Indie film Kita Kita
produced by Spring Films of Piolo Pascual, Bb. Joyce Bernal, Ericksonand
others doesn’t only enjoyed box office success during its run in the local
theaters. This romantic film starring
Alessandra de Rossi and Empy Marquez is also certified highest grossing
independent film so far for earning more than 300 million. I’m glad about this news, even if I wasn’t
able to watch the movie in theater. But…
Good thing ipinalabas sa KBO (a pay per view channel) at P3O
pesos lang kaya hindi ko na pinaglagpas. At ito na aking short but kasing
mabitamina ng repolyo na Kita Kita review charr!
The Good sides of Kita Kita
Simple ang kwento at
pagkakalahad. May mga movie na ang
simple lang talaga ng plot pero dinadaan sa sali-saliwang dami ng eksena kaya
lalong pumapangit at pilit na pilit daloy (dragging story). Dito sa Kita Kita ay simple ang kuwento pero may katok sa puso.
Mainam na ang istorya lalo kasi hindi lumalayo sa 2 lead actors ang screen, ang
setting, extra, at iba pang elemento.
Kumbaga, ang may special
participation sa movie na maituturing ko
ay ang magagandang pinuntahan nila sa Osaka,
Japan at si Saporro ☺
The unusual pairing
of AlEmpoy- Sigurado ako na iilan o
wala talagang makakaisip na magta-tandem sa movie sina Empoy Marquez at Alessandra de Rossi. Nakailang beses na
akong nakapanood ng acting drama project ni Alessandra (kasama na ang Hubog with her sister Assunta de Rossi) at gayon din ni
Empoy ( Bride for Rent starring KimXi)
pero hindi ko talaga naisip na magsasama sila sa movie bilang love team. And for this movie and story, swak ang kanilang imahe, acting, at bihis from heads to toe.
Comedy scenes are
romantic scenes – Siguro sa dami na
rin ng nabasa ko about this film kaya medyo nabawasan na ang dating sa akin ng
mga hugot lines. Pero iba rin kapag
napanood mo kung paano binitawan at kung maarte. In fairness kay Tonyo (Empoy)
talagang literal na niloloko n’ya yung linyahan n’ya. Kung halimbawa sablay sa iyo yung pickup lines,
mararamdaman mo na parang kilala mo lang yung nagsabi sa iyo. Iyong kaibigan mo
na kabiruan o kaya taong gusto lang makipag-close sa iyo sapamamagitan ng
pagsubok n’yang pangitiin ka. Kaya nga
nakaka-in love ang may sense of humor di ba?
Hugot Lessons –
Maraming mapupulot na tips dito mula sa health benefits ng repolyo, places to visit in Japan, the bad of effect of stress, and how to win
the heart of your crush. Pero ang pinakamahuhugot kong lesson sa Kita Kita ay …
hindi mo hawak kung ano ang mangyayari sa iyo sa mga susunod na araw. Kaya
ituring mong chance ang bawat sandali na mayroon ka. Mga sandali na makakausap
mo yung taong gusto mo, mga sandali na
maaayos mo na ang buhay mo, at mga sandali na makakatulong ka sa ibang tao.
The Bad Side of Kita Kita
Actually wala akong Makita, kung mayroon man ay maliit na
bagay na hindi mo na rin papansinin. Pero kung di ka mahilig sa simpleng love story at gusto mo na
mga sikat o naggagandahan/ naggaguwapuhan ang mga bida. Hindi mo magugustuhan
ang pelikulang ito.