Advance
kong napanood ang Deadma Walking
starring Joross Gamboa and Edgar Allan Guzman. Itong film na ito
ay hango sa Palanca award-winning screenplay ni Eric Cabahug at sa direksyon ni Julius Alfonso. Tagal na rin na hindi ako nakakapanood ng film sa premiere night or pre-screening nito so maiba
din ang experience bukod sa panonood.
Review ng Deadma Walking
Sa
kabuaan ang pinakagusto ko sa film ay hindi nito pina-feel sa akin na may gay issue. Iyong tipong alam mo yung parati na lang may “hindi matanggap dahil bakla kasi ako.” Bagkus ang ipinagdiinan ay
pagkakaibigan, paghahanda sa kamatayan, pagmamahal at sino ka ba sa malalapit sa iyo? Magkakahalo pa d'yan yung seryoso, kalokohan,
at pagiging kabogera na espesyal
na maihahatid lamang ng ating mga kafatid.
Narito pa ang aking paghihimay at rebyu sa pelikulang ito na produced by T-Rex Entertainment at OctoArts :
Screenplay – Isa sa laman ng post kong Reasons why I'll Watch Deadma Walking ay ang screenplay ni Cabahug na naging second prize winner sa Palanca
Awards. Parang bakit
kaya at paanong nangyari?
Nung
napanood ko, I think dahil sa entertainment value na may moral value na umiikot sa galawan at pangyayari sa buhay ng two lead characters. Oo may mga nakakatuwang hirit sina
John ( Joross) at Mark ( Edgar) pero hindi sila out of character. Na-establish nang
maayos ang kanilang persona so hindi nakakagulat kong puma-punch
line sila at hihintayin mo naman kung kailan. Mahusay yung pagkakatawid ng konsepto na paano mo paghahandaan ang iyong kamatayan kung may chance ka at ano ang madidiskubre mo rito.
Nakakadagdag
din yung pagpasok ng career ni Mark
bilang stage actor. Nung una ay tinuturing ko iyon na pang gap sa mabibigat na eksena. Pero na-realize ko na nakatulong pala iyon para makilala ko pa si Mark. Yun din ang strong point for me ng screenplay, may dalawang two colorful characters para sa isang interesting na what if idea.
Sa mga eksena, ang pinakanatawa ako ay sa mga dream sequences kung paano nila ie-execute yung pagkamatay, burol, at
libing. Doon pa lang magaling na si EA. Sunod
naman ay yung lamay ng nanay ni John na dinaluhan ng mga queens. Wahahahaha
lang talaga!
Acting - Ah ang superb ni Edgar Allan Guzman bilang si Mark at sa ilan eksena pa lang ay nakuha
n'ya na kaagad ako. Hindi ito yung role na tinahi kasi yun ang
kaya o bagay sa kanya, kundi ginawa n'yang kanya dahil binigyan n’ya ng justice. Halos lahat ng eksena n’ya ay magaling s’ya
mula sa pagiging crying diva, OA na kaibigan ni John, at higit sa lahat iyong pagiging taong nagmahal, natraydor,
nagpatawad…na-teggy. charrot!
Nadama
ko rin ang build up ng tension nung pumunta ang role ni Vin Abrenica (ex. BF ni Mark) sa lamay ni
John. Hindi mo rin kasi mahuhulaan sa
una hanggang s'ya mismo ang mag-reveal ng BTS ng mga kabagayan. Nakakaloka ang backstory Ati at magaling din si Vin ha. ikinababae ng
nilalambing n’ya ( no spoiler kung sino para intense). :P
Si
Joross Gamboa ay pumaloob din sa kanyang karakter. Pero may mga times na slight parang may konting pilit pa yung acting n’yang bading or hindi consistent. Unless mali ako at ang gustong
i-achieve ay nagpapakapormal s’ya lagi. May ganoon din naman kasi bading na kung kumilos ay parang malakas makag-sway ng opinion
- kelot o bebot ba ang trip nito? Pero shaket-shaket din ng
love story n'ya kay Luke (Gerald Anderson). Iyong minahal mo pa rin kahit sa simula pa lang sure ka ng wala
kang mapapala.
Mahusay
si Joross sa batuhan at pag-react, gandang-ganda ako sa kanya nung kinastigo s’ya ni Mark sa hagdan. Nandoon sa facial expression n’ya ang
guilt, paghingi ng tawad, at takot. Bagay na kahit hindi pa nya bitawan ang dialogue, na-explain n'ya na sa akin ang nararamdaman n'ya. Bravo! Gusto ko rin yung nasa bathhouse sila at nung ni-reveal n'ya ang cancer at sagot na Sagittarius ni Mark…charrot!
Sa
supporting cast, siempre nangunguna d’yan si Dimples Romana. Sa pagganap n’ya
bilang older sister ni John ay na-feel ko ang pagiging sisterly n’ya pagdating
sa pagsisisi, at suporta. Next ay mga
kasama ni Mark sa Crying Divas
musical na sina Ricci Chan at Jojit Lorenzo, plus ang kanilang
direktor na si Marlon Rivera. I wonder kung talagang nagta-teatro talaga
sila sa totoong buhay. Agaw-eksena rin
dito si Eugene Domingo na pumi-French
actress in a classic black and white film.
Direction
– Ang gusto ko sa direksyon ni Julius
Alfonso ay gawing casual ang kadalasan na in-o-OA sa ibang movie.
Nagawa nya ring smooth yung pagse-segue sa drama, musical, at iba-ibang
dream sequences including yung French Film.
Kung ibang putcho-putchong film director baka nahirapan itawid ang editing
at pagtatagpi-tagpi. hello! Hindi madali ang mag-shoot ng dramedy about death,
musical, and then film within a film tapos iba artista. Alam mo yung shifting, pag-balance, at gawing
buo ang bawat aspeto para sa iisang film production. Doon pa lang I commend Direk Julius kasi
I think mahirap iyon kahit man lang sa continuity.
Beshies John & Mark |
Although
maraming nag-cameo rito ay hindi sila nang-agaw o nakagulo sa pinakadaloy ng istorya. Mahusay ang taste ni Direk na i-minimal ang
mga lumalabas sa mga dream sequences para hindi masyado agaw eksena. Kung may
parts man na marami hindi lalayo sa mga bida ang atensyon mo kasi extra yung
mga nakapaligid. Na- emphasize noon ang pakikipaglaro kay kamatayan.
Gusto
ko rin yung mga kuha at blocking sa simple places – pagpasok ng pintuan, usapan sa bintana, at ratratan ng mga beks sa
hagdan. Okay din naman siempre ang cinematography sa dalampasigan at set design
sa lamay ( mula sa mama ni John at kay John na mismo). Pero mas tumatak sa akin ang pinto, bintana,
at hagdan heheheh.
So
overall bet na bet ko itong Deadma Walking at agree ako sa Grade A nito sa Cinema Evaluation Board (CEB).
BTS: Pre-screening
Hindi na ako nakatagal sa loob ng red carpet
area dahil mahiyaing ek-ek ako. Pero
dumating doon sina Joross, direk Alfonso, writer Cabahug, Candy
Pangilinan, Nico Antonio,
Alwyn Uytingco, at mga talents ng T-Rex Entertainment. Humabol
din si Gerald Anderson na pinaupo ni EA sa tabi nila.
Sa mga interview ay isa
sa nakaka-touch na malaman doon na
naiiyak pala si direk Alfonso tungkol sa movie. After 20 years of doing movies
or shows na siya ang isa sa asst. director, this is the first time s’ya mismo
ang main director. Naramdaman ko roon
yung gutom at passion and then, finally, ito na. Doon ko
rin nalaman na may young fans si EA at may book version na ang screenplay ni
Eric Cabahug.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento