Pages

Lunes, Disyembre 25, 2017

Movie Review: Deadma Walking nina Edgar Allan Guzman, Joross Gamboa

Advance kong napanood ang Deadma Walking starring Joross Gamboa and Edgar Allan Guzman. Itong film na ito ay hango sa Palanca award-winning screenplay ni Eric Cabahug at sa direksyon ni Julius Alfonso. Tagal na rin na hindi ako nakakapanood  ng film sa premiere night or pre-screening nito so maiba din ang experience  bukod sa panonood.



 Review ng Deadma Walking

 Sa kabuaan ang pinakagusto ko sa film ay hindi nito pina-feel sa  akin na may gay issue.  Iyong tipong alam mo yung parati  na lang may “hindi matanggap dahil  bakla kasi ako.” Bagkus ang ipinagdiinan ay pagkakaibigan, paghahanda sa kamatayan, pagmamahal at sino ka ba sa malalapit sa iyo?  Magkakahalo pa d'yan yung seryoso, kalokohan, at pagiging kabogera na espesyal  na maihahatid lamang ng ating mga kafatid.  

Narito pa ang aking paghihimay at rebyu sa pelikulang ito na produced by T-Rex Entertainment at OctoArts :
   

Screenplay – Isa sa laman ng post kong  Reasons why I'll Watch Deadma Walking  ay  ang screenplay ni Cabahug na naging second prize winner sa Palanca Awards.   Parang bakit kaya at paanong nangyari?

Nung napanood ko, I think dahil sa entertainment value na may moral value  na umiikot sa galawan at pangyayari sa buhay ng two lead characters. Oo  may mga nakakatuwang hirit sina John ( Joross) at Mark ( Edgar) pero hindi sila out of character. Na-establish nang maayos ang kanilang persona so hindi nakakagulat kong puma-punch line  sila at hihintayin mo naman kung kailan. Mahusay yung pagkakatawid ng konsepto na paano mo paghahandaan ang iyong kamatayan kung may chance ka at ano ang madidiskubre mo rito.

Nakakadagdag din yung pagpasok ng career ni Mark  bilang stage actor. Nung una ay tinuturing ko iyon na pang gap sa  mabibigat na eksena. Pero na-realize ko na nakatulong pala iyon para makilala ko pa si Mark.  Yun din ang strong point for me ng screenplay, may dalawang two colorful characters para sa isang interesting na what if idea.

Sa mga eksena, ang pinakanatawa ako ay sa mga dream sequences kung paano  nila ie-execute yung pagkamatay, burol, at libing.  Doon pa lang magaling na si EA. Sunod naman ay yung lamay ng nanay ni John na dinaluhan ng mga queens. Wahahahaha lang talaga!



Acting -  Ah ang superb ni Edgar Allan Guzman  bilang si Mark at sa ilan eksena pa lang ay nakuha n'ya na kaagad ako. Hindi ito yung role na tinahi kasi yun ang kaya o bagay sa kanya, kundi ginawa n'yang kanya dahil binigyan n’ya ng justice.  Halos lahat ng eksena n’ya ay magaling s’ya mula sa pagiging crying diva, OA na kaibigan ni John, at  higit sa lahat iyong pagiging taong nagmahal, natraydor, nagpatawad…na-teggy. charrot!

Nadama ko rin ang build up ng tension nung pumunta  ang role ni Vin Abrenica (ex. BF ni  Mark) sa lamay ni John.  Hindi mo rin kasi mahuhulaan sa una hanggang s'ya mismo ang mag-reveal ng BTS ng mga kabagayan.  Nakakaloka ang backstory Ati  at magaling din si Vin ha. ikinababae ng nilalambing n’ya ( no spoiler kung sino para intense). :P
 
Joross  & EA (Credit: T-Rex Entertainment)
Si Joross Gamboa ay pumaloob din sa kanyang karakter.  Pero may mga times na slight parang may konting pilit pa yung acting n’yang  bading or hindi consistent. Unless mali ako at ang gustong i-achieve ay nagpapakapormal s’ya lagi. May ganoon din naman kasi bading na kung kumilos ay parang malakas makag-sway ng opinion -  kelot o bebot  ba ang trip nito? Pero shaket-shaket din ng love story n'ya kay Luke (Gerald Anderson).  Iyong minahal mo pa rin kahit sa simula pa lang sure ka ng wala kang mapapala.

Mahusay si Joross  sa batuhan at pag-react, gandang-ganda ako sa kanya nung kinastigo s’ya ni Mark sa hagdan. Nandoon sa facial expression n’ya ang guilt, paghingi ng tawad, at takot. Bagay na kahit hindi pa nya bitawan ang dialogue, na-explain n'ya na sa akin ang nararamdaman n'ya. Bravo! Gusto ko rin yung nasa bathhouse sila at nung ni-reveal n'ya ang cancer at  sagot na Sagittarius ni Mark…charrot!

Sa supporting cast, siempre nangunguna d’yan si Dimples Romana. Sa pagganap n’ya bilang older sister ni John ay na-feel ko ang pagiging sisterly n’ya pagdating sa  pagsisisi, at suporta. Next ay mga kasama ni Mark sa Crying Divas musical na sina Ricci Chan at Jojit Lorenzo, plus ang kanilang direktor na si Marlon Rivera.  I wonder kung talagang nagta-teatro talaga sila sa totoong buhay.  Agaw-eksena rin dito si Eugene Domingo na  pumi-French actress in a classic black and white film.      

Direction – Ang gusto ko sa direksyon ni  Julius Alfonso ay gawing casual ang kadalasan na in-o-OA sa  ibang movie.  Nagawa nya ring smooth yung pagse-segue sa drama, musical, at iba-ibang dream sequences including yung French Film.  Kung ibang putcho-putchong film director baka nahirapan itawid ang editing at pagtatagpi-tagpi. hello! Hindi madali ang mag-shoot ng dramedy about death, musical, and then film within a film tapos iba artista.  Alam mo yung shifting, pag-balance, at gawing buo ang bawat aspeto para sa iisang film production.  Doon pa lang I commend Direk Julius kasi I think mahirap iyon kahit man lang sa continuity.

Beshies John  & Mark
Although maraming nag-cameo rito ay hindi sila nang-agaw o nakagulo sa  pinakadaloy ng istorya.  Mahusay ang taste ni Direk na i-minimal ang mga lumalabas sa mga dream sequences para hindi masyado agaw eksena. Kung may parts man na marami hindi lalayo sa mga bida ang atensyon mo kasi extra yung mga nakapaligid. Na- emphasize noon ang pakikipaglaro kay kamatayan.  

Gusto ko rin yung mga kuha at blocking sa simple places –  pagpasok ng pintuan,  usapan sa bintana, at ratratan ng mga beks sa hagdan. Okay din naman siempre ang cinematography sa dalampasigan at set design sa lamay ( mula sa mama ni John at kay John na mismo).  Pero mas tumatak sa akin ang pinto, bintana, at hagdan heheheh.

So overall bet na bet ko itong Deadma Walking at  agree ako sa Grade A nito sa Cinema Evaluation Board (CEB).


BTS: Pre-screening

 Hindi na ako nakatagal sa loob ng red carpet area dahil mahiyaing ek-ek ako.  Pero dumating doon sina Joross, direk Alfonso, writer Cabahug,  Candy Pangilinan, Nico  Antonio,  Alwyn Uytingco, at mga talents ng T-Rex Entertainment.  Humabol din si Gerald Anderson na pinaupo ni EA sa tabi nila.



Sa mga interview ay isa sa nakaka-touch na malaman  doon na naiiyak pala si direk Alfonso tungkol sa movie. After 20 years of doing movies or shows na siya ang isa sa asst. director, this is the first time s’ya mismo ang main director.  Naramdaman ko roon yung gutom at passion and then, finally, ito na.   Doon ko rin nalaman na may young fans si EA at may book version na ang screenplay ni Eric Cabahug. 

Sabado, Nobyembre 4, 2017

Ano ang pinakapaborito mong pelikulang Pilipino?

One time habang nagbi-break ako ay may nagtanong sa akin, ano daw ang pinakapaborito kong pelikula? Binalik ko ang tanong local ba o foreign? Comedy, action, fantasy,  drama o musical? Pero ang totoo ay nalilito na rin ako kung paano ko ba ika-categorize at paano ko masasabing paborito ko na o sa nagandahan at nahusayan lang ako? Pero 'di ba, kapag favorite  mo ay parang pag-ibig. Kahit may mas guapo at matalino basta  nadale ang puso mo walang genre-genre, luma o bago, o sino man ang bida rito? Pero dahil tagalog ang tanong n'ya eddie dun tayo sa Favorite Filipino Films ko.  So  ito na nga ang part 2

Part 1 > Top 10-5  ( Santa Santita, HalimawCrying LadiesDahil Mahal na Mahal KitaHonor Thy FatherAng Babae Sa Septic Tank

Top 10 Favorite Filipino Movies ni Hoshi

4. Minsan may Isang Gamu-Gamu/ Dahil sa Isang Bulaklak
Credit: wikiMedia
Kinapa ko rin sa sarili ko kung nagagandahan, feeling film critic, o talagang paborito ko ang mga films na ito? Pero oo talaga e, kahit kapanahunan pa ng nanay at lola ko ang mga bida ay nadale ang puso ko. Gusto ko mag-“walling” with matching belo every time na napapanood ko kung paano nag- My Brother is not a Pig. Ang kapatid ko ay tao, hindi baboy-ramo” si ate Guy. 


Ang Minsan May Isang Gamu-Gamo (Once a Moth) ay directed by Lupita Aquino-Kashiwahara  (Dating Lupita Concio) at isa sa entry sa 1976 Metro Manila Film Festival at under Premiere Productions. Mahal na araw noong napanood ko movie na ito  sa bahay ng tyahin ko.  Medyo parusa time yung panonood namin kasi dapat naglalaro kami sa labas at hindi man lang Ant Man, Spiderman or Batman – Gamu-gamo talaga! :P 

Subalit up to this day I am thankful na nanood ako dahil na-appreciate ko bata pa lang ang acting ni Nora Aunor ( at kung bakit tinawag s'yang Superstar). Natakam tuloy ako manood ng iba pang pelikula n’ya  gaya ng Bona at Ina Ka ng Anak Mo. Sana i-digitally remastered at ipalabas ng ABS-CBNRestoration Project o mapanood ko rin ito sa UP Cine Adarna.

Nakakaiyak ang istorya nito na dadagdagan pa ng nakakabilib na authentic acting ni Nora bilang si Cora de la Cruz. Si Cora ay isang nurse na may American Dream na kung kailan malapit nang makalayas ng 'Pinas ay noon pa matotodas ng mga Kano ang kanyang kapatid  malapit lang sa kanila.  Sa pagkakadala nga sa akin sa istorya nagtanim ako ng galit sa mga Kano ( mga 10 gramo) chuz lang.   Bukod din kasi kay Cora ay may iba pang isyu at mismo sa pamilya ng dyowa n’ya (played by the late Jay Ilagan).
Credit: Video 48

               Sa ibang banda, kung may isa pa akong artista na gusto maisa-isa ang kanyang magagandang pelikula ay si Charito Solis. Yes the original Ina Magenta ng Okay Ka Fairy Ko sitcom and film series.  Nagsimula pagkilala ko sa kanya noong napanood ko ang Igorota (1969), tapos napanood ko rin yung ibang video clips ng Karnal at sa isang film na kasama n’ya si Nora ( di ako sure sa title ). Dito sa Dahil sa Isang Bulaklak or Because of a Flower (1967)  ay naipadama n'ya sa akin yung  sakit na magmahal na ang kaagaw mo ay mahal mo rin.  Bilang si Margarita ay anak n’ya rito si Esperanza (Liza Lorena na nasa The Good Son) na ka-triangle ng di alam nito ang kanyang lalaking iniibig. 
Credit: IMDB

   
3. Bata-Bata Paano Ka Ginawa.  Ang film na ito ay movie adaptation ng same novel title ni Lualhati Bautista.  Naalala ko nung college, tinanong kami ng Prof namin kung ano ba ang ibig sabihin ng title.  Bragging right ko na maituturing na nasagot ko with pride at masigabong palakpakan ng buong klase yung question about sa book... kasi  napanood ko yung  film, hehehe. 

Pero grabe naman kasi galing nina Carlo Aquino at Serena Dalrymple roon.  Ang highlight sa akin doon ay tatlo - 
·         nung sinabi ni Maya ( Serena) na “ha, dalawa-dalawa?!”  nung tinanong n’ya si Lea (Vilma kung  sino mahal n’ya kina Raffy ( Ariel Rivera) at Ding ( Albert Martinez).  Tatay ni  Ojie (Carlo) si Raffy  at si Maya naman si Ding.
·         nung sinagot ni Vilma yung makulit na question ni  Ding na anong gagawin (luto) sa itlog – “ Nang Pu*&%4# gawing mong manok.
·         At yung sagutan at sampalan nina Ojie at Lea. Classic yun!
Aside sa acting, story, at iba pang technical aspects ng pelikula. Kaya ko ito naging favorite ay sa mensahe mismo e.

·         Paano mo huhubugin ang mga anak mo (that’s my exact answer sa question ni prof) sa kabila ng iyong mga problema, kahinaan, at pinagdaanan bilang ina o magulang.
·         Ang mga babae ba ay hanggang sa pagiging asawa na lang? Hindi ba sila puwede magkaroon ng career? Maging masaya bilang babae labas sa pagiging asawa o ina nila?
·         Puwede naman gawing simple at casual ang awkward na sitwasyon sa pagitan ng mag-ex, sa bago ni ex, sa pagitan ng ex at present, o sa mga naging ama ng anak mo.  Nasa pagtanggap ‘yan at pagpapatawad.
·         At gaano ka open na pag-usapan ang iyong problema sa iyong pagkababae.
Credit: Wikimedia

2. Tinimbang ka Ngunit Kulang (Weighed but Found Wanting). Ang 1974 film na ito na ay directed by one the great Filipino filmmakers na si Lino Brocka.  Co-writter n’ya rito si Mario ‘O Hara (isa pang great filmmakers at actors).

Napapanood ko ito sa cable at gaya sa Minsan May Isang Gamu-Gamo -- Mahal na Araw. I think it’s the best movie sa lahat napanood ko pagdating sa mensahe, screenplay, at acting so far.  Kapag ipinalabas nga ito ngayon ay napaka- timely at relevant pa rin.  Ang pinaka-take home lesson ko rito ay don’t judge  and be open –minded.  Ang makukuha mo rito ay

·         Minsan kung sino yung  tinitingala ay syang may baho at maputik na pagkatao ( it’s all about #prestige)
·         Kung sino yung minamaliit sa lipunan, sila ang nakakaunawa ng saya at mabuting kalooban
·         Kung lalawakan mo ang iyong isipan, malalaman mo kung ano ang mali at tama. Hindi kung ano ang standard ng lipunan ( #conformity)
·         Ang kabaliwan ng ilan ay resulta ng kasamaan ng iba
·         Hindi  nakakahawa ang ketong, mas nakakahawa ang katangahan at maling paniniwala
Actually marami pa akong hugot sa film na ito.  By the way, maganda rin ang Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon (1976) na pinagbibidahan din nina Christopher at Eddie with Gloria Diaz and directed by Eddie Romero.

Trivia may phrase sa bible na Tinimbang ka Ngunit Kulang – Daniel 5:27

1. Magic Temple - 1996 fantasy film directed by  Lore Reyes, Erik Matti, at Peque Gallaga.
Kung may film na kaya kong ulit-ulitin na panoorin isa (kung ‘di man pinaka) na ang Magic Temple mapa-local or foreign films. Masasabi ko rin na masuwerte ako na ito ang nakalakhan kong klase ng entry sa Metro Manila Film festival na pambata.  May comedy, may drama, may love story, may musical part, may mga aral, at fantasy.  Hindi ko na ikukumpara sa mga napapanood natin ngayon na comedy film (na nagpapanggap na pambata). Bahala ka ng humusga at nirerespeto ko naman na kanya-kanya taste natin.

Ang masasabi ko lang ay deserved nito ang paghakot nito ng awards at nang pinanood ko ito hangang-hanga ako sa magic/ vfx.  Hindi ko rin ito pinanood dahil sikat ang mga bida. Katunayan, hindi na active sa showbiz ang halos lahat ng cast nito maliban kay Gina Pareno (Lola Ganda sa Ikaw lang Ang iibigin), Marc Solis (nasa Ang Probinsyano), Jun Urbano, at Jackie Lou Blanco (nasa Alyas Robinhood).  Pero ang bida talaga rito ay sina Marc (as Omar), Jason Salcedo (as Jubal), Junell Hernando (as Sambag), at Anna Larrucea (as Yasmin).

Note: Lahat ng photo at video na ginamit ay hindi akin at malalaman ang pinagmulan sa pamamagitan pag-click sa bawat isa rito. Maraming Salamat! 


Biyernes, Nobyembre 3, 2017

Philippine Movie Industry is Dying? 10 All-Time Favorite Filipino Films

Nakakalungkot din ang makarinig na kesyo  patay na raw ang Philippine Movie Industry o wala ng magagandang Filipino Films. Pero depende naman 'yan sa sino ang nagsasabi, kasi kung iyong nagsasabi ay hindi naman talaga nanood ng local film the who s’ya para pakinggan?  Anyway, for as long as may  mga filmmakers at film producers na patuloy sa paggawa ng magagagandang pelikula ay patuloy na babangon at  uunlad ang  Pelikulang Pilipino kahit piling-pili pa ‘yan.

By the way, I commend ABS-CBN Film Restoration Project sa pangangalaga ng mga old films (from film to digital), Sa UP Cine Adarna na isa nagpapalabas ng indie at old films, at sa mga film festivals like Cinemalaya at Cinema Rehiyon.  Gayon din ang mga independent movie outfits sa paglalakas-loob na mag-release ng movies kahit walang film festival at  sa normal na araw.  Ilan sa mga ito ay Erasto Films, Bonfire Productions, Artikulo Uno Productions, Reality Entertainment,  Spring Films at ang nakaka-miss na Unitel Pictures

Gusto ko rin na ini-interview na ngayon ang mga  screenwriters kasi before sina Ricky Lee at Roy Iglesias  lang ang kilala ko. Ngayon marami na at sinasama pa sa mga media conferences. Ilan pa sa kinilala kong magaling ay sina Michiko Yamamoto at Chris Martinez. Meantime isa bago kong kinagigiliwan na filmmaker ay si Paul Soriano (maker of Dukot, Kid Kulafu, at Thelma).

My top 10 Favorite Filipino Films 


Kakatwa pero ang inspirasyon ng post na ito ay ang question ng pamangkin ko na anong pinakamagandang pelikula na napanood ko.  Ang hirap sagutin dahil bukod sa marami na akong napanood na maganda,  ay kahit sa isang kategorya at isang artista ay marami  na agad akong naiisip.  So sa Filipino Films na narito ay ilan lamang sa mga paborito ko na unang pumapasok sa isipan ko. Sa mga napiga ko sa utak ay ang mga  nasa post na ito (so puwede naman mag-change ng rank 'di ba) at ni-rate ko ayon sa aking pagkagiliw noong napanood ko, at ngayon na halos nire-review ko na. Magba-blog ako ng separate para sa mga films na hindi ko man personal na favorite ay commendable movie dahil sa ganda o husay. By the way, mahilig talaga ako manood ng old films kaya yung iba rito baka 'di mo siguro alam at now you know! :P

10.  Santa-Santita directed by Laurice Gullen and written by Jerry Gracio, starring Angelica Panganiban and Jericho Rosales, and produced by Unitel Pictures International (2004)

Ito ang launching film ni Angelica Panganiban, which was also one of her projects na nag-shed na s’ya ng teenybopper image (aside from being a child star). Dito ko nagustuhan ang acting n'ya kasi I realized na may ibubuga pa s’ya aside sa paawa effect at pa-girl. Tingnan mo nga naman ngayon, Angelica is Angelica Panganiban.   Samantala, kung aware ka sa Himala ni Nora Aunor at Nakausap ko ang Birhen ni Lotlot de Leon, parang ganoon ang datingan nitong Santa Santita kasi pare-parehong may kinalaman sa aparisyon.

Subalit ang  malaking pinagkaiba  ay pagdating sa karakter ng bida na may bad reputation. Ang pinakanagustuhan ko rito ay acting ng mga aktor sa sitwasyon na inilatag sa kanila.  Alam kong  magaling na si Hilda Koronel (Chayong) at the late Johnny Delgado bilang mga supporting cast, pero nag-stand out talaga sina Angelica at Jericho for me.  In fact, 'di ako impressed before nito sa mga movie and TV projects ni Jericho, pero sa Santa Santita ay napa-wow na ako sa husay n'ya bilang aktor.

The plot is simple- isang babaeng masama sa paningin ng iba pero gumagawa ng banal na mga bagay. Sino ang hindi  mag-iisip na bogus 'di ba?  Pero aside dito, ang nakaka-touch ay ang relasyon ni Malen (Angelica) sa kanyang ina at gaano mo ilalaban ang iyong personal pananampalataya kung masama ang imahe mo sa iba at maging sa iyong sarili? 



  9. Halimaw sa Banga.  Napanood ko lang ito sa TV noong bata ako pero hanggang ngayon ata ay may something pa rin ako sa banga. Ganoon ka effective ang pananakot sa akin ng 1986 film na ito na directed by guest what, Christopher de Leon, at critically acclaimed filmmaker Mario O’ Hara.
Sa title pa lang ay alam mo na agad ang plot at dahil old film ito ay maaano ka sa props/ prosthetic. Pero bes masasabi kong kaya nitong makipagsabayan sa ibang Asian Horror Films.  Walang-wala yung mga batang pinulbusan mula ulo hanggang paa para manakot.  Maganda pati kasi ang kwento sa loob at labas ng banga. Kabuwiset pa yung character dito ni Mario at Liza Lorena.

Actually Twin-bill film ito  na may pamagat na Halimaw, ang first segment ay may title na “Komiks” at ang bida ay si  Ian de leon at pangalawa- “Banga” na bida naman si Lotlot. Pero sorry talagang Halimaw sa Banga talaga ang naalala ko lang. :)


8. Crying Ladies. Lumaki ako sa feeling ng isang ate na Sharonian  at aware na aware ako sa dami ng Mano Po film series pero masasabi ko na after  Pasan ko Ang Daigdig at Sa Hirap ay Ginhawa, sa Crying Ladies ko nasabi na...

·         nagustuhan ko ang acting at character ni Sharon, hindi dahil naimpluwensyahan ako.  
·         Natutuhan ko ang isang Chinese tradisyon (kailangan may iiyak pag may patay) sa paraang na-entertain ako
·         Naka-relate at na-touch ako sa mga  galawang Pinoy sa mahihirap na sitwasyon.
 
Tawang-tawa ako kay Sharon dito at bagay sa kanya ang character.  Ang mapapanood mo rito ay naiibang Sharon at iisipin mo talagang s’ya si Stella Mate. Maganda rin naman performance n’ya sa  Madrasta pero rito ko napatunayan ang comedic timing n’ya.    Basta yung film may kurot sa puso at hagikgik sa nguso. Nakaka-touch yung journey ni Stella bilang mahirap na single mom.  Tawang-tawa ako mag-asawang kapitbahay n'ya ( ang lalaki si Bobot Mortiz) sa itaas na nagdyugdyugan. Wahahahahaa! This film is produced by Unitel Pictures and directed by Mark Meily.

7.  Dahil Mahal Na Mahal Kita starring Rico Yan and Claudine Barretto, produced by Star Cinema. 

Gusto ko rin ang Got 2 Believe na last film ng former reel and real couple na ito. Pero sa lahat ng film nilang dalawa, isama pa ang ibang rom-com films o love drama ng Star Cinema na napanood ko ay  isa talaga ito isa sa may punch pagdating sa flow ng story, acting, at kilig.

Ang story nito ay actually similar (kung 'di man based talaga ) sa Maalaala Mo Kaya episode na kung saan ang bida ay sina Gisselle Tongie at  Mathew Mendoza.  Si Mela (Claudine) ay mula sa average family at kilalang playgirl sa kanilang campus. Tapos magkaka-inlaban sila ni Miguel na mula sa mayaman na angkan at masyadong disiplinado. Plus factor sa kilig sa story ay yung opposite personalities at reputation nila sa school. Pilit silang nakiki-level sa isa’t isa at mas may effort kay girl. Pero dahil nakapaloob sila sa square love relationship at nasabit pa sa  isang iskandalo  si Mela,  kaya nagkaletse-letse na.  Bata-bata pa rito si Claudine Barretto pero ipinakita na n’ya yung flexibility as an actress, habang si Rico ay yung "man of your dream" ang peg. Ayon sa trailer ay ito pala ang first movie nila (siguro after ng first hit series nila na Mula sa Puso).

Okay din ang cast nito na kinabibilanga nina Jan Marini, Lailani Navarro, Diether Ocampo, Marita Zobel, at Jaclyn Jose.



6. Honor Thy Father starring John Lloyd Cruz, directed by Erik Matti and produced by Reality Films.

Sa puso ko hindi ko alam kung abot na nito yung all-time favorite Filipino Movies level ko (mei ganern) dahil bago pa lang (2015). Pero ang dami kong dahilan bakit okay sa akin ito na isinulat ko sa aking 2-part movie review sa film na ito kinabibilangan din ni Meryl Soriano, Perla Bautista, Dan FernandezKhalil RamosBoom Labrusca, Krystal Brimmer, at Tirso Cruz III.
In three words, this film is Mapangahas, Relevant, and Heartwarming.

5. Ang Babae Sa Septic Tank. Kung may isang film na nagsabi sa akin na…
·         Okay manonood  ng cinemalaya films lalo na sa CCP
·         Na-experience mo na ba ang makapanood ng nag-standing ovation lahat ng audience
·         Intelligent comedy
·         Film within a film
·         Mahusay na komedyante talaga si Eugene Domingo

...ay ito ngang Ang Babae sa Septic Tank 1.  Yung comedy dito ay  slapstick yung hindi batukan, sipaan, gigil, at panlalait.  Hindi rin ito comedy na katatawanan na ipinagpipilitan na may moral values.  Ito ang comedy na matatawa ka sa realization ng buhay, sitwasyon, at effectiveness ng acting ng actor.   Magaling din dito si JM de Guzman at Kean Cipriano, plus Cherry Pie PicacheMercedes Cabral, at Jonathan Tadioan.

Ang ganda ng script na sinamahan pa ng malinis na execution ng direksyon at intepretasyon o adlib ng mga actor.


Lunes, Setyembre 25, 2017

Movie Review: Kita Kita Starring Empoy Marquez, Alessandra de Rossi

Indie film Kita Kita produced by Spring Films of Piolo Pascual, Bb. Joyce Bernal,  Ericksonand others doesn’t only enjoyed box office success during its run in the local theaters.  This romantic film starring Alessandra de Rossi and Empy Marquez is also certified highest grossing independent film so far for earning more than 300 million.  I’m glad about this news, even if I wasn’t able to watch the movie in theater. But…
Good thing ipinalabas sa KBO (a pay per view channel) at P3O pesos lang kaya hindi ko na pinaglagpas. At ito na aking short but kasing mabitamina ng repolyo na Kita Kita review charr!

The Good sides of Kita Kita

Simple ang kwento at pagkakalahad.  May mga movie na ang simple lang talaga ng plot pero dinadaan sa sali-saliwang dami ng eksena kaya lalong pumapangit at pilit na pilit daloy (dragging story).  Dito sa Kita Kita  ay simple ang kuwento pero may katok sa puso. Mainam na ang istorya lalo kasi hindi lumalayo sa 2 lead actors ang screen, ang setting, extra, at iba pang elemento.  Kumbaga, ang  may special participation  sa movie na maituturing ko ay ang magagandang pinuntahan nila sa Osaka, Japan at si Saporro ☺

The unusual pairing of AlEmpoy-  Sigurado ako na iilan o wala talagang makakaisip na magta-tandem sa movie sina Empoy Marquez  at Alessandra de Rossi. Nakailang beses na akong nakapanood ng acting drama project ni Alessandra (kasama na ang Hubog with her sister Assunta de Rossi) at gayon din ni Empoy  ( Bride for Rent starring KimXi) pero hindi ko talaga naisip na magsasama sila sa movie bilang love team.  And for this movie and story, swak ang kanilang  imahe, acting, at bihis  from heads to toe.

Comedy scenes are romantic scenes – Siguro sa  dami na rin ng nabasa ko about this film kaya medyo nabawasan na ang dating sa akin ng mga hugot lines. Pero iba rin kapag napanood mo kung paano binitawan at kung maarte. In fairness kay Tonyo (Empoy) talagang literal na niloloko n’ya yung linyahan n’ya.  Kung halimbawa sablay sa iyo yung pickup lines, mararamdaman mo na parang kilala mo lang yung nagsabi sa iyo. Iyong kaibigan mo na kabiruan o kaya taong gusto lang makipag-close sa iyo sapamamagitan ng pagsubok n’yang pangitiin ka.  Kaya nga nakaka-in love ang may sense of humor di ba?

Hugot Lessons – Maraming mapupulot na tips dito mula sa health benefits ng repolyo,  places to visit in Japan,  the bad of effect of stress, and how to win the heart of your crush. Pero ang pinakamahuhugot kong lesson sa Kita Kita ay … hindi mo hawak kung ano ang mangyayari sa iyo sa mga susunod na araw. Kaya ituring mong chance ang bawat sandali na mayroon ka. Mga sandali na makakausap mo yung  taong gusto mo, mga sandali na maaayos mo na ang buhay mo, at mga sandali na makakatulong ka sa ibang tao.


The Bad Side of Kita Kita


Actually wala akong Makita, kung mayroon man ay maliit na bagay na hindi mo na rin papansinin. Pero kung di ka  mahilig sa simpleng love story at gusto mo na mga sikat o naggagandahan/ naggaguwapuhan ang mga bida. Hindi mo magugustuhan ang pelikulang ito.

Miyerkules, Setyembre 20, 2017

Alden Richards sa Alaala: A Martial Law Special

Gusto mo bang mapanood ang isang Alden Richards kung paano niya hamunin ang kanyang acting prowess sa isang malalim na istorya? Ang tinaguring Pambansang Bae sa GMA News and  Public Affairs’ Alaala: A Martial Law Special. Mapapanood din ito sa North America (September 23) and Asia Pacific, Middle East, North Africa, and Europe) sa GMA Pinoy TV.

Commend kay Alden Richards

Lalo na sa supporter ni Alden, better to check out how he tries to evolve as an actor in doing off-beat meaty project like Alaala: A Martial Law Special.  It’s true that a love team makes a young star become popular and bankable. But in my opinion, in terms of artistry you need also to do variety of roles and works to widen your scope. It’s proven din naman sa ibang actors na nagtagal sa industry even after the peak of their love teams. 

In fairness to Alden even before and now with AlDub’s phenomenon, he's open to do unconventional projects. In 2014, he did Carmela opposite Marian Rivera and another GMA News and Public Affairs’ docu-drama Ilustrado which is about Jose Rizal

“Physically, psychologically, emotionally, mentally—mahirap ‘yung role. I’ve never been tortured in any of my roles when I was doing projects with soaps and movies,” pahayag ni Alden na kilala rin bilang half ng AlDub love team sa kanyang role short docu-film.

Doing solo projects doesn’t mean preparing to break free ha. We all know that his team up with Maine Mendoza gives exciting new level for his showbiz career. They’re effective performers and hosts- they both spread good vibes together na napanood din sa big screen My Bebe Love aside sa Eat Bulaga at Destined To Love You

Special short docu-film of GMA News and Public Affairs

Sa Alaala: A Martial Law Special ay gagampanan ni Alden ang isang student –activist noong panahon ng Martial Law na si Bonifacio Ilagan. Sa hindi pa nakakakilala ay totoong tao ay na isa ngayong award-winning screenwriter. Itinaon sa ika-45 anibersaryo  ng martial law declaration ang  special film drama-documentary ng kanyang buhay na siya rin mismo ang sumulat.


Samantala, kasama rin niya sa palabas si Rocco Nacino  na ang karakter na ipo-portray ay ang editor-journalist na si Pete Lacaba. Si Pete at Boni ay magkasama at parehong may istorya sa umano’y masalimuot na napagdaanan nila noong panahon na iyon.  Bahagi rin ng cast sa docu-film na ito sina Bianca Umali at Gina Alajar.


Laman din ng short film na ito ang panayam sa iba pang personalidad na magbabahagi pa ng kanilang opinyon at karanasan noong Martial Law. Kasama na rito si JC Mijares-Gurango na nagsabi ng nalalaman ng kanyang lola Primitivo Mijares lalo na sa umano’y “conjugal dictatorship.” Ang salaysay ni Kim Rodrigo (anak ni Sen. Soc Rodrigo) sa laban ng oposisyon kontra sa diktatorya.

At this time that watching a film is sort of expensive and it’s very rare to see docu-films (like Sunday Beauty Queen), better to watch this special. It’s cool for students, not only for historical value, but also for film study.  The attack for true-to-life accounts and for very sensitive historical issues like this is different.  It’s also good thing also that GMA News and Public Affairs does docu-dramas, it’s both informative and entertaining for diverse types of audience.

Ang Alaala: A Martial Law Special ay unang ipinalabas sa noong September 17 sa GMA News channel 11.


Mabuhay! 

Martes, Setyembre 19, 2017

After Maging Darna at Inang Reyna, Marian naging Super Ma’am

Magsisimula na ang another telefantasya ng GMA ang Super Ma’am starring Kapuso Primetime Queen Marian Rivera-Dantes.  Kumpara sa ibang lumabas ng fantasy series ay hindi remake or adaptation ang Super Ma’am na pinagbibidahan din nila Kim Domingo, Meg Imperial, Kristopher Martin, Joyce Ching,  Jackie Lou Blanco, at Helen Gamboa. Introducing at leading man n’ya rito ang Fil-American model na si Matthias Rhoads.

Kapalit nga ng mga taong-ibon  ng Mulawin versus Ravena  top billed by  Dennis Trillo, isang guro na may power na maging “tamawo slayer” ang bibida sa series ni Marian.  Kung hindi  ako nagkakamali ay ito pa lang second time ng misis ni Dingdong Dantes mag-solong bida sa fantaserye o gumanap na superhero. Yes after ng kanyang Darna stint noong 2009-2010 at ng kanyang special participation sa requel ng Encantadia.  Pero sa big screen ay nakailan na rin na fantasy films si Marian isa na rito ang version niya ng Inday Bote  

Bukod sa kapana-panabik para sa kanyang mga fans ang kanyang pagbabalik, inaasahan din ang umaatikabo  n’yang fighting scenes laban sa mga Tamawo. Teka ano mga to?



Ang mga tamawo ay ‘di umano mga mahiwagang mga nilalang na may pakpak at kayang magpalit anyo. Trip nila ang magnakaw ng mga kabataan para gawing source kanilang enerhiya.  Ang lider ng mga Tamawo ay si Greta Segovia (Jackie Lou) na nagbabalat-kayong mayaman at mabait donor sa paaralan na kung saan maestra sina Minerva Henerala (Marian), Jake (Enrico Cuenca), at Rose (Ashley Rivera), asst. principal si Jessica (Meg), janitor si Esteban (Jerald Napoles), at principal si Lailani (Shyr Valdez). Samantala, narito rin si Carmina Villaroel bilang si Ceres na may kinalaman sa makapangyarihang sandata ni Super Ma’am- ang buntot pagi.


Kasama rin sa cast sina  Al Tantay (tatay Chaplin Henerala), Julius Miguel (bro Bixby Henerala),  Jillian Ward (genius Michelle), Ash Ortega (Kristy), Marika Sasaki (Dina),Vincent Magbanua (Eric), at Ralph Noriega (Onin), Kevin Santos (Casper), Isabelle de Leon (Rafa), Andrew Gan (Keno), at Ms. Dina Bonnevie na gaganap na na si Raquel Henerala, ina nina Minerva.

Isa sa interesanteng twist sa story din ay ang relasyon ng karakter ni Kim kay Super Ma’am. Gagampanan n’ya kasi ang nawawalang kapatid ni Minerva na si Mabelle Henerala na pinalaki ni Greta at makaka-love triangle n’ya sa American archaeologist- writer na si Trevor Jones (played by Matthias).
Kim Domingo gaganap na sister ni Marian  (Credit: GMA )

In between sa love, family, kabutihan laban sa kasamaan- maganda rin tingnan ang  maipapakitang pagkilala ng programa sa role ng mga guro. Sa totoo lang din kasi, ito ang propesyon na hindi lamang tungkol sa pasyon kundi bokasyon. Mainam nga  na sa pagkakataon na ito ay maipakita naman ang nature at nagagawa ng kanilang propesyon sa lipunan.

Mapapanood ang bagong serye na ito pagkatapos ng news program na 24 Oras. 


Mabuhay!  

Miyerkules, Agosto 23, 2017

5 Reasons Why I’m rooting for MayMay Entrata’s success in showbiz

Due to power of social media and new generation of fans, showbiz careers of today’s young stars face more challenges. I believe they experience much pressure than their counterparts before, particularly in   “bashing” and fake news.”  In fact, it’s not only the gossip writers or their rivals who do it but any netizen.  This is why I’m rooting for Maymay Entrata’s, the Pinoy Big Brother (PBB) Lucky Season 7 winner, success in showbiz industry. Here are my 5 strong reasons:

Note: I would like to clarify that this post doesn’t pertain nor intend to harm anyone else. I’ts not in my nature to bring someone down to lift the other. These are just my  opinions about Maymay, issues on young adults and culture on social media. Thank you!
Credit: Instagram/ @maymay_entrata0506

1. Rise up extra-ordinary Probinsyanas!

I don’t bite contestants who use their poverty to shine especially in a talent search (show me your talent po!). But I believe that there are ordinary Filipinos all over the Philippines who are more interesting/ inspiring to feature than what we usually see on TV. 

As for Maymay, she also represents ordinary girls from Cagayan de Oro, Camiguin, and Davao or Mindanao. In fact, I don’t know much about CDO before except it’s also a place where Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach was born and it’s one of the fastest rising business districts outside Metro Manila.   Meantime, what I only know in Camiguin is its sunken cemetery (because of an old movie Ikaw Lang Mamahalin Camiguin starring Gelli de Belen).  

I know that not all people from Camiguin, CDO, or Davao are as wacky, as fanatic, or as slim as Marydale Entrata is. But she’s a sample of ordinary girls from Mindanao. Are they friendly or hospitable? Do they like entertainment or workaholic?  There are maybe more interesting than the PBB 7 winner, but her triumph can inspire ordinary probinsyana girls to keep on dreaming and don’t mind the boundaries or conformists. In fact, it’s high time to embrace where we from and flaunt what we’ve got.  If Maymay Entrata can, we can do it too!

In the report of Abante Online, Maymay had a courtesy call in the senate on March 15. Senate President Koko Pimentel commended that the 20-year old Reality Show winner is an inspiration to many.
The courtesy call  (Credit: Instagram/ @maymay_entrata0506)

2. Filipina Feature is Filipina Beauty! 

I’m sad than some bashers call her ungoy (monkey), undin (I don’t know where this term come from except from a movie of Regal starring Manilyn Reynes), or ugly.  I feel sad for those who have similar features with Maymay na majority of Filipinos! So if you’re pango (doesn’t have pointed nose) and maitim (tan or dark skin), you’re already ugly? You have no right to enter showbiz? And if you find a person so pango and maitim, you have the right to ridicule him/ her?  Ridiculous! Are you insulting your ancestors and your Filipino blood ( tell me any instances in Philippine history na mestiza na bago pa dumating ang mga Espanyol)? We can’t accept if foreigners call us brown monkey, but it’s okay if we do it with our fellow Filipinos?

 I understand that each of us has own idea of beauty, but if you INSULT/ BASH someone (kahit hindi pa si Maymay) because you only find her not pretty isn’t that make you the real ugly? It tells also something about your culture (background, mindset, struggle, and aspiration). If you spend too much of your time bashing..  
  • siguro kumikita ka man lang bilang  Troll / 
  • you have dark side
  • or  worst wasting your energy/time . (Please join  networking kikita ka pa) :P



I believe Maymay’s physical features is extra-ordinary, head turner, and a sample of pure Filipina beauty.  IMHO, she’s also a ramp model material and it’s nonsense to bash her look because

 conversation with Mccoy De Leon
 conversation with Jinri
… Maymay wows magazine editors and if you’re not a beauty expert anyway. 



3.  We need talented celebrities with good personalities

 In connection to item number 2, I find those who judge actors (based only on their physical features) don’t really appreciate real art and entertainment. 

IMHO in showbiz- beauty and popularity fade, but not those talented with good attitude.  You can only enjoy popularity 1-5 years, but if you don’t prove your worth as an actor - bye! At the end of the day, the management and the network need to keep their business running by removing those who don't add value on their sales and reputation.

I am not saying that Maymay is best in acting, has the finest voice, and a dancing queen. She needs more workshops or training to hone her skills. The important thing here, she has potentials (I like her unique voice quality and dance move) and it seems that she has good working attitude. If you’re willing to learn and adapt for good reasons, cool - I guess that’s the secret to enjoy long successful  showbiz career.

Sabi nga raw ni Charles Darwin ayon sa tsika ni Leon C. Megginson:  
“It is not the strongest of the species that survives, nor the most intelligent that survives. It is the one that is the most adaptable to change."


Great Example? Madonna!

And fans should be careful whoever they choose to support, admire, and consider heroes. Because their heroes gonna play vital roles  of who they are right now, and who they will be in the future.

“We need heroes because they help define the limits of our aspirations. We largely define our ideals by the heroes we choose, and our ideals—things like courage, honor, and justice – largely define us.  Our heroes are symbols for us of all the qualities we would like to possess and all the ambitions we would like to satisfy.” – U.P. Professor Felipe M. De Leon (Agung XIX No. 4).  



4. It’s time to take a Funny girl seriously
In the two leading TV networks or any movie outfits, I don’t know any young female who is popularly known for being natural funny or comedienne. Yes, a good actor can be funny too given the good motivation and script (Hi John Lloyd Cruz, Maja Salvador, Toni Gonzaga, and Eugene Domingo!).  I think being wacky/ funny is one of the edge of Maymay to stand out among her contemporaries.  Given the right materials, she can even change the image of usual comedy in the Philippines which is more slapstick and mocking.   Want to know how? Watch Ang Babae sa Septic Tank, It Started with A Kiss (Ariel Lin), and Successful Story of Bright Girl/ My Love Patzzi (Jang Nara). I like character driven story!

As for her love team, Edward Barber, he’s a good leading man for her. Opposite attracts and differences make each one of them stand out?  Serious guy meets funny girl!   May I add that showbiz also need a young serious action female star today after Angel Locsin. I hope Kylie Padilla goes back to her root, and Liza Soberano pulls off her Darna stint. By the way, I am also watching La Luna Sangre - Kathry Bernardo is doing well.

Isa ito sa nadale ako sa acting prowess ni Marydale since these are all impromptu






5.  You see yourself in her – be as a best friend/ daughter/ granddaughter/ fan/

In my observation, Maymay garners fans in different part of the globe (especially OFWs) not only because she’s amusing. Her fans and other casual viewers can relate to her as…

·         A daughter of an OFW, 
·         a daughter  who grew up without the presence of her biological father (Broken family)
·         a student who do anything to have  education ( applied to scholarship)
·         a  teenager who experience ups and  down of young romances
·         a fan girl who becomes hilarious when she her idols
·         a granddaughter / daughter who just want to have better life for her family
·         a dreamer who just want to sing, dance, act, or join in a contest
·         a sociable/ friendly  girl



And it’s not gonna be hard to believe if ever Maymay will portray similar roles that I mentioned above. She already had experiences so may paghuhugutan.  In truth, it’s distracting to see ultra-beautiful and handsome guys in slum areas or in something gloomy situations.  Especially those appear with “sosyal” tone and “I woke up like this makeup” they may ruin the authenticity of the situation lalo na if sablay ang acting.  As a moviegoer/ cinephile, I admire actors who can imbibe their characters that as if you feel they’re different persons.  Ah I salute method actor or do anything to fit in their roles like Daniel Day Lewis, Christian Bale, John Lloyd Cruz, Kate Winslet, and Renee Zellwegar) .