Pages

Miyerkules, Disyembre 5, 2018

Gina Pareño Natutuwa kay Coco Martin, May Hugot sa Nakalipas


Sa media conference ng Hintayan ng Langit ay nakapanayam ko ang award-winning actress na si Tita Gina Pareño. Natanong ko s’ya tungkol sa kanyang pagiging artista, sa role n'ya sa Magic Temple, at Coco Martin. Sa maiksing exclusive q an a portion na 'yon, masasabi ko na isa s’ya sa pinakanakakalokang  at nakakaaliw na interviewee ko bilang blogger.  Roller coaster ang emotion, Bai! 



Sino si Gina Pareño?


Isa sa childhood favorite Filipino film ko ay Magic Temple at dito ko nakilala si Tita Gina Pareno. Tuwa-tuwa ako sa kanya bilang si Telang Bayawak, isang manggagamot o manggagway, na nakatira sa bahay kubong naglalakad. Galing na galing ako sa komedya n'ya doon at sa Kasal Kasali Kasalo nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.  Pero kahanga-hanga rin na mahusay s’ya sa drama.  Ilan na nga sa patunay dito ay natangap niyang best actress awards para sa kanyang pagganap sa Kubrador (2006 film by Jeffrey Jeturian at naka-5 awards dito si Tita Gina) at Serbis (2008 film by Brillante Mendoza).  

‘Loko ang hirap noon ha,” tsika sa akin ni Ms. Gina nang ipaalala ko role niya sa Magic Temple.



Nang tanungin ko siya paano n’ya nagagawang iarte n’ya ang ganoong role, sinabi naman niyang kinakalimutan niya ang kanyang sarili.  


“Basta hindi ikaw si Gina, hindi ka ano [movie star], basta ipo-portray mo ang character na iyon [gaya ng Telang Bayawak] doon ka sasakay,” saad ng bida sa Darna at Ang Planetman (1969)


A proof that talented artist can comeback

Kung si JM de Guzman ang ginawaran ng The Great Comeback award sa 2018 RAWR awards,  siguro kung nag-exist na ito dati ay isa sa unang nabigyan (o hirangin ng Queen of Great Comeback) nito ay si Ms. Gina. Bakit?

Noong uso pa ang showbiz oriented shows gaya ng The Buzz, S Files, Startalk ay naalala ko may mga napanood akong negatibong isyu sa kanya o file.  Isa rin kasi s’ya sa pasaway na artista noong kanyang kabataan at inamin n’ya ito sa interview.  Nang basahin ko ang profile n’ya sa IMDB at ulat ng Inquirer.net ay ilang beses na pala syang nadapa na kung sa ibang movie stars nangyari ay goodbye career na.  pero nagawa n’yang bumangon, at makabalik sa Showbiz.

  • Nabuntis sa kanyang kasikatan - 1968 nang mabuntis s’ya kasabay ng pagso-shoot pa man din ng kanyang launching movie na “Mama.”
  • Nakabalik at Nag-Darna pa noong  1969 – Nasa Darna TV series din s’ya ni Angel Locsin at gayon din sa Darna movie DAW ni Liza Soberano  ayon sa IMDB
  • Naging pantasya pa ng bayan noong 70s hanggang 80s. Kasama siya sa Working Girls ni Ishmael Bernal.    
  • Nalulong din s’ya noon pero gumaling at heto na nga patuloy na abala at kinilala sa kanyang pagiging artista

Sa exclusive interview ko sa kanya, nabanggit ni Ms. Gina na sa mga napagdaanan niya mismo  siya humuhugot sa madadramang eksena. 

“Mahirap, pero sa mga napagdaanan ko sa buhay ko noon pa, marami akong puwedeng paghugutan na hindi na ako galit sa panahon ngayon.   Tapos ko na iyon, na-absorb ko na iyon. Pero mabilis akong humugot kasi marami akong beses na nasaktan,” ang maluluha n’yang paliwanag kung saan s’ya kumukuha ng lalim sa mabibigat na eksena.

                                                   
Ms. Gina with Eddie Garcia and Dir.  Dan  Villegas sa  Hintayan ng Langit Media  Conference 
                                                                     

A Veteran Versatile and Adaptable actress


“Masayang part ng pag-arte ko ay ‘pag natsa-challenge ako ay nasisiyahan ako,” ito naman ang sagot n’ya sa happiness ng kanyang showbiz career.

Anya wala rin s’yang pipiling makasama, bata o matanda, basta ang gusto n’ya lang ay umaarte siya.

Bukod sa Magic Temple ay makailang  beses ko rin s’yang napanood sa mga teleserye na nagkakataon ay nandoon sina  Kim Chiu, Gerald Anderson, Jake Cuenca, at Coco Martin. Kung tama ako ay Tayong Dalawa ang title (alam ko more than two series na silang nagsama-sama sila). Ito ata iyong programa na mag-lola sila at suwail ang role ng ngayo’y bida sa Ang Probinsyano.  Sa promo noon sa ASAP, naobserbahan ko na close sila ni Coco kaya natanong ko s’ya kung gusto niya pa ulit makasama si Coco at ano ang masasabi n’ya tungkol dito.

“Gustong-gusto ko s’yang maka-work ulit. Ibang-iba na kasi ang Coco Martin ngayon. Ang Coco Martin ngayon ay sobrang responsible at ibang-iba na. Nakakatuwa siya kasi iyong pamilya niya iniisip n’ya, masipag s’ya. Sabi ko nga s’ya na nagdidirek, iba ang bayad n’ya, siya pa ang aktor. Sobrang sipag at napakabait sa tao. Gusto ko s’ya,” ang kwento’t papuri ni Ms. Gina.

 Sayang nga lang at hindi siya nakasama sa Ikaw Lamang na pinagbibidahan nina Kim at Coco.  (Iyon kasi ang huling nabuo kong panoorin na teleserye, bago ang La Luna Sangre.  Hehehe!).  


Reflection

Sa pagsasaliksik ko sa kanyang profile at sa aking interview ay napagtanto ko na may nadadapang celebrity dahil tao rin sila at wala naman perfect. Pero may gaya ng isang Gina Pareño na kayang magbago, magbalik, at gawing motivation ang kanyang nakaraan para mapaghusay ang sarili. 

Pinapatunayan din ng gaya n’ya na basta talentado at matutong mahaling ang traabaho makakabalik at makakabalik sa showbiz. Hindi nga lang “comeback” ang tinibag ng husay bilang artista, ito rin ang susi ng kanyang longevity sa industriya. Alaalahanin natin sino na lang ang veteran actress from 60s ang nakakapagbida pa.








Biyernes, Nobyembre 23, 2018

Deserving, Expected? JM, MayWard, at Kathryn sa 2018 RAWR Awards Part 2


Matagumpay na naidaos ang 2018 RAWR Awards ng LionHearTV sa Le Rêve Pool and Events Place Quezon City kamakailan. 25 Awards ang ipinamahagi at kabilang sa nakatanggap ay si Jessica SohoVice GandaMayWard, pelikulang The Hows of Us, at si  Kathryn Bernardo.  Sinong deserving at expected manalo? Narito ang aking personal na kuro: 

RAWR Awards Highlights II


Deserving.

JM De Guzman won The Great Comeback award, which deserved na igawad kanya at sa mga taong nakapaligid sa kanya.  Sa acting, karisma, at hard work ni JM ay hindi naman nakakapagtaka makabalik s’ya.




 Bukod sa talent at skill, aba commitment at hard work din ang puhunan sa pagiging anchor ng isang programa. At napapanood ko naman ang dedikasyon nila Vice Ganda (Favorite TV Host), Jeff Canoy  (Male News Personality of the Year ), DJ Jhai Ho (Favorite Radio DJ), at Jessica Soho (Female News Personality of the Year) kaya karapat-dapat na magawaran ng parangal ang mga gaya nila. 





Ganoon din ang masasabi ko sa kinilalang Love Team of The Year at Fans Club of the Year.   Ang MayWard Love Team ay nabuo at sumikat sa 7th season ng Pinoy BigBrother.  Nakakatuwa na after ng stint nila sa reality show ay may naipakita pa silang talent, skills, charm, good working attitude.  Isa pa ay  grabe rin  sold out concert,  pelikula,  albums, brand endorsements, magazine covers,  at foundation nina  Maymay  Entrata at Edward Barber. Ito ang latest pa nga ay ang pagrampa ni Maymay sa Arab Fashion Week. Parang hindi ko naman ata  kailangan na maging MayWard fan muna, para mapansin at ma-appreciate ang  mga wow na ganap sa kanilang career.



Naniwala lang ako, na siguro kaya may ganitong thriving career ang MayWard ay dahil positive features nila.  Sabi nga ni Chinkee Tan:” Positive Mindset + Positive Action = Positive Result.   At s'yempre isa sa dahilan ng bongga nilang career ay ang kanilang fans. Last year sa RAWR Awards nakasabay ko sila, grabe oi ang pagka-supportive nila. Sa totoo lang dahil sa kapapanood ko ng YT videos na  may MayWard ay namumukhaan ko na sila kung makikita ko sila sa personal. Nung nakita ko 'yong dalawang pamilyar ay nasabi ko talaga- “aha darating ang MayWard!”




No Doubt.

Samantala hindi ko ipinagtaka at somehow ini-expect kong manalong The Advocate si Angel Locsin (Red Cross), Favorite Newbie si Donny Pangilinan, Movie ng Taon ang ‘The Hows of Us, Favorite Performer si Morissette Amon (Morissette is Made), Bibo Award si Ella Ilano (Sana Dalawa Ang Puso), Best Actor si Joshua Garcia (The Good Son), at Favorite Bida (La Luna Sangre) at Best Actress (The Hows of Us) si Kathryn Bernardo.






Samantala, narito pa ang ibang nanalo sa 2018 RAWR awards


·         TV Station of the Year – ABS-CBN
·         Radio Station of the Year – Barangay LS 97.1
·         Brandspeak - Smart Communications Inc. and OPPO
·         Hugot Song of the Year – Mundo – IV of Spades
·         PR of the Year – Ripple 8, Strategic Works, Abs-CBN Corporate Communications and Spark It! PH
·         Trending Show of the Year – It’s Showtime
·         Favorite Group - Hashtags
·         the Royal Cub - Kris Aquino    (“The Royal Lion Award  is a distinct honour for someone who has shown courage beyond all odds. “)



Side note Bilang Blog Media Partner


I’m grateful na maging bahagi ng RAWR awards and happy for Richard Paglicawan and his LionHearTV.net team. He’s one of the pleasant bloggers, sila ni Flow Godinez, na madaling kapalagayan ng loob kahit ‘di pa kayo masyado magkakilala.  Sa ganoong impression, kasama na ang kanilang istorya at misyon ay nakakatuwa makita silang nagtatagumpay. By the way, naaliw ako kay Ian Heneroso bilang announcer ng nominees and winners.

Ang 2018 RAWR Awards ay suportado ng PLDT Smart at ka-partner sa tagumpay nito ay ang Le Rêve Pool and Events Venue and CVJ Food Corporation.  Thank  you din  Lalamove PhilippinesHome Credit PhilippinesBrother PhilippinesCAT PRVoyager Innovations, The Huddle Room, Greenbulb Communications, CID CommunicationJollibeeMode DeviStarbucks Philippines, AkrotiriCopperazoFuentes ManilaCoffee Lab, at DOJO PR.

Sa ibang banda, na-touch din ako sa pa- tribute ng LionHearTV.net para sa mga bloggers/ vloggers na pumanaw na.  Wala akong gaanong  kilala sa mga iyon, pero may katok sa puso. Ipinapaalala noon na sa likod ng social media, online platforms, camera, at mga  events ay buhay.  Isa pa'y marami rin akong nakasabayan na hindi ko na alam kung anong nangyari sa kanila. 




Huwebes, Nobyembre 22, 2018

Breakthroughs of Tony, Kyline, Darren, at Maine - 2018 RAWR Awards Part 1


Successful and touching ang 2018 RAWR awards ng LionHearTV na ginanap sa Le Rêve Pool and Events Place Quezon City. Kabilang sa mga umalingawngaw na pangalan sa entablado ay sina  Darren EspantoTony Labrusca, Kyline Alcantara, TNT Boys, at Maine Mendoza.  Ang host ng gabi ng parangal si KaladKaren Davila at ang Modern Filipiniana ang tema ng gabi ng RAWR.

 Ito ang ika-apat na taon ng pagbibigay parangal ng LionHearTV para may  ‘impact’ sa local entertainment.  Gayon din ng pagsama-sama ng bloggers, brand partners, PR agencies, at celebrities. Ito naman ang ikalawang beses na makadalo rito at maimbitahan ang Hoshilandia/ InTheEZone na maging media partner. 

RAWR Awards Highlights:


The Early Birds

Ang isang unang namataan (na nakilala ko agad) kong dumating  ay ang TNT Boys. Sila ang ginawaran ng Royal Cub award  na para sa mga tao/ grupo na nagpamalas ng kanilang talento at galing sa  buong mundo.  Matatandaan na ang grupong ito nina Keifer Sanchez, Mackie Empuerto, at Francis Concepcion ay naimbatahan sa international show na Little Big Shots US, UK, at Australia.  Sila rin ang nanalo sa 2nd season ng Your Face Sounds Familiar Kids Philippines.



Early Bird din si Jeffrey Hidalgo. Sa hindi nakakakilala si Jeffrey ay isa sa 4-member Smokey Mountain singing group na binuo noon ng National Artist for Music Ryan Cayabyab. Apparently ay  nandoon s'ya para sa award na nakuha ng programang Inday Will Always  Love  You, na isa s'ya sa cast member. Ang nasabing Kapuso show, na pinagbibidahan ni Barbie Forteza at Derick Monasterio,  ay ang nanalong Bet na Bet na  Teleserye (  Best TV Series). Nang tinanggap ang nasabing parangal ay kasama niya ang cast and  crew ng show, kaabilang na ang veteran actress na si Nova Villa.






Si Jeffrey din ang umakyat para kay Kimpoy Feliciano, kasama n’ya sa Inday, na nanalong Digital Influencer of the Year.  





Who Breakthrough  in Showbiz?



May award for Breakthrough Artist of the Year at napunta iyon kay Tony Labrusca.  From being finalist sa Pinoy Boyband Superstar ay nakilala na nga husto si Tony. Personally nakilala ko na s’ya bilang Jake sa La Luna Sangre at pagkatapos noon ay nakilala ko na sya bilang endorser ng McDo ( kasama si Elise Joson) at bilang  isa ipinapares kay Kisses Delavin ( or KissTon).  Pero I think iba rin ang punch nitong mapangahas na movie n’ya with Angel Aquino. To accept that daring role sa Glorious (Dreamscape Digital Entertainment), wow mukhang gusto ngang breakthrough ni Tony sa stereotype projects for his age (23).





 Maliban sa kanya, ang bumi-breakthrough din si Kyline Alcantara na nanalo bilang Favorite Kontrabida para sa programang Kambal Karibal.  May angas itong batang ito para sa edad niyang 16 at para sa akin ay maganda ang naiibang simula ng kanyang career sa Kapuso Network.  You know basagin ang ma-typecast sa paawa at pahinhin na role. Kasi sa totoo lang mas mahirap makawala sa ganoong imahe (will blog about soon).  And good thing din na she can also sing pala at nagka-concert s’ya.





Kasama rin sa linyahang ito si Darren Espanto, na nag-uwi  ng  Beshie ng Taon (Best Supporting Actor for The Hows of Us)  I wished na sana dumalo siya sa 2018 RAWR awards kasi  last year pinagsisihan ko na hindi nakapagpa-picture sa kanya, hehehee.   Saka gusto ko sana s’ya ma-interview this time kasi parang ang cool ng gawa n’ya these days.  May feeling ako na binabasag din niya yung limitations n’ya bilang mere singer/ balladeer. No doubt na magaling na singer sa Darren pero ang okay din ang mga dance moves n’ya ha, pati na iyong pagsubok niya sa acting. Tingnan mo nga naman, unang arangkada pa lang may wagi na agad.




Para rin manalo na Pak na Pak na Comedian si Maine Mendoza ay something breakthrough din.  Well alam natin na isa s’yang famous TV personality, social media influencer, at effective brand endorser. Pero napapansin ko sa kanya ay she knows what and where she can deliver well, ‘yon na nga hosting at comedy. Sa kahenerasyon sa showbiz at kaedadan n’ya walang umaariba sa comedy at hosting.  Kung iyon man ay limitation sa iba,  hindi para sa isang gaya ni Maine na pak na pak sa kanyang ginagawa.


Sabado, Oktubre 6, 2018

Ipinalo na ang ibig sa RAWR Awards 2018


Kasado na ang pinakahihintay na RAWR Awards 2018 ng LionHearTV.net na gaganapin sa November 14 (6pm) sa Le Rêve Pool Party Venue and Events Place. Kung ganoon ay humanda ng makibaka, puwede ring maki-lion, para ipinalo ang iyong ibig dahil sa husay nito sa nakalipas na mahigit 12 buwan.

Teka anong meron sa RAWR Awards?

Ang RAWR Awards ay award-giving body na suportado ng Pinoy blogging community, gayon din ng PR groups at fans club na mga.  Ang layon nito ay kilalanin ang mga kumikinang na bituin sa lokal showbiz at maging daan para mapagbuklod ang ibat ibang grupo naa may iisang pasyon. Ang RAWR Awards din ay simbolo ng pasasalamat at selebrasyon ng LionHearTV.net sa suportang kanilang natatanggap mula sa simula.

Ngayong #RAWRawards2018, ang partners ng LionHearTV ay PLDT Smart and Le Rêve . Dagdag na rin sa mga ito ang  Lalamove Philippines, Home Credit Philippines, Brother Philippines, CAT PR, Voyager Innovations, CID Communication, Jollibee, Mode Devi, Starbucks Philippines, Akrotiri, Fuentes Manila, and DOJO PR.

 Eh sino-sino ba pagpipilian mo sa #RAWRAwards2018

May tatlong kategorya sa RAWR Awards at 25 tropeo ang nakahandang igawad na kampeon sa puso ng marami.  Kung sino-sino ang kinilala, magkakatunggali, at puwede  mong maipapanalo mo ay  narito ang listahan:

Unang kategorya: Cub

·      Bibo Award o Brightest Child  Star


Nominees                             Programs
Baeby Baste
Eat Bulaga
Xia Vigor
The Kids Choice
Chunsa Jung
Your Face Sounds Familiar Kids Edition
Elia Ilano
Sana Dalawa Ang Puso
Leanne Bautista
The Cure
Yuan Francisco
Victor Magtanggol
Justin James Quilantang
Playhouse
Sofia Pablo
Onanay



·      Favorite Bida o lead star of a film/ TV

Nominees                   Programs/ Films
Coco Martin
FPJ’s Ang Probinsyano
Alden Richards
Victor Magtanggol
Kathryn Bernardo
La Luna Sangre
Barbie Forteza
Inday Will Always Love You
Enrique Gil
Bagani
Bianca Umali
Kambal Karibal
Erich Gonzales
The Blood Sisters
Marian Rivera
Super Ma’am

  •          Favorite Kontrabida o villain (tinik sa buhay ng iyong bida)


Nominees                           Programs/ Films
Kyline Alcantara
Kambal Karibal
Jhong Hilario
FPJ’s Ang Probinsyano
Gladys Reyes
Inday Will Always Love You,
Ryan Eigenmann
Bagani
Katrina Halili
The Stepdaughters
Richard Gutierrez
La Luna Sangre
Gabby Eigenmann
Contessa
John Estrada
Victor Magtanggol


·      Beshie ng Taon  o sidekick/ best friend  ng bida



Nominees
Zaijan Jaranilla
Bagani
Pauline Mendoza
Kambal Karibal
Joross Gamboa
La Luna Sangre
Super Tekla
Inday Will Always Love You
Karla, MC, Lassy, Wacky Kiray
Gandarrapido
Dion Ignacio
Victor Magtanggol
Mark Neumann
I Love You Hater
Darren Espanto
The How’s of Us

·      The Great Comeback o yung Nawala. Nagbalik. Nagbida sa panonood mo


             Nominees                             
JM de Guzman
Kristine  Hermosa
Manolo Pedrosa
Aga Muhlach

Kylie Padilla
Jolo Revilla

Maricel Soriano
Mark Anthony Fernandez



·      Movie ng Taon  mo  (mula September 2017 to September this year)



             Nominees                             
The Hows of Us
Miss Granny
Sid & Aya
Liway,

Signal Rock
Buy Bust,

Never Not Love You
Loving in Tandem.


·      Bet na Bet na Teleserye ( iyong  nag-add pa ng drama sa buhay)



             Nominees                             
FPJ’s Ang Probinsyano
The Good Son
The Blood Sisters
Ika-6 Na Utos

La Luna Sangre
Bagani

Kambal Karibal
Inday Will Always Love You



·      Hugot Song of the Year



     Song                        Singer         *OST/Ref  
Tagpuan
Moira dela Torre
Kasal
Nadarang
Shanti Dope

Di na Muli
Janine Tenoso
Sid & Aya
Isa Pang Araw
Sarah Geronimo
Miss Granny
Sana
Marion Aunor
Never Not Love You,
Mundo
IV of Spades

Lumang Tugtugin,
 Inigo Pascual

Right There
James Reid


·      Pak na Pak na Comedian o iyong nagpaiyak sa iyo sa kaka…



Nominees

Vice Ganda
Angelica Panganiban
Michael V
Super Tekla

Vhong Navarro
Paolo Ballesteros

Maine Mendoza
Karla Estrada.


·      Favorite Newbie o Rookie of the  Year sa  Entertainment



Nominees

Jacque 'Ate Girl' Gonzaga
Janine Berdin
Juliana Parizcova Segovia
Charlie Dizon

Donny Pangilinan
Shanti Dope

Angelina Cruz
Pauline Mendoza



2nd Category RAWR Awards 2018:  LION


·      Love Team of the Year o yung pair na pinakilig ka na, pinahanga ka pa


Nominees

JoshLia
KathNiel,
LizQuen
JaDine,

MayWard
DerBie

JuanBie
DonKiss



·      Actor of the Year



Nominees                   Programs/ Films
Coco Martin
FPJ’s Ang Probinsyano
Dingdong Dantes
Sid & Aya
Daniel Padilla
The How’s Of Us
Alden Richards
Ala-Ala
Joshua Garcia
The Good Son
Christian Bables
Signal Rock
JM de Guzman
PHR Presents Araw-Gabi
Paulo Avelino
Goyo: Ang Batang Heneral


·      Actress of the Year

Nominees                   Programs/ Films
Sunshine Dizon
Ika-6 Na Utos
Kathryn Bernardo
The Hows of Us
Glaiza de Castro
Liwa
Bela Padilla
St. Gallen
Sarah Geronimo
Miss Granny
Anne Curtis
Buybust
Erich Gonzales
The Blood Sisters
Aiai Delas Alas
School Service

·      Favorite Performer o iyong nag-aliw sa iyo sa kantahan, sayawan, at hiritan on stage


Nominees                                                      Show
Sarah Geronimo
This 15 Me,
Jona 
PRIMA Jona
Morissette Amon ,
Morissette is Made
Anne Curtis
Anne Kulit
Maja Salvador
 Maja on Stage
Alden Richards
Adrenaline Rush
Martin Nievera-Ogie Alcasid-Regine Velasquez-Erik Santos
 #PAMORE
KZ Tandingan
SUPREME


·      Favorite TV host  o iyong nagawa kang isama sa tsikahan/palabas n'ya


Nominees                                                      Show
Boy Abunda 
Tonight With Boy Abunda
Vice Ganda
Gandang Gabi Vice
Karla Estrada-Melai Cantiveros-Jolina Magdangal
 Magandang Buhay
Willie Revillame
 Wowowin
JoWaPao
Eat Bulaga – Sugod Bahay
Eugene Domingo
 Celebrity Bluff
Robi Domingo-Kim Chiu  
 Star Hunt
Luis Manzano
I Can See Your Voice

·      Favorite Radio DJ  o iyong boses pa lang na-olala ka na sa persona




Nominees                       Radio Station
Papa Jackson
Energy FM 106.7
DJ Jhai Ho
MOR 101.9
Papa Dudut  
 Barangay LS 97.1
Nicole Hyala-Chris Tsuper  
Love Radio 90.7
DJ Chacha
MOR 101.9
Slick Rick-Toni Tony-Sam YG
Magic 89.9
Papa Obet
Barangay LS 97.1
Kuya Chico
Energy FM 106.7

·      News Personality of the Year (Female and Male) o iyong madalas mong nauulatan/ news source :p


Nominees   Female News Personality           
Jessica Soho
Bernadette Sembrano
Vicky Morales,
Kara David,
Mel Tiangco
Korina Sanchez
Karen Davila
Gretchen Fullido.




Nominees  Male News Personality
Noli de Castro
Mike Enriquez
Atom Araullo
Ted Failon
Jeff Canoy
Migs Bustos
Julius Babao
Ivan Mayrina
·      Digital Influencer of the Year o iyong ‘di mo puwedeng hindi i-chec kapag naka—online ka


Nominees          
Lloyd Cadena
Alex Gonzaga
Ethel Booba
Kimpoy Feliciano
Alodia Gosiengfiao
 JaMill
Wil Dasovich
Ranz Kyle-Niana.


·      Breakthrough Artist of the Year o iyong napa-wow ka out of nowhere



Nominees  
Tony Labrusca,
Kyline Alcantara
Joao Constancia,
Devon Seron
Pia Wurtzbach,
Nash Aguas,
Gwen Zamora,
Therese Malvar


·      Favorite Group  o iyong gusto  mong sama-sama kang pasayahin


Nominees  
Hashtags,
4th Impact
TOP
MNL 48
JBK One Up
 BoybandPH
Ex Battalion.

·      The Advocate o iyong paborito mong may pinaglalaban sa buhay


Nominees                           Organization
Angel Locsin  
Red Cross
MayWard
ELM Tree Foundation
Anne Curtis
UNICEF
Catriona Gray
Young Focus
Alden Richards
Habitat
Kathryn Bernardo
Noordhoff Craniofacial Foundation Philippines
Pia Wurtzbach  
UN AIDS
Dingdong Dantes
YES Pinoy

3rd category of RAWR Awards 2018: PRIDE

·      Fan Club of the Year


Nominees  
Popsters
Darrenatics
KathNiel
MayWard
JaDine
LizQuen
Kapuso Brigade
DonKiss.


·      TV Station of the Year


Nominees  
ABS-CBN
PTV4
TV5
GMA Network
CNN Philippines
UNTV
ABS-CBN Sports+Action,
GMA News TV.

·      Radio Station of the Year


Nominees  
MOR 101.9
Love Radio 90.7,
YES FM
DWRX Monster Radio 93.1 5
DZMM 630
Barangay LS 97.1
DZBB
News FM 92.3.



Paano mag- #RAWRawards2018? 

1.  Mag-log in na sa lionheartv.net/rawrawards2018
2. Iboto ang gusto mong manalo bago pa matapos ang November 4.

at Kita-Kits sa November 14 para sa result. ;) Mabuhay!!