Sabado, Pebrero 23, 2019

Part II ng Film review ng Alone Together ng LizQuen


Sa part 1 ng review ko ng  Alone Together movie ng LizQuen  ay nabannggit ko ang ilang elemento na nagpatingkad sa pelikulang ito na produced by Black Sheep. Dito sa part 2 ay idedetalye ko naman ang 2 major reasons pa kung bakit recommendable panoorin ang  Alone/Together

Direction ni Antoinette Jadaone  sa Alone Together 



So far ang napanood ko na may touch of Antoinette Jadaone ay On the Wings of Love ( series  nina James Reid and Nadine Lustre),  English Only Please, Walang Forever, at All You Need is Pag-ibig. Dahil sunod-sunod pa man din kong napanood ay napapansin ko yung masasabing “crossovers” n’ya.  Halimbawa marami tauhan sa OTWOL ang nakita ko sa English Only Please at Walang Forever. Nakita ko rin ang ilang settings n'ya sa OTWOL sa All You Need, particularly ang Estero sa Binondo.

Ang point ko ay sige magaling siya  bilang writer at sa concept na makaka-relate ka, pero may doubt pa ako sa direction pa ( o kung trip ko yung directing style n'ya). Magaling s’yang gawing casual at natural ‘yong parang hindi kapani-paniwala sa realidad mo.  Gawing kabilib-bilib  na may prince charming na darating sa buhay mo sa  casual nitong anyo. Iyon lang baka nauubusan s'ya minsan o kung sino man staff n’ya ng idea para sa maliliit na bahagi, pero kapansin-pansin. Ilan na nga rito ang casting, location, at oo minsan itodo pa sa kakaibang visual. 

Dito sa Alone/ Together ay totally gusto ko ang work n’ya bilang director.  Ewan ba't nagkakataon at gaya ng nasabi ko sa part 1 ng Review ng Alone / Togethe ko ay karamihan  ng locations n’ya ay napuntahan ko. Yes pati yung mga inupuan nila sa U.P. at emergency room ni Quen. So I can attest na yong ambiance ng lugar ay maayos n'yang naita-translate sa big screen.  Nabibigyan ng highlight iyong lugar kahit background lang sila sa eksena at magagandang artista gaya nina Liza Soberano at Enrique Gil

Sa direction sa acting, IMHO ay nahubog n'ya ang mga artista n'ya sa  mga karakter na nilikha n'ya. Sa movie ay oo physically ang nakikita ko ay  ang pointed bone sa nose ni Liza at foreigner eyes  Enrique, pero iba ang persona nila rito. Kabilib-bilib na sila ay sina Tin at Raf, lalo na yung college days nila na halos walang make up maliban sa pimples ('yon pa talaga ang prosthetic ha). Sa older parts, Raf na Raf sa akin si Enrique. Hindi n’ya rin hinayaan na ma-under  guide 'yong mga extra at supporting cast gaya ng palibre sa  estudyante meal sa UP campus, tsika ni Art Major Prof ( Nonie Buencamino), yung nanisi kay Tin sa office, at siempre kina Jasmine Curtis-Smith at Adrian Alandy (formerly Luis Alandy). 

Magaling si Alandy rito, effective ang pag-arte n'ya ng isang lalaking nakaka-intimidate “na mahal mo naman kaso parang hindi ka masaya sa piling n'ya kaya parang ang sarap n’ya ingod-ngod sa dalawang plato ng green salad hehehe.

Believable acting sa Alone Together movie  

Kung ako ang tatanungin pwedeng magka-best actress at best actor award dito sina  Liza Soberano at Enrique Gil. I don’t have to watch all their shows o movies (though napanood ko ang Bagani, My Ex and Whys, Just Way you Are, at Dukot) para ma-tsek ang progress. Dito pa lang sa Alone Together movie ay convinced na ako na they're not only celebrities, they are dramatic actors. 


Enrique Gil’s acting

Of course mas matagal si Enrique so mas marami na siyang experience. Pero doon sa mga napanood ko, na karamihan ay romcom, pakiramdam ko nalilimitahan s’ya, parang may limitation s'ya, o nagmumukhang pare-pareho sa paningin ko. Ang nakita ko rito sa Alone/ Together ay iba, para bang ready na s’ya to take mature, serious, and older roles.  I wasn’t expecting na mararamdaman ko yong pagka-father figure niya, pero surprisingly believable. Ang galing-galing n'ya pati sa damuhan sa bandang New York, at dun sa paglabas-labas ng emergency room.

'Yong proposal n'ya sa gate nila Tin ( Liza) at sa damuhan ay magkaiba.  Napansin ko ang level up sa damuhan at doon ko rin naramdaman yung Raf sa pagkatao n'ya.  Iyong bitaw ng linya at iyong expression ng mukha ay peste parang ako ang na-frustrate kay Tin. Ako yung safeguard konsensya na gustong tumapik sa kanya at magsabi “Alam mo Raf, hindi na sapat ang paghabol mo mula Maginhawa St. to New York. Tama ka na magalit sa kanya at magpahabol sa labas ng ER ng VMMC.”  Teka parang di ata konsensya ang tawag doon a.  

Sa ibang banda, masasabing ang Alone Together movie is more of Liza Soberano film.  So ang datingan ay leading man s’ya ni Liza. Ganun pa mana bilang leading man at actor sa Black Sheep movie na ito, he totally nailed it!

Liza Soberano’s acting

Sa mga nagsasabi na hindi nakakaarte si Liza, hindi ko na alam kung ano pa ang pamantayan nila. Dito sa Alone/ Together ay  nai-deliver ni Liza ang  passion ng isang art major, ang ma-pressure at self-doubt lalo na’t magna cum laude ( I know I have a friend  na ganito), ang ma-frustrate dahil nabalewala lahat, ang panghihinayang sa the one who got away, at fear na balikan ang spot kung saan ka nadapa para makapagsimulang ulit.  

I praise Dir. Antoinette Jadaone sa directing at writing, but I can say 100% na ibinigay din ni Liza ang kanyang makakaya sa part ng acting. Dahil sa pagganap n'ya kay Tin naramdaman ko yung saya  na maging guide sa National Art Museum,  iyong sarap tumambay at kumain ng Isaw sa  UP, ang malungkot sa itinakbo ng iyong buhay, at ang masadlak sa sitwasyon na okay naman, pero puno  ng what if.  Pesteng what if talaga na yan, hahaha.


Ang pinakagusto kong mga eksena niya ay yong opening  when Tin says something about history, nang sumagot s’ya sa mga rationale ni Raf sa New York’s damuhan, at nang walk out s’ya pa-green salad ni Alandy. Dahil sa mga iyon, parang 'Day at 'Dong ay gagawin ko na yung magagawa ko ngayon, kaysa magaya ako sa paghihirap ni Tin ng more than 5 years.



Overall recommended kung panoorin ang  Alone Together movie especially sa mga fresh grad, may quarter life crisis, o nag-aanalisa ng kanilang career 5-7 years ago. You know para masagot mo rin ngayon kung where do you see yourself five years from now?

Mabuhay!





Martes, Pebrero 19, 2019

Part 3: 5 ng 15 Posibleng Best Young Pinoy Actors



Nagtagal sa draft folder ko ang part 3 ng 15 Posibleng Best Pinoy Actors. Sa sobrang tagal nga ay nabalitaan ko na  lang na may umalis sa listahan, tapos nakabalik na rin ng Pilipinas, hehehe. Please take note na hindi ko inilagay na “posible” at walang kinalaman sa image or attitude problem ang pagkilala/ pag-aanalisa ko. I am not a fan of any of these young actors, pero I acknowledge na standard ko sa acting (hall of fame kung baga) sina John Lloyd Cruz, Eugene Domingo, Charito Solis, at… ah sa next post na lang.

For recap, hindi ko na isinama ang above 30 year old actors at ang order ay base sa edad. Ang lahat ng ito ay base lamang sa aking obserbasyon at mga napanood.    So heto na nga kabataang Pinoy na artista na magaling o mukhang magaling sa pag-arte:  
5/15 na pala ang nakita ko ng personal na  Filipino Young Actors 




Good Filipino Actor, Khalil Ramos 23


At first, akala ko kilala ko na ‘yong nababanggit na Khalil, ‘yon pala I was thinking of Khalil Kaimo, the son of former News Anchor Mari Kaimo.  Pero definitely sulit na ang mga proyekto niya na napanood ko para hindi lang makilala, kundi kilalanin rin ang galing ni Khalil Ramos.  In fact, hindi ko na alam kung ilang beses ko na siyang napanood. Pero ang tumatak sa akin na performances niya ay sa A Second Chance (bilang apprentice ni Popoy), batang gang member sa  Honor Thy Father, at bilang Eugene Barutag sa Kid Kulafu.
Credit : @thekhalilramos

Kumakanta rin pala itong binatang ito na nali-link kay Gabbi Garcia, at nagsimula s'ya bilang contestant sa Pilipinas Got Talent. Sa interview niya sa Tonight with BoyAbunda, nalaman ko na isa ring siyang director, videographer, at entrepreneur ng sarili nilang kompanya.  Wow ha!


Deep Filipino Young Nash Aguas, 20

I am one of the people that waiting sa mga susunod pang projects ni Nash Aguas.  Bakit? Halos nasubaybayan ko kasi ang karera ni Nash mula sa Star Circle Quest. Nakikita mo na hindi lang s’ya bibo, kundi talented na bata.  Pero I guess gaya nina Carlo Aquino at Patrick Garcia na naging child stars at teen heartthrobs, hanggang maging deep young actors ay hindi s’ya ma-showbiz na tao.  Gusto lang n’yang umarte at mag-perform.  Napanood ko sa Gandang Gabi Vice na mayroon s’yang food business at napag-alaman ko rin na nagdi-direk na s’ya ng isang mobile show. So kahit naman pala hindi napagkikita sa sa small screen si Nash ay abala s’ya sa ibang projects. Mayroon silang movie ni Sharlene San Pedro ang   Class of 2018.

eh sa may picture ako with him and Katrina Legaspi (noong bata pa sila at ako hehehe)


But I hope soon masundan ng similar TV project or movie ang Bagito. Nash has capacity to portray delicate roles gaya ng ganun.  Hindi nga ba’t ang galing niya bilang Calvin sa The Good Son.
Credit: @zackwey/ Instagram

Slowly, but surely Miguel Tanfelix 20

Ka-generation ni Nash at mahusay din itong si Miguel Tanfelix. Una ko s’yang napanood sa Mulawin na pinagbidahan nina Richard Gutierrez at Angel Locsin. Sinunadan ng Biritera, Wish I May, at Encantadia. Malakas ang BiGuel ( his loveteam with Bianca Umali) dahil may ilang serye at project nila. Heto na nga ang Sahaya nila.
Credit: @migueltanfelix_


Sana lang ay masubukan din sa big screen ang tambalang BiGuel o si Miguel. Perhaps barkada movie naman kasi puro drama about love ang nagagawa. Why not sama sila ni Nash sa isang project. 



May potential: Edward Barber 18/ Marco Gallo 18


Nag-aalangan pa akong ilagay ang alin sa kanila o silang dalawa mismo kasi yung pinakamahabang acting activities nila na napanood ko ay sa Pinoy Big Brother pa. Pero ang listahan na ito ay hindi naman sa napatunayan lang kundi sa potensyal din na maging finest actors given the opportunity at effort ng artista… sa tingin ko so far.

                Marco Gallo

Bago ko isulat ang article na ito ay isa na si Marco Gallo sa naglalaro sa isipan ko.  Naisip ko na ito ‘yong TV personality na na-eclipse image dahil sa  love team issueWala akong masasabi at karapatan about doon. Ang opinyon ko lang ( gaya sa lahat ng common issues sa Philippine showbiz) ay masyadong kasing nai-invest sa love team ang simula ng kanyang karera. Hindi lang naman s'ya, kundi napakaraming Pinoy actors na akala mo deadend na ang career nung nawala ang love team.  Pero gaya rin ng alam natin, marami-rami rin naman ang actors na nawala sa love team pero umalagwa kinalaunan. Hello Jericho Rosales,  at Piolo Pascual! May actors din na hindi na na-identify sa love teams gaya nina Jake CuencaDennis Trillo at Coco Martin.  
Marco Gallo
Credit: @marcogalloc/ Instagram

 Balik tayo sa acting potential n'ya. Since PBB ay malakas ang dating ni Marco na imposible na hindi mo s’ya mapanpansin.  Noong ginawa ang activity for the promo ng Barcelona: A Love Untold ay naipakita sa akin na ready ito for drama workshop. Noong napanood ko s’ya sa WansapanataymThe Amazing Ving ay napakita  n’ya sa akin ang potensyal n’ya na mag-kontrabida.  Naiisip ko pa nga ang younger at Italian version siguro ito ni Jake Cuenca.  Noong napanood ko ang Loving In Tandem, ipinakita n’ya na he’s a good supporting actor. By that time,  puwedeng sabihin ( nabanggit ko rin sa aking movie review ) na parang hindi talaga s’ya pang-love team.  Sadly, umuwi na si Marco sa Italy , at good thing bumalik s’ya para subukan ulit after 6 months. Hehehe!

My wish for Marco are these: focus sana s'ya on how to be good in acting and modeling, and learn how to articulate what you really mean.  Ang naiisip ko na okay na dito ngayon sina Dingdong Dantes at Paulo Avelino.  

                Edward Barber.  


Hindi ko pa nakikita ang First Love (nasa Toronto kasi ako that time na showing sa 'Pinas 'to, charrot), pero napanood ko ang performance n’ya sa Loving in Tandem,  Wansapantaym, at La Luna Sangre

Credit:  @edward_barber

  Kumbinsido ako na may potential s’y sa acting  kahit facial expressions pa lang ang partida. Sa LIT ang galing n’ya nung nalaman n’ya na si Shine ( Maymay Entrata) ang salarin. Pero siempre may ile-level up ang acting niya kung mahasa s’ya sa PAGBATO (hindi saulo lang gaya ng iba) ng Filipino lines, at… maiwasan ang common facial expression n’ya na umaarko ang kilay at napapapikit ang isang mata kapag nagsusungit.

I am not saying bad ito sa acting, at  puwedeng mawala dahan-dahan lalo na kung magme-method acting s’ya. Itong mannerism / acting/ facial expression n’ya na ito ay mula pa sa PBB: Titig ng Pag-ibig at makikita rin ito sa ilang naunang pictorials n'ya. Pero overall mukhang deep ang acting nitong batang ito.
eh sa napatingin s'ya sa akin dito e. hehehe

Dramatic Zaijian Jaranilla, 17


Bago itong pagiging Liksi n’ya sa Bagani ay ang tagal ko ring nakikita sa “younger” roles si Zaijian. Younger as in younger Coco Martin sa Ikaw Lamang at Xian Lim sa A Story of Us.  But in fairness ay pare-pareho rin ang kanyang kaparehang ma-“younger” role din na si Alyanna Angeles.

Ganun pa man, palaging pinapatunayan ni Zaijian na mula May Bukas Pa hanggang sa Bagani, ang galing niya sa pag-arte. Sana mabigyan pa siya ng meaty projects na hindi man bida agad ay magmamarka talaga.  Ganda kaya ng mata n’ya at boses na kapag nag-deliver s’ya ng nakakaawang tono, kakaawaan mo talaga. Kapag gawan ito ng teleserye na tipong matinding kahirapan at realidad ng buhay, maaantig ka pa sa kanya. 

Sana subukan n'ya mag-independent films din.  Nakikita ko yung slight ng realistic indie drama acting ni Coco  sa kanya, bulong guilty acting ni Echo, at painosente pakilig acting ni... Sa kabuuan may sarili naman s'yang atake e.  Nagagalingan ako sa kanya. 
 
Credit: @zaijianjaranilla1/ Instagram
By the way, nagagalingan din ako kina
  •         McCoy de Leon,23 years old lalo na sa pagganap n’ya sa The Good Son
  •          JC Santos, 30 sa lahat ng performances niya actually
  •          And  I’m looking forward sa pagganap ni Benjamin Alves sa Manuel L. Quezon