During the media launch of Petron Temperature Protection Line of products, Car lover Janine Gutierrez and vehicle expert James Deakin shared their knowledge about cars. This include car maintenance tips, what are Janine's favorite parts of her car.
The Kapuso star and now new Petron Calendar Girl said that her dad, Christopher "Monching" Gutierrez influenced her to become a car lover. Knowing this, she's indeed a perfect endorser for any products related to motoring.
Apart from another Kapuso star Rhian Ramos ( a car racer), Janine is the few actresses that I know who's into car.
Ito ang part 3 ng movie review ko ng All You Need Pag-ibig directed by Antoinette Jadaone and starring Kim Chiu, Xian Lim, Pokwang, Bimby Aquino, Julia Concio, Talia Concio, Nova Villa, Ronwaldo Valdez, and Kris Aquino.
Ganun pa rin. Pero her role ay hindi naman ganun ka-challenging or requires heavy acting. Although needed ito para mapagtagpi-tagpi
ang mga stories at mayroon din naman dating ang kanyang pagiging love
adviser sa TV. Naipakita nito na being a love
guru doesn’t mean may perfect love life na sila or baka sila pala talaga ang sawin in real life.
Ang mas napansin ko ay si Bimby Aquino-Yap kasi ang cute n’ya
bilang estudyanteng nagka-crush, may busy mom, at nagkaroon ng kaibigan.
Musta naman si Pokwang sa film?
In fairness sa komedyanteng ito nabibigyan
ng drama roles na magaganda. At in fairness ulit, nagagampanan naman n’ya at
convincing s'ya. Dito sa All You Need is Pag-ibig, ginagampanan n’ya si
Corina, ang babaeng di maka-get over sa ex boyfriend. Teacher rin s'ya na ibinuhos
ang kanyang panahon sa pag-aalaga sa kanyang pamilya, kasama na ang kanyang mga
pamangkin (Kelsey at Hannah played by Julia
Concio). I think okay naman overall ang role at performance ni Pokie, hindi
nga lang nag-stand out para sa akin.
Script and direction of Antoinette Jadaone
From the start,
ang impression ko sa style ng writer-director na si Antoinette Jadaone ay “the simpler the better, creative and entertaining.” Nagustuhan
ko ang simple pero may pusong atake n'ya sa English Only Please at On The Wings of Love. Pero aaminin ko,
ako yung manonood na mahilig sa variety at kung feeling ko same din sa paningin
ko ang ihahain mo, wag na lang. That’s why, mas napansin ko siguro ang part ni Jericho Rosales sa Walang Forever (halos same ang team nito ng English Only Please –si
Dan Villegas ang direktor at si Jadaone the film) at hindi ako nanood ng Till I Met You. Sorry na lang sa akin kung I miss something.
With this
impression, I didn’t expect that much noong nanood ako ng All I Need is
Pag-ibig. nanood ako kasi every MMFF I try to watch 2-4 films at nagkataon ito yung fourth choice ko like Nilalang
nina Cesar Montano at Maria Ozawa. Kaso that time wala ng Nilalang sa mga pinapanooran ko somewhere in Quezon City :P
*nanood din ako ng Beauty and the
Besty pero di na ako nag-review.
Anyway, nagulat
ako sa work na ito ni Jadaone. Akala ko predictable na
para bang Valentine’s Day
at Love Actually lang,
pero HINDI.
The script is
superb, wala akong maalalang nahirapan akong intindihin at loophole. Bawat importanteng
karakter ay maayos na naipresenta kahit alam mong ang dami-dami at
sala-salabat. Mayroon kilig, may drama,
at kurot sa puso hanggang utak. Dahil sa film na ito, ang naiisip ko ngayon ay marami pang magagawang kakaiba
si dir. Antoinette. Kung makakagawa siya ng film with ensemble cast like this, sana makakuha siya from both networks baka mas bongga pa ang creative juices ang dumanak, Feeling ko adaptable at flexible
writer-director s'ya basta bigyan ng dos and donts saka n'ya iikutan.
Direk 'pag ganun, pwede Rhian Ramos, Dennis Trillo, Janine Gutierrez,
Kylie Padilla, Ruru Madrid, Pia Wurtzbach, Zanjoe Marudo, Eugene Domingo, Bea Binene,
Nash Aguas, at iba pang artista hindi madalas nagbibida sa films pero
punong-puno ng potential.
Because All we
Need is Pag-ibig for arts and films :P
After more than a year, ito na ang part 2 ng my movie review
ng All You Need Pag-ibig starring Kris Aquino, Kim Chiu, Xian Lim, Pokwang, Ian Veneracion, Jodi Sta.
Maria, Ronwaldo Valdez, at Nova Villa. Ang totoo nito ay
kinatamaran at binalewala ko na ang magdugtong pa (mahaba naman na rin kasi ang
part 1). Kaso natuwa ako na continuously ay may nagbabasa ng movie review ko
about this 2015 MMFF entry directed
by Antoinette Jadaone.
So as promise sa part 1, sasagutin ko sa part 2 ng Movie Review: All You Need is Pag-ibig ang mga sumusunod:
Kung saan ka maiiyak
sa All You Need is Pag-ibig?
Maraming parte na halos maiyak-iyak ako pero since more than
a year na, I can say yung tumatak sa akin hanggang ngayon ay yung
sa story/ character nina Anya (Kim), Loisa (Nova) , at Talia Concio ( Kelsey).
·Anya
played by Kim Chiu – at first ay iisipin mo this is another pakilig at
pa-tweetums character. Pero along the way, na-tackle sa story ni Anya ang
tingin ng tao sa direct selling, taong frustrated with matching tendency to
blame, at paano magtrato ang lipunan
base sa status ng tao.
Since hindi siya nakapagtapos ng
pag-aaral dahil nagrebelde siya sa kanyang ama (hulaan mo kung sino?), nag-resort
sa kung anu-anong raket si Anya. Kasama na nga rito ang pagne-networking (direct
selling/ multilevel marketing). Ex classmate at bf niya si
Dino ( Xian Lim) na nagbabalik sa buhay n'ya pero nire-refuse n'ya nang slight kasi
feeling intimidated na s’ya. The worst part ay napasubo s'yang mag-organize ng reunion sa isang mamahaling resort sa Coron, Palawan (I guess tinuhog
ito sa kasagsagan ng taping ng The Story
of Us). Noong time na akala n’ya ay solve na ang kanilang problema,
napag-alaman ni Anya na the joke is on her. Her classmates already know what’s real pero
pinasasakay s'ya sa mga tsika nila. Alam nila kung ano pala ang sitwasyon nila ngayon.
Naiyak
ako doon kasi it happens in real life. I
organized two high school reunions. Hindi effective
ang Facebook even or group chat invitation kasi kung kinakailangan mong
bahay-bahayin yung mga kaklase mo ay gagawin mo para lang dumalo sila. Marami ang ayaw, hindi dahil sa super
busy o di mahilig sa party, kundi nahihiya
ma-compare. Hindi mo naman masisisi kasi totoo ay mayroon talagang mapagmataas o mayabang na, matatabil pa ang dila.
·Estero Story of
Loisa played by Nova Villa – Nakaka-excite actually ang pinagdadaan ni
Loisa and I guess casting Ms. Nova for the role is perfect. Seryoso na actually yung problema pero
iti-take mo ng light like his husband Jaime (Ronwaldo Valdez) did. Kasi nga akala mo
joke-joke lang si Misis. Grabe, dama ko yung pagkapahiya, frustration, at
desperation ni Loisa. She’s indeed a senior citizen pero oo nga naman kapag ganung bang edad wala ng
damdamin? Hindi na naghahanap ng lambing? Kung tumanda ka na ba para na lang
housemate mo ang asawa mo? Nakaka-amuse din yung hamunan ng divorce sa ganoong
edad. Magaling ang pagganap dito ni Ms. Nova!
·Story of Kelsey played by Talia Concio – I think
hindi man superb o napakagaling, pero nakapag-deliver ang Concio sisters ( Yes apo sila ni dear Madam
Charo Santos). Dito talaga tumulo uhog
luha ko dahil naramdaman ko yung pain ng bata. It’s not that she wants to
compete or compare her self sa kanyang bubbly and talented sister pero lagi na nga
lang s'yang nasa shadow. Totoo ito sa mga
kids, huh.
Hindi na ganoon ka-busy sa TV at tila laging nakakabit sa
kontrobersya ang isang Claudine Barretto.
Subalit, bakit nanatili pa rin s’yang pinapansin at kinikilala sa
showbiz? Halina’t balikan natin ang makulay na career ng tinaguriang Optimum Star ng Philippine Showbiz.
Walang Kapalit Photo/ ABS-CBN
Isa siya sa halimbawa ng TV or movie personality na ang ticket para makapasok sa showbiz ay
kanyang sikat na kamag-anak.
Oo ang tinutukoy ko ay ang
kanyang ate na si Gretchen Barretto. Subalit, gaya ng ibang young stars ay dumaan
din naman sa challenge, leveling at formula si Claudine na nag- youth-oriented show (Ang TV), nag-support role, at nag-love team. Hindi nga lang ako sure kung alin ang nauna,
yung pagiging Seiko films star n’ya
o ito. Kung pagbabasehan ang Ang TV, ang
batch mate niya ay sina Roselle Nava,
Lindsay Custodio, Jolina Magdangal, Rica Peralejo
( although mas bata ata s’ya), Guila
Alvarez, at Angelu de Leon. Mapapansin na sa hanay na ito baka isa siya sa
atrasado pagdating sa kantahan at sayawan.
SUBALIT…
·Nakakagawa na siya ng film that time sa Seiko Films kung saan pa nga ay
naka-love team niya ang former Vice
Mayor ng Manila na si Isko Moreno.
·Nakasama s’ya hit sitcom ng namayapang Dolphy – ang Home Along Da Riles- kung saan
gumanap syang unica hija ng King
of Comedy at kapatid nina Vandolph,
Gio Alvarez, at Smokey Manoloto.
· Kabilang rin s’ya sa sitcom na Oki
Doki Doc ni Aga Muhlach with Agot Isidro, Jimmy Santos, Paolo Contis,
Charlene Gonzalez, Roderick Paulate, at namayapang Babalu.
Claudine Barretto, the Drama Princess
Even in her heyday, mayroon na ring mga female stars na all
in one ang package. May sumasayaw, nagre-release ng album bilang singer, at iba
pa. Pero as far as Youtube can show, aside sa acting ay sa hosting lang siya
nag-venture. Thinking it now, isa s’ya sa
living proof ng artista na hindi kailangan maging multi-talented para umangat
basta ginagalingan lang kung saan ang forte n'ya. Paano nga ba nahulma ang kanyang pagiging batikang
soap opera actress.
Note: Ang teleserye ay unang ginamit sa Pangako sa Iyo nina Jericho
Rosalesat Kristine Hermosa.
It all started I guess sa kanyang launching drama series/ soap
opera na Mula sa Puso (1997- 1999)
kung saan niya nakatambal ang reel and real love team na si Rico Yan (died in 2002), Diether Ocampo. Nasundan na ito ng ilan pang soap opera gaya
ng Saan Ka Man Naroroon ( kung saan gumanap s’yang triplet at ipinareha kina Leandro Muñoz,
Diether, at Rico), SaDulo
ng Walang Hanggan (leading man: Carlos Agassi), Ikaw
Ang Lahat Sa Akin ( kasama sina John Lloyd Cruz, Bea
Alonzo and Diether ), Iisa Pa Lamang (kasama
sina Diether, Gabby Concepcion, and Angelica Panganiban)
at Walang Kapalit (opposite Piolo Pascual).
Samantala, makasaysayan din ang kanyang natatanging fantasy
series na Marina (2004)kung saan s’yagumanap na sirena ( na minsang naging tutubi). Ito ang nagsimula ng fantaserye sa TV (remember that
GMA called theirs as Telefantasya).
PR Photo for Iglot/ GMA Network
Claudine Barreto vs other young stars with love teams
Bago o habang namamayagpag na ang karera ni Claudine bilang
drama actress ay hindi naman lahat ng ginagawa n'ya ay heavy drama. Nakagawa pa rin naman sya ng chill show gaya
ng Buttercup kung saan nakasama niya sina
Bobby
Andrews, Angelu, Diether, Ciara
Sotto, Onemig Bondoc and Assunta De Rossi.
Speaking of Bobby and Angelu na isa sa matunog na love teams
noong mid 90s, isa sila sa naging screen rivals ng love team nina Claudine at Rico, maging ng Wowie de Guzman at Judy Ann Santos. Isama pa d’yan ang tandem nina Marvin Agustin
at Jolina Magdangal.
Lahat naman sila ay sikat at may kanya-kanyang
ipinakita. Siempre iba rin naman yung
tandem at individual projects outside the love team. Sa puntong iyon- naipapakita naman ni Claudine ang kanyang versatility. Kasi gumagawa siya ng projects na edgy gaya ng role niya sa
·Dahil
Mahal na Mahal Kita (opposite Rico and
Diet- this is my favorite Claudine film)
·epileptic rape victim sa Calvento Files.
·Suwail na anak sa Anak with Vilma Santos
·Suwail na step daughter Madrasta with Sharon Cuneta
·Pasaway na kapatid sa Soltera with Maricel Soriano
Kung di pa nga ako nagkakamali ay minsan na s’yang nasabihan
the next or young Vilma Santos dahil
sa kaya at bagay sa kanya ang anumang role. Saka during her time uso pa ang api-apihang
bida (ginagawa n'ya yun sa soap) pero siya ay domo-doble o tumi-triple Kara o yung
tinatawag din nating bida-kontabida.
Sukob Photo/ Star Cinema
Sa ibang banda, bukod sa Dahil Mahal na Mahal kita ang love
team nila ni Rico ay naitampok din sa
mga pelikulang Radio Romance, Madrasta, Flames the Movie at ang huli ay Got to Believe.
Matatandaan na bago pumasok si Rico sa eksena ay nakatambal din
ni Claudine ang kanyang reel and real love team noon na si Mark Anthony Fernandez – kung saan nakasama n'ya ito sa Pare Ko (yes with the Guapings at Jao Mapa) at Mangarap Ka.
IMHO, sa batch nila ni Judy Ann, silang dalawa ang nag-emerge at
nag-level up. Iyong they can stand up
kahit sino i-partner at masubukan sa iba’t ibang klase ng proyekto. Naitambal s’ya ng dalawang ulit kay Aga Muhlach sa Kailangan Kita (gusto ko rin ito) at Dubai (sure akong nanalo s’ya ng award dito kasi dito ko s'ya na-meet in
person sa Star Awards for Movies). Ganon
din sa action film na Oops teka lang…
diskarte ko to with Robin Padilla. Nag-horror
din si ate sa Siniserye presents Maligno
at sa box office hits na Sukob with Kris Aquino.
Bukod sa Kailangan Kita, ang another adult film niya na
nagustuhan ko ay Nasaan ka Man with Diet and Jericho Rosales. Gandang-ganda ako sa
plot noon. Siempre, hindi rin
malilimutan ang movie nila ni Papa P na Milan.
Possible causes of Claudine Barretto’s Unstable Showbiz Career?
Wala ako sa posisyon para magsabi kung ano eksakto ( sino
ako para mag-judge?). Tandaan natin na may personal na buhay at choices naman
ang mga artista na hindi na nila isinasapubliko. Ang sumusunod ay base lang
sa pangyayari o history na naalala ko na puwede o hindi na dahilan ng pagbabago
sa kayang career. ( Hindi lang sya ang dumaan sa ganito)
·Marriage
and Motherhood - sa showbiz ata, kapag di ka na young and single ay mas
mahihirapan ka na. Parang next sa awkward stage (kung saan nagta-transform from
child star to teen or adult) ay ang pag-aasawa ang challenging part ng iyong showbiz career
ng artista (kaya iba nagtatago na may anak na). Ikinasal si Claudine kay
Raymart Santiago noong 2006. After ng Walang Kapalit (2007) nila ni Piolo
kung kailan nagbuntis na rin s'ya sa kanyang anak na si Santino ay di umano ay
hindi na nagri-rate at padalang na ng padalang ang kanyang mga projects. Bukod
sa mga guesting niya ay ang regular gig na lang n’ya bago siya nag-transfer sa GMA ay Maligno at Iisa
pa Lamang ( with Gabby Concepcion, Diet, at Angelica Panganiban).
·Network
Transfer – Taong 2009 noong nag-decide na mag- over da bakod si Claudine from ABS-CBN to GMA at from Star Magic to Viva Artists Agency. Big blow yun in a way knowing she’s known as the Queen of Star Magic. Sa aking kuro,
mahirap din na desisyon ang pag-transfer ng TV network lalo na kung identified
ka na sa inalisan mo. May fans na loyal sa network o hindi madaling mabago, unless fans mo mismo ang susunod sa iyo.
Although sana maintindihan din ng
iba na wise and acceptable reason para sa sinumang artista na mag-transfer kung hindi na
s'ya nabibigyan ng magandang roles ( art sake/ career growth) at lalo na trabaho ( money sake)
ng kanyang kompanya. Ang mahirap ay
iyong basta na lang lumipat for prestige o nagpa-pirata.
Sa bakod ng GMA ay nakagawa ng weekly anthology
ang aktres entitled Claudine, Iglot (kiddie
drama series with Jolina, Marvin, and Patrick Garcia) at film na In your Eyes (with
Richard Gutierrez at Anne Curtis). Sa film na nabanggit, my review ay medyo
nabawasan ang galing n'ya o mas umangat lang si Anne?
·Personal controversies
- Outside TV and Movie dramas, labo din
na walang drama di ba? Pero mahirap din kung umaabot na ito sa point na masyado
na itong news item na para bang kahit anong gawin ng mga artista ay hinuhusgahan na
sila parati. Narito ang ilan sa
matinding kontrobersya sa career ni Claudine ( during and post GMA)
oBrawling
incident at the airport with her estranged husband Raymart against broadcast
jounrnalist Mon Tolfu
o And her on and off court legal battle against
Raymart.
Ang huli kong balita ay gumawa si Claudine ng series sa TV 5 with Diet and Cesar
Montano, pero ang alam na alam ko ay ang good performance niya sa Etiquette forthe Mistresses with Kris, Kim Chiu, Cheena Krabs, at Iza Calzado. Bukod dito ay
wala na akong alam tungkol sa 37-old actress. I think bata pa s'ya to retire and
Hopely masubukan din n'yang mag-independent films or theater. J