santa-Santita directed by Laurice Gullen and written by Jerry Gracio, starring Angelica Panganiban and Jericho Rosales, and produced by Unitel Pictures International (2004)
Ito ang launching film ni Angelica Panganiban, which was
also one of her projects na nag-shed na s’ya ng teenybopper image (aside from
being a child star). Dito ko nagustuhan ang acting n'ya kasi I realized na may ibubuga pa s’ya aside sa paawa effect at pa-girl. Tingnan mo nga naman ngayon, Angelica is Angelica Panganiban. Samantala, kung aware ka sa Himala ni Nora Aunor at Nakausap ko ang Birhen ni Lotlot de Leon, parang ganoon ang datingan nitong Santa Santita kasi pare-parehong may kinalaman sa aparisyon.
Subalit ang malaking pinagkaiba ay pagdating sa karakter ng bida na may bad reputation. Ang
pinakanagustuhan ko rito ay acting ng mga aktor sa sitwasyon na inilatag sa
kanila. Alam kong magaling na si Hilda Koronel (Chayong) at the
late Johnny Delgado bilang mga supporting cast, pero nag-stand out talaga sina Angelica at Jericho for me. In fact, 'di ako impressed before nito sa mga movie and TV projects ni Jericho, pero sa Santa Santita ay napa-wow na ako sa husay n'ya bilang aktor.
The plot is simple- isang babaeng masama sa paningin ng iba pero
gumagawa ng banal na mga bagay. Sino ang hindi
mag-iisip na bogus 'di ba? Pero
aside dito, ang nakaka-touch ay ang relasyon ni Malen (Angelica) sa kanyang ina at gaano mo ilalaban ang iyong personal pananampalataya kung masama ang imahe mo sa iba at maging sa iyong sarili?
9. Halimaw
sa Banga. Napanood ko lang ito sa TV
noong bata ako pero hanggang ngayon ata ay may something pa rin ako sa banga.
Ganoon ka effective ang pananakot sa akin ng 1986 film na ito na directed by
guest what, Christopher de Leon, at
critically acclaimed filmmaker Mario O’
Hara.
Sa title pa lang ay alam mo na agad ang plot at dahil old
film ito ay maaano ka sa props/ prosthetic. Pero bes masasabi kong kaya nitong
makipagsabayan sa ibang Asian Horror Films. Walang-wala yung mga batang pinulbusan mula ulo hanggang paa para manakot. Maganda pati kasi ang kwento sa loob at labas ng
banga. Kabuwiset pa yung character dito ni Mario at Liza Lorena.
Actually Twin-bill film ito
na may pamagat na Halimaw, ang first segment ay may title na “Komiks” at ang bida ay si Ian de leon at pangalawa- “Banga” na bida
naman si Lotlot. Pero sorry talagang Halimaw sa Banga talaga ang naalala ko
lang. :)
8. Crying Ladies.
Lumaki ako sa feeling ng isang ate na Sharonian at aware na aware ako sa dami ng Mano Po film series pero masasabi ko na after Pasan ko Ang Daigdig at Sa Hirap ay Ginhawa, sa Crying Ladies ko nasabi na...
·
nagustuhan ko ang acting at character ni Sharon,
hindi dahil naimpluwensyahan ako.
·
Natutuhan ko ang isang Chinese tradisyon
(kailangan may iiyak pag may patay) sa paraang na-entertain ako
·
Naka-relate at na-touch ako sa mga galawang Pinoy sa mahihirap na
sitwasyon.
Tawang-tawa ako kay Sharon dito at bagay sa kanya ang
character. Ang mapapanood mo rito ay
naiibang Sharon at iisipin mo talagang s’ya si Stella Mate. Maganda rin naman performance
n’ya sa Madrasta pero rito ko napatunayan ang comedic timing n’ya. Basta yung film may kurot sa puso at hagikgik sa nguso. Nakaka-touch yung journey ni Stella bilang mahirap na single
mom. Tawang-tawa ako mag-asawang kapitbahay n'ya ( ang lalaki si Bobot Mortiz) sa itaas na nagdyugdyugan. Wahahahahaa! This film is produced by
Unitel Pictures and directed by Mark
Meily.
7. Dahil Mahal Na Mahal Kita starring Rico Yan and Claudine Barretto, produced by Star Cinema.
Gusto ko rin ang Got 2 Believe
na last film ng former reel and real couple na ito. Pero sa lahat ng film nilang dalawa, isama pa ang ibang rom-com films o love drama ng Star Cinema na napanood ko ay isa talaga ito isa sa may punch pagdating sa flow ng story, acting, at kilig.
Ang story nito ay actually similar (kung 'di man based talaga
) sa Maalaala Mo Kaya episode na kung saan ang bida ay sina Gisselle Tongie
at Mathew Mendoza. Si Mela (Claudine) ay mula sa average family at kilalang playgirl sa kanilang campus. Tapos magkaka-inlaban sila
ni Miguel na mula sa mayaman na angkan at masyadong disiplinado. Plus factor sa kilig sa story ay yung
opposite personalities at reputation nila sa school. Pilit silang nakiki-level sa
isa’t isa at mas may effort kay girl. Pero dahil nakapaloob sila sa square
love relationship at nasabit pa sa isang iskandalo si Mela, kaya nagkaletse-letse na. Bata-bata pa rito si Claudine Barretto pero ipinakita
na n’ya yung flexibility as an actress, habang si Rico ay yung "man of your
dream" ang peg. Ayon sa trailer ay ito pala ang first movie nila (siguro after ng first hit series nila na Mula sa Puso).
Okay din ang cast nito na kinabibilanga nina Jan Marini, Lailani Navarro, Diether Ocampo,
Marita Zobel, at Jaclyn Jose.
6. Honor Thy Father starring
John Lloyd Cruz, directed by Erik Matti and produced by Reality Films.
Sa puso ko hindi ko alam kung abot na nito yung all-time
favorite Filipino Movies level ko (mei ganern) dahil bago pa lang (2015). Pero ang dami kong
dahilan bakit okay sa akin ito na isinulat ko sa aking 2-part movie review sa film na ito
kinabibilangan din ni Meryl Soriano,
Perla Bautista, Dan Fernandez, Khalil
Ramos, Boom Labrusca, Krystal Brimmer, at Tirso Cruz III.
In three words, this film is Mapangahas, Relevant, and Heartwarming.
5. Ang Babae Sa
Septic Tank. Kung may isang film na nagsabi sa akin na…
·
Okay manonood ng cinemalaya films lalo na sa CCP
·
Na-experience mo na ba ang makapanood ng
nag-standing ovation lahat ng audience
·
Intelligent comedy
·
Film within a film
·
Mahusay na komedyante talaga si Eugene Domingo
...ay ito ngang Ang Babae sa Septic Tank 1. Yung comedy dito ay slapstick yung hindi batukan, sipaan, gigil,
at panlalait. Hindi rin ito comedy na
katatawanan na ipinagpipilitan na may moral values. Ito ang comedy na matatawa ka sa realization
ng buhay, sitwasyon, at effectiveness ng acting ng actor. Magaling din dito si JM de Guzman at Kean
Cipriano, plus Cherry Pie Picache, Mercedes Cabral, at Jonathan Tadioan.
Ang ganda ng script na sinamahan pa ng malinis na execution
ng direksyon at intepretasyon o adlib ng mga actor.
Ito top 4-1 ko> Ano ang Pinakapaborito mong Pekilula? ;)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento