Lunes, Disyembre 25, 2017

Movie Review: Deadma Walking nina Edgar Allan Guzman, Joross Gamboa

Advance kong napanood ang Deadma Walking starring Joross Gamboa and Edgar Allan Guzman. Itong film na ito ay hango sa Palanca award-winning screenplay ni Eric Cabahug at sa direksyon ni Julius Alfonso. Tagal na rin na hindi ako nakakapanood  ng film sa premiere night or pre-screening nito so maiba din ang experience  bukod sa panonood.



 Review ng Deadma Walking

 Sa kabuaan ang pinakagusto ko sa film ay hindi nito pina-feel sa  akin na may gay issue.  Iyong tipong alam mo yung parati  na lang may “hindi matanggap dahil  bakla kasi ako.” Bagkus ang ipinagdiinan ay pagkakaibigan, paghahanda sa kamatayan, pagmamahal at sino ka ba sa malalapit sa iyo?  Magkakahalo pa d'yan yung seryoso, kalokohan, at pagiging kabogera na espesyal  na maihahatid lamang ng ating mga kafatid.  

Narito pa ang aking paghihimay at rebyu sa pelikulang ito na produced by T-Rex Entertainment at OctoArts :
   

Screenplay – Isa sa laman ng post kong  Reasons why I'll Watch Deadma Walking  ay  ang screenplay ni Cabahug na naging second prize winner sa Palanca Awards.   Parang bakit kaya at paanong nangyari?

Nung napanood ko, I think dahil sa entertainment value na may moral value  na umiikot sa galawan at pangyayari sa buhay ng two lead characters. Oo  may mga nakakatuwang hirit sina John ( Joross) at Mark ( Edgar) pero hindi sila out of character. Na-establish nang maayos ang kanilang persona so hindi nakakagulat kong puma-punch line  sila at hihintayin mo naman kung kailan. Mahusay yung pagkakatawid ng konsepto na paano mo paghahandaan ang iyong kamatayan kung may chance ka at ano ang madidiskubre mo rito.

Nakakadagdag din yung pagpasok ng career ni Mark  bilang stage actor. Nung una ay tinuturing ko iyon na pang gap sa  mabibigat na eksena. Pero na-realize ko na nakatulong pala iyon para makilala ko pa si Mark.  Yun din ang strong point for me ng screenplay, may dalawang two colorful characters para sa isang interesting na what if idea.

Sa mga eksena, ang pinakanatawa ako ay sa mga dream sequences kung paano  nila ie-execute yung pagkamatay, burol, at libing.  Doon pa lang magaling na si EA. Sunod naman ay yung lamay ng nanay ni John na dinaluhan ng mga queens. Wahahahaha lang talaga!



Acting -  Ah ang superb ni Edgar Allan Guzman  bilang si Mark at sa ilan eksena pa lang ay nakuha n'ya na kaagad ako. Hindi ito yung role na tinahi kasi yun ang kaya o bagay sa kanya, kundi ginawa n'yang kanya dahil binigyan n’ya ng justice.  Halos lahat ng eksena n’ya ay magaling s’ya mula sa pagiging crying diva, OA na kaibigan ni John, at  higit sa lahat iyong pagiging taong nagmahal, natraydor, nagpatawad…na-teggy. charrot!

Nadama ko rin ang build up ng tension nung pumunta  ang role ni Vin Abrenica (ex. BF ni  Mark) sa lamay ni John.  Hindi mo rin kasi mahuhulaan sa una hanggang s'ya mismo ang mag-reveal ng BTS ng mga kabagayan.  Nakakaloka ang backstory Ati  at magaling din si Vin ha. ikinababae ng nilalambing n’ya ( no spoiler kung sino para intense). :P
 
Joross  & EA (Credit: T-Rex Entertainment)
Si Joross Gamboa ay pumaloob din sa kanyang karakter.  Pero may mga times na slight parang may konting pilit pa yung acting n’yang  bading or hindi consistent. Unless mali ako at ang gustong i-achieve ay nagpapakapormal s’ya lagi. May ganoon din naman kasi bading na kung kumilos ay parang malakas makag-sway ng opinion -  kelot o bebot  ba ang trip nito? Pero shaket-shaket din ng love story n'ya kay Luke (Gerald Anderson).  Iyong minahal mo pa rin kahit sa simula pa lang sure ka ng wala kang mapapala.

Mahusay si Joross  sa batuhan at pag-react, gandang-ganda ako sa kanya nung kinastigo s’ya ni Mark sa hagdan. Nandoon sa facial expression n’ya ang guilt, paghingi ng tawad, at takot. Bagay na kahit hindi pa nya bitawan ang dialogue, na-explain n'ya na sa akin ang nararamdaman n'ya. Bravo! Gusto ko rin yung nasa bathhouse sila at nung ni-reveal n'ya ang cancer at  sagot na Sagittarius ni Mark…charrot!

Sa supporting cast, siempre nangunguna d’yan si Dimples Romana. Sa pagganap n’ya bilang older sister ni John ay na-feel ko ang pagiging sisterly n’ya pagdating sa  pagsisisi, at suporta. Next ay mga kasama ni Mark sa Crying Divas musical na sina Ricci Chan at Jojit Lorenzo, plus ang kanilang direktor na si Marlon Rivera.  I wonder kung talagang nagta-teatro talaga sila sa totoong buhay.  Agaw-eksena rin dito si Eugene Domingo na  pumi-French actress in a classic black and white film.      

Direction – Ang gusto ko sa direksyon ni  Julius Alfonso ay gawing casual ang kadalasan na in-o-OA sa  ibang movie.  Nagawa nya ring smooth yung pagse-segue sa drama, musical, at iba-ibang dream sequences including yung French Film.  Kung ibang putcho-putchong film director baka nahirapan itawid ang editing at pagtatagpi-tagpi. hello! Hindi madali ang mag-shoot ng dramedy about death, musical, and then film within a film tapos iba artista.  Alam mo yung shifting, pag-balance, at gawing buo ang bawat aspeto para sa iisang film production.  Doon pa lang I commend Direk Julius kasi I think mahirap iyon kahit man lang sa continuity.

Beshies John  & Mark
Although maraming nag-cameo rito ay hindi sila nang-agaw o nakagulo sa  pinakadaloy ng istorya.  Mahusay ang taste ni Direk na i-minimal ang mga lumalabas sa mga dream sequences para hindi masyado agaw eksena. Kung may parts man na marami hindi lalayo sa mga bida ang atensyon mo kasi extra yung mga nakapaligid. Na- emphasize noon ang pakikipaglaro kay kamatayan.  

Gusto ko rin yung mga kuha at blocking sa simple places –  pagpasok ng pintuan,  usapan sa bintana, at ratratan ng mga beks sa hagdan. Okay din naman siempre ang cinematography sa dalampasigan at set design sa lamay ( mula sa mama ni John at kay John na mismo).  Pero mas tumatak sa akin ang pinto, bintana, at hagdan heheheh.

So overall bet na bet ko itong Deadma Walking at  agree ako sa Grade A nito sa Cinema Evaluation Board (CEB).


BTS: Pre-screening

 Hindi na ako nakatagal sa loob ng red carpet area dahil mahiyaing ek-ek ako.  Pero dumating doon sina Joross, direk Alfonso, writer Cabahug,  Candy Pangilinan, Nico  Antonio,  Alwyn Uytingco, at mga talents ng T-Rex Entertainment.  Humabol din si Gerald Anderson na pinaupo ni EA sa tabi nila.



Sa mga interview ay isa sa nakaka-touch na malaman  doon na naiiyak pala si direk Alfonso tungkol sa movie. After 20 years of doing movies or shows na siya ang isa sa asst. director, this is the first time s’ya mismo ang main director.  Naramdaman ko roon yung gutom at passion and then, finally, ito na.   Doon ko rin nalaman na may young fans si EA at may book version na ang screenplay ni Eric Cabahug.