Lunes, Mayo 22, 2017

3 Annoying Things That Celebrities do in Variety Shows

I liked watching variety shows before sa TV.  I am a fan of those who could host, sing, and especially dance well.  But as we all know, not all celebrities who appear in variety shows (or any kind of programs where they have to perform) are innately talented.  I learned to accept the fact na okay lang kahit hindi magaling since may natututo naman paglipas ng panahon and there others instances they need to do stuff for the sake of promotion. But here are generally annoying things about celebrities in Variety Shows:
Ang entablado sa Amazing Show Philippines


3. Low Energy Performance Level
Of course, mayroong mga tugtog na hindi naman need ng  high energy  at oo mayroong parehong  kaliwa ang paa. Pero sana  'pag sumasayaw o nagli-lip sync  eh mag-effort naman na ganahan. In fact  kayang pagtakpan ng showmanship o kabibuhan ang kahinaan ng talent. Mas ikaliligaya rin ng audience na alam na inaaliw sila sa abot ng makakaya ng celebrity.   

Ang masaklap kasi sa ibang personalities old or new, akala mo ay pinatayo lang sa stage as if viewers owe them a lot.  Hindi lang malamya eh,  parang tamad na tamad. Kung may fans, paki-bati na lang po ang fans please. Give way sa magagaling at ibalik n'yo rin ang tiwala sa inyo ng mga tao sa likod ng programa.

2.  Obviously wishy -washy
Wala naman problema sa lip sync katunayan, even genuine singers do   that.    Pero ang daming stars na ime- memorize na lang ang  buka ng bibig at aawrahan na lang ang kanta, ayaw pa!  Hindi ba nila alam na sa bawat kantang inire-record ang nasa likod n'yan ay artists and skilled music people.    Kung pwede lang ipagbawal  ang ipagamit ang kanta kung kanino-kanino lang, baka magising  ang mga ito sa pagod ng iba.   Sana mapanood ng mga  celebrities na ganito  kung paano ang galawan ng bands, concert artists, at mga performers  na live na live  kinakanta  ang mga awitin. Saulo, mahusay, at may puso.
One of the best lip sync performances I see so far hehehe

Dun sa mga sumasayaw, sana i-memorize and follow the steps. Kung uupo, umupo at kung tatalon, talon hindi yung nakatingkayad. Respect the choreographers who create routines and back up dancers who give their 100%.  Sa mga nagho-host okay lang naman magkamali ng spiels at mamali ng grammar, sino bang perfect?  Pero ang nakakaloka ay kapag hindi  kilalanin yung i-introduce, hindi aware sa flow ng program, at off magtanong o mag-asikaso ng guests.

1.  Letting non-singers to sing, and push non-dancers to dance
For me , maraming consequences ang pagpipilit na  pasayawin  at  pakantahin ang mga taong  wala naman talent sa  ganito, lalong –lalo na roon  sa not willing to improve.

Program's Quality is Longevity and Reputation. IMHO, pinapahina ng isang programa ang kalidad nito, kapag ang bo-boring/ low-class production at nagpi-feature ng wishy-washy performers.  Inuulit ko, okay naman yung hindi graceful pero sana at least yong mga ganado at praktisado. Pero siempre iba rin yung level kung alam mong may ibubuga talaga sa kantahan, hosting, pagpapatawa, at sayawan ang pinapanood mo.  

Letting go our talented artists.  Hindi ko alam kung ano pangit para sa akin o iyong kapangitan na hindi ko ma-take, pero  I am sure na mas gusto kong makakita ng magaling kaysa pretty face lang.  Parang sayang oras ko kapag inupuan ko ang isang buong programa kung hindi ako na-entertain. At hindi nakaka-entertain ang pagtingin lang sa guapo, maganda, macho, o seksi lang.   Lalo pa’t may salamin naman ako este may Youtube, iWant TV, at iba pa. Sasama ko na rin yung audition at contest sa  ibang  bansa.
ito nakaupo lang, pero ilang ulit ko ni-replay hehehe

Oo naroon na tayo na puwedeng sikat eh, pero napatunayan natin na ang mga nagtatagal at nagbibigay kinang sa isang program ay mga produksyon at mga pini-feature nitong trainable, versatile, at kayang makapag-deliver na celebrities.  Alam din naman natin na may artista na talagang acting ang forte.  For celebrities, hindi ba dapat ituring n’yong blessing na makalabas sa isang show dahil nagkaroon kayo ng  pagkakataon  para sa exposure.  Kung hindi man hinihingi na maging magaling o bibo, gawin namang makakaya kasi ang alam ko ay ...

No one is indispensable in showbiz