Matagumpay na naidaos ang 2018 RAWR Awards
ng LionHearTV sa Le Rêve Pool and Events Place Quezon City kamakailan. 25 Awards ang ipinamahagi at kabilang
sa nakatanggap ay si Jessica Soho, Vice Ganda, MayWard, pelikulang The Hows of Us, at si Kathryn Bernardo. Sinong deserving at expected manalo? Narito ang aking personal na kuro:
RAWR Awards Highlights II
Deserving.
JM De Guzman won The Great Comeback award, which deserved na igawad kanya at sa mga
taong nakapaligid sa kanya. Sa acting,
karisma, at hard work ni JM ay hindi naman nakakapagtaka makabalik s’ya.
Bukod sa talent at skill, aba commitment at
hard work din ang puhunan sa pagiging anchor ng isang programa. At napapanood
ko naman ang dedikasyon nila Vice Ganda (Favorite TV Host), Jeff Canoy (Male News
Personality of the Year ), DJ Jhai Ho
(Favorite Radio DJ), at Jessica Soho
(Female News Personality of the Year) kaya karapat-dapat na magawaran ng
parangal ang mga gaya nila.
Ganoon din ang
masasabi ko sa kinilalang Love Team of
The Year at Fans Club of the Year. Ang MayWard
Love Team ay nabuo at sumikat sa 7th season ng Pinoy BigBrother. Nakakatuwa na after ng stint nila sa reality show ay may naipakita pa silang talent, skills, charm,
good working attitude. Isa pa ay grabe rin sold out concert, pelikula,
albums, brand endorsements, magazine covers, at foundation nina Maymay Entrata at Edward Barber. Ito ang latest pa nga ay ang pagrampa ni Maymay sa Arab Fashion Week. Parang hindi ko naman ata kailangan na maging MayWard fan muna, para
mapansin at ma-appreciate ang mga wow na ganap sa kanilang career.
Naniwala lang ako, na siguro kaya
may ganitong thriving career ang MayWard ay dahil positive features nila. Sabi nga ni Chinkee Tan:” Positive Mindset + Positive Action = Positive
Result. At s'yempre isa sa dahilan ng
bongga nilang career ay ang kanilang fans. Last year sa RAWR Awards nakasabay ko sila, grabe oi ang pagka-supportive
nila. Sa totoo lang dahil sa kapapanood ko ng YT videos na may MayWard ay namumukhaan ko na sila kung makikita ko sila sa personal. Nung nakita
ko 'yong dalawang pamilyar ay nasabi ko talaga- “aha darating ang MayWard!”
No Doubt.
Samantala
hindi ko ipinagtaka at somehow ini-expect kong manalong The Advocate si Angel Locsin (Red Cross), Favorite Newbie si Donny Pangilinan, Movie ng
Taon ang ‘The Hows of Us, Favorite
Performer si Morissette Amon (Morissette is Made), Bibo Award si Ella
Ilano (Sana Dalawa Ang Puso), Best Actor si Joshua Garcia (The
Good Son), at Favorite Bida (La Luna Sangre) at Best Actress (The
Hows of Us) si Kathryn Bernardo.
Samantala, narito pa ang ibang nanalo sa
2018 RAWR awards
· TV Station of the Year – ABS-CBN
· Radio Station of the Year – Barangay LS 97.1
· Brandspeak - Smart Communications Inc. and OPPO
· Hugot Song of the Year – Mundo – IV of Spades
· PR of the Year – Ripple 8, Strategic Works, Abs-CBN Corporate Communications and Spark It! PH
· Trending Show of the Year – It’s Showtime
· Favorite Group - Hashtags
· the Royal Cub - Kris Aquino (“The Royal Lion Award is a distinct honour for someone who has shown courage beyond all odds. “)
Side note Bilang Blog Media Partner
Ang 2018 RAWR Awards ay suportado ng PLDT Smart at ka-partner sa tagumpay nito ay ang Le Rêve Pool and Events Venue and CVJ Food Corporation. Thank you din Lalamove Philippines, Home Credit Philippines, Brother Philippines, CAT PR, Voyager Innovations, The Huddle Room, Greenbulb Communications, CID Communication, Jollibee, Mode Devi, Starbucks Philippines, Akrotiri, Copperazo, Fuentes Manila, Coffee Lab, at DOJO PR.
Sa ibang banda, na-touch din ako sa pa- tribute ng LionHearTV.net para sa mga bloggers/ vloggers na pumanaw na. Wala akong gaanong kilala sa mga iyon, pero may katok sa puso. Ipinapaalala noon na sa likod ng social media, online platforms, camera, at mga events ay buhay. Isa pa'y marami rin akong nakasabayan na hindi ko na alam kung anong nangyari sa kanila.