Ano nga ba ang alam natin
kay Goyo: Ang Batang Heneral? Dapat bang makilala siya at itampok sa isang
full length film na gaya ng ginawa nina Jerold
Tarog, Artikulo Uno Productions
at TBA Studios? Nabigyan ba ng justice ni Paulo Avelino ang pagsubok na maipakilala si Gen. Gregorio
Del Pilar? Narito ang part II ng aking
movie review and in addition, reflection sa epic hero Filipino film na ito na produced din ng Globe
Studios.
Cont. Good points of Goyo: Ang Batang Heneral
·
Letting characters/
actors to shine – Nabanggit ko sa
part I ng Movie Review na yung pagpili ng actor to
portray a character ( at hindi paggawa
ng character na swak sa artista) ay isang bentahe ng Goyo ( at Heneral Luna). If
magaling si Mon Confiado para mag-fit sa big role n'yang si Emilio Aguinaldo,
dapat ding palakpakan ang pagpapakilala ni Alvin
Anson kay Gen. Jose Alejandrino.
Kung tutukan mo ang journey niya sa movie ay malaki at marami kang makukuhang history
lessons sa kanya na applicable pa rin hanggang ngayon gaya ng...
o
Pagiging unfit/ unqualified ng mga matataas na sundalong
Pilipino noong Philippine-American War. ( Dito ko na-appreciate ang mataktikang tao
gaya nina Gen. Antonio Luna at Apolinario Mabini)
o
Kung anong klaseng pagkilala ang nakukuha ng mga
sundalo noon hindi lamang mula sa mga Amerikano,
kundi sa matataas na opisyal na kapwa Filipino
o
At ano ba ang nagtatakda sa iyo bilang matinong
opisyal/ sundalo
Hindi lamang maayos ang pagkakalahad sa character kundi
maging pagkaka-portray. Ganito rin ang masasabi ko sa mga characters nina Don
Mariano Nable José( played by Robert Seña),
Remedios Nable José ( Gwen Zamora), Felicidad
Aguinaldo (Empress Schuck), Colonel
Vicente Enriquez (Carlo Aquino ), Colonel Julian
del Pilar (Rafa Siguion-Reyna), Major
Manuel Bernal ( Art Acuña), Major Evaristo Ortiz (Roeder Camañag), General Elwell Otis (E. A.
Rocha), General Arthur MacArthur (Miguel
Faustmann) at iba pa.
·
Investment in the Love Interest. Alam
naman natin na sa movie ay importante ang love interest at kung si Paulo Avelino
ang bida ay puwedeng kumuha ng may
chemistry na sa kanya. Then… oops Gwen
Zamora and Empress Schuck? Kung
usapang chemistry hindi ko masabi, pero kung usapang nagawa ba nila Gwen at
Empress ang hinihingi ng kanilang role, big Yes! Nadama ko kay Empress 'yong longing
ni Felicidad na sana “ Popoy Goyo ako na lang, ako na lang ulit” :P Kay Gwen naman, nagpakita siya ng aura na
naiiba sa lahat ng napanood kong female characters. Hindi mataray, pa-choosy,o pinaplastik kang pahinhin.
Nandoon yung she knows what she wants, though she is not sure.” Napanood ko na ang ibang acting pieces ni Gwen, pero dito ako nagandahan sa kanya at sa kanyang pagganap.
· Music – Hindi ko na maalala kung tinablan ako nang matindi sa musical score o OST ng Heneral
Luna ( siguro oo pero hindi ko rin
nabanggit sa film
review ko noon). Dito sa Goyo: Ang Batang Heneral may nagustuhan
akong beat na pang “preparing for something” dahil nakaka-set ng mood. Siempre laki rin ng katok nung Bato sa Buhangin ( Glaiza De Castro) sabay
akyat sa mountain ni Madam Remedios at
yung closing song na Susi ng Ben and Ben.
·
Paulo
Avelino bilang Gen. Gregorio “Goyo” - Nag-iisip ako kung may iba pang
puwedeng gumanap na Goyo. Mayroon siguro, pero dahil solved na ako kay Paulo,
ba't pa ako mag-iisip? Slight lang ako
naghanap ng pakikipag-espadahan n’ya? Pero okay na okay na ako sa mga pa-charming, kalokohan niya with his Dabarkads, at ang mga oras na nagdududa s’ya sa
kanyang ginagawa. Iyong battlefield ay nasa sarili n’ya rin e. May multo na nabuo dahil sa pagkagiba ng inaakala niyang
pedestal. Mahirap din pala talaga ang mamili ng hero o iidolohin. Saka
mukhang inaral talaga ni Paulo ang pangangabayo at ibang nuances ni Goyo. Pero
kung ako ang tatanungin, medyo nakikita ko pa ang pagka-Paulo sa galawan n’ya
bilang Goyo. Puwedeng okay lang naman ‘yon
o hindi.
·
Cinematography
– Ang daming landscape na kuha na ang gagaganda. Parang gugustuhin mo na
rin mamundok at mamuhay noong panahon na iyon... kung walang giyera sa mga babae este
bayan. Ini-expect ko rin na kinarir ang setting sa Dagupan dahil
wala naman akong napansin na modern things o eyesore. Pinakagusto ko sa cinematography
ay noong pagsikat ng araw noong laban sa Tirad Pass at ang malilim na panahon
sa bundok na kinatatayuan ni Remedios.
Other comments about Goyo
Sa dami ng napuri ko
sa Goyo, ang hirap sabihin noong hindi ko nagustuhan sa film. Kung ihahambing ko
ito sa ibang Epic Hero Filipino Movie lalo na sa Heneral Luna, may mapapansin
ako. Pero hindi ako aabot doon dahil okay ang presentation at buong movie. Kung
baga kung babalikan ang sinabi ko sa Part 1, nagmumula kasi sa subject kung gaano ba s’ya ka-interesante. Ang iba ko lang napansin ay:
- Mas kamukha ni Roeder Camañag si Apolinario Mabini
- Natawa ako nung nakita ko si Jun “Bayaw’ Sabayton bilang kapatid daw ni Antonio Luna. Ano, dahil lang ba sa may bigote s’ya? Nakakadalawa na itong bigote n’ya ha (una sa Kusina Kings bilang ama kuno ni Empoy) hahaha.
- Panis ang mga Kano because Filipinos can speak/ understand (Ortiz) Filipino, Spanish, and English wala pa ‘yong mga dialects. Pero oo nga ba’t walang punto (accent) yung mga taga-Bulacan, Dagupan, at iba pa.
- Maganda ring kunan ng words of wisdom si Lieutenant Pantaleon García na ginagampanan ni Ronnie Lazaro
7 Reflections on Goyo: Ang Batang Heneral
·
Ang babaero parang hindi lang sa puso
walang disposisyon, kundi maging sa desisyon at direksyon ng kanyang buhay. Parang
ang hirap niyang makahanap ng peace of mind?
·
Sa iyong pakikidigma (maging ano man o kanino)
ay kailangan mong matututo ng taktika at
sa pagkakamali ng iba ( sinabi rin yan ni Miguel Laureano na ginampanan ni Jojit Lorenzo)
·
Maging mapili sa kilalanin
mong idolo o bayani at siguraduhin mo na i-admire mo lang s'ya at hindi ka padala sa pagiging panatiko ( still relevant hanggang ngayon).
·
Huwag kang mabulag sa popularity o imahe mo
sa iba. Hindi mahalaga kung ano tingin nila
sa iyo, kundi kung sino ka ba talaga.
·
Sa aspeto ng pag-ibig o pakikipagrelasyon, agree
ako kay Remedios
Jose. At feeling ko maaari na may "what if " siya kay Goyo, pero hindi
niya pinanghinayangan ang kanyang desisyon. Mahirap magmahal ng taong pinagduduhan mo at kung may pag-asang mayayakap mo nang
matagal
·
Ano ang
panghahawakan mo para maniwala kang mananalo sa gitna ng labang ikaw ang
dehado?
Naniniwala ako na totoo na may pagkakataon (
kahit isang saglit na interaction lang) ay siyang babago ng takbo ng iyong
pananaw. Nasa sa iyo kung ipagkikibit mo
ng balikat o ituturing na turning point iyon ng iyong buhay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento