Sa
media conference ng Hintayan ng Langit ay
nakapanayam ko ang award-winning actress na si Tita Gina Pareño. Natanong ko
s’ya tungkol sa kanyang pagiging artista, sa role n'ya sa Magic Temple, at Coco Martin. Sa maiksing exclusive q an a
portion na 'yon, masasabi ko na isa s’ya sa pinakanakakalokang at nakakaaliw na interviewee ko bilang blogger.
Roller coaster ang emotion, Bai!
Sino si Gina
Pareño?
Isa
sa childhood
favorite Filipino film ko ay Magic Temple
at dito ko nakilala si Tita Gina Pareno. Tuwa-tuwa ako sa kanya bilang si Telang Bayawak, isang manggagamot o
manggagway, na nakatira sa bahay kubong naglalakad. Galing na galing ako sa
komedya n'ya doon at sa Kasal Kasali
Kasalo nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Pero kahanga-hanga rin na mahusay s’ya sa
drama. Ilan na nga sa patunay dito ay
natangap niyang best actress awards para sa kanyang pagganap sa Kubrador (2006 film by Jeffrey Jeturian at naka-5 awards dito si Tita Gina) at Serbis (2008 film by Brillante Mendoza).
‘Loko
ang hirap noon ha,” tsika sa akin ni Ms. Gina nang ipaalala ko role niya sa
Magic Temple.
Nang
tanungin ko siya paano n’ya nagagawang iarte n’ya ang ganoong role, sinabi
naman niyang kinakalimutan niya ang kanyang sarili.
“Basta
hindi ikaw si Gina, hindi ka ano [movie star], basta ipo-portray mo ang
character na iyon [gaya ng Telang Bayawak] doon ka sasakay,” saad ng bida sa Darna at Ang Planetman (1969)
A proof that talented artist can comeback
Kung
si JM de Guzman ang ginawaran ng The Great Comeback award sa 2018 RAWR awards, siguro kung nag-exist na ito dati ay isa sa
unang nabigyan (o hirangin ng Queen of Great Comeback) nito ay si Ms. Gina. Bakit?
Noong
uso pa ang showbiz oriented shows gaya ng The
Buzz, S Files, Startalk ay naalala ko may mga napanood
akong negatibong isyu sa kanya o file.
Isa rin kasi s’ya sa pasaway na artista noong kanyang kabataan at inamin
n’ya ito sa interview. Nang basahin ko
ang profile n’ya sa IMDB at ulat
ng Inquirer.net ay ilang beses na pala syang nadapa na kung sa ibang
movie stars nangyari ay goodbye career na.
pero nagawa n’yang bumangon, at makabalik sa Showbiz.
- Nabuntis sa kanyang kasikatan
- 1968 nang mabuntis s’ya kasabay ng pagso-shoot pa man din ng kanyang
launching movie na “Mama.”
- Nakabalik at Nag-Darna pa noong 1969 – Nasa Darna TV series din s’ya ni Angel Locsin at gayon din sa Darna movie DAW ni Liza
Soberano ayon sa IMDB
- Naging pantasya pa ng bayan noong
70s hanggang 80s. Kasama siya sa Working
Girls ni Ishmael Bernal.
- Nalulong din s’ya noon pero gumaling at heto na nga patuloy na abala at kinilala sa kanyang
pagiging artista
Sa
exclusive interview ko sa kanya, nabanggit ni Ms. Gina na sa mga napagdaanan
niya mismo siya humuhugot sa madadramang
eksena.
“Mahirap, pero sa mga napagdaanan ko sa buhay ko noon pa, marami akong puwedeng
paghugutan na hindi na ako galit sa panahon ngayon. Tapos ko na iyon, na-absorb ko na iyon. Pero
mabilis akong humugot kasi marami akong beses na nasaktan,” ang maluluha n’yang
paliwanag kung saan s’ya kumukuha ng lalim sa mabibigat na eksena.
A Veteran Versatile and Adaptable
actress
“Masayang
part ng pag-arte ko ay ‘pag natsa-challenge ako ay nasisiyahan ako,” ito naman
ang sagot n’ya sa happiness ng kanyang showbiz career.
Anya
wala rin s’yang pipiling makasama, bata o matanda, basta ang gusto n’ya lang ay
umaarte siya.
Bukod
sa Magic Temple ay makailang beses ko
rin s’yang napanood sa mga teleserye na nagkakataon ay nandoon sina Kim Chiu,
Gerald Anderson, Jake Cuenca, at Coco Martin. Kung tama ako ay Tayong Dalawa ang title (alam ko
more than two series na silang nagsama-sama sila). Ito ata iyong programa na
mag-lola sila at suwail ang role ng ngayo’y bida sa Ang Probinsyano. Sa promo noon sa ASAP, naobserbahan
ko na close sila ni Coco kaya natanong ko s’ya kung gusto niya pa ulit makasama si Coco at ano
ang masasabi n’ya tungkol dito.
“Gustong-gusto
ko s’yang maka-work ulit. Ibang-iba na kasi ang Coco Martin ngayon. Ang Coco
Martin ngayon ay sobrang responsible at ibang-iba na. Nakakatuwa siya kasi
iyong pamilya niya iniisip n’ya, masipag s’ya. Sabi ko nga s’ya na nagdidirek,
iba ang bayad n’ya, siya pa ang aktor. Sobrang sipag at napakabait sa tao.
Gusto ko s’ya,” ang kwento’t papuri ni Ms. Gina.
Sayang nga lang at hindi siya nakasama sa Ikaw Lamang na pinagbibidahan nina Kim
at Coco. (Iyon kasi ang huling nabuo
kong panoorin na teleserye, bago ang La
Luna Sangre. Hehehe!).
Reflection:
Sa pagsasaliksik ko sa kanyang
profile at sa aking interview ay napagtanto ko na may nadadapang
celebrity dahil tao rin sila at wala naman perfect.
Pero may gaya ng isang Gina Pareño na kayang magbago, magbalik, at gawing motivation
ang kanyang nakaraan para mapaghusay ang sarili.
Pinapatunayan din ng gaya n’ya na basta talentado at matutong mahaling ang traabaho makakabalik at makakabalik sa showbiz. Hindi nga lang “comeback” ang tinibag ng husay bilang artista, ito rin ang susi ng kanyang longevity sa industriya. Alaalahanin natin sino na lang ang veteran actress from 60s ang nakakapagbida pa.
Pinapatunayan din ng gaya n’ya na basta talentado at matutong mahaling ang traabaho makakabalik at makakabalik sa showbiz. Hindi nga lang “comeback” ang tinibag ng husay bilang artista, ito rin ang susi ng kanyang longevity sa industriya. Alaalahanin natin sino na lang ang veteran actress from 60s ang nakakapagbida pa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento