Huwebes, Marso 15, 2018

9 Effective Sidekicks sa Filipino Movies, Television

Nakakaapekto sa pananaw ng manood tungkol sa isang bida kung paano ito mag-react sa kanyang sitwasyon at  makisalamuha sa mga tao sa kanyang paligid. Kaya hindi ako agree,  kapag  sinasabi  na walang kwenta ang kontrabida, extra, at sidekick ng bida.  Minsan kapag sabaw talaga ang acting ng bida at magaling talaga ang sidekick ay ito pa nga ang  magmamarka sa iyo.  Narito ang personal picks ko ng mahusay na sidekicks na napanood ko.


  • Eugene Domingo. Bago pa maging “the Ms. Eugene Domingo as in Ms. Eugene Domingo” ang versatile actress na ito ay napanood ko sa dati sa Dulo ng Walang Hanggan (starring ClaudineBarretto) at  Kampanerang Kuba  ( top billed by Anne Curtis). Sa mga programang pa lang noon ay talagang ipinakita ni Eugene ang pagiging actress n’ya lalo na ang galing n’ya sa komedya.  Sa Dulo ay epic ang bangayan nila ni Mylene Dizon  na primera kontrabida sa serye at siya naman si Simang.  Ang ganda ng dymics ng kanilang mga karakter at mahusay silang pareho bilang kakampi at kontra sa bida. By the way, magkasama rin sila sa independent film na 100. Sa Kampanera ay forever ko atang matatandaan ang kanyang pag-aastang Inglisera with British accent. 



                Siempre ang isa sa hindi malilimutan na role n'ya bilang sidekick ay noong maging bff s'ya ng karakter ni Ai Ai Delas Alas sa Tanging Ina film series.  Alam mo ba’t pa ako  galing na galing ka Eugene? Hindi kasi s’ya 'yong may iisang style na pagpapatawa at nakabase lamang sa ganda ng dialogue. Nandoon ang timing, delivery,  at galing sa pag-interpret sa kanyang role.



  • Ryan Bang. Actually kailan lang ako napahanga ni Ryan Bang.  Akala ko kasi  para lang s’yang ibang patawang foreigners before na sumikat at lumubog kasi kakasawaan mo o wala ng ibang nai-offer. Pero  iba itong si Ryan sobrang tawang-tawa ako sa kanya sa Loving In Tandem  (nina Maymay Entrata at Edward Barber)  at My Ex and Whys nina Liza  Soberano at Enrique  Gil.     

                Oo nandoon na hindi na mahiwalay sa kanya na kailangan may dugong Korean 'yong role n’ya. Pero sa 2 films na iyan at sa isang interview na napanood ko sa  Gandang Gabi Vice ( with James Reid, Brett Jackson, at Sam Concepcion) natural talaga s’yang funny.  Sa Loving tawang-tawa ako sa pagiging anak n’ya  kay Aling Remedios (Carmi Martin) at panunukso n’ya  kina Luke at Shine  ( Edward at Maymay).  Sa My Ex naman ay iba rin ang dating n’ya bilang bff nina Cali at Gio (Liza at Enrique) at favorite ko yong sa Airport scene. 


Balita ko may new movie siya with Kim Chiu, wow level up and for me deserve nya na ma-try ang pagiging leading man.     

  • Janus del Prado. Ang alam ko marami na akong napanood na films na kasama si Janus pero ang mabilis na pumapasok sa utak ko ay ang  One More Chance at A Second Chance  (nina John Lloyd Cruz at Bea  Alonzo), then yong Magic Kingdom ( kung saan introducing si Anne Curtis). Para s’yang malokong tao pero loyal na kaibigan. Patatawanin ka na n’ya na tipong hindi mo maaasahan na magbibigay sa iyo ng matinong payo. Pero alam mo rin na nandyan lang s'ya para damayan ka.  May isa siyang film na napaiyak at nagalingan ako sa kanya, inaalala ko pa kung ano. Pero ang sure asar ako sa kanya at sa uod n’ya sa Magic Kingdom hehehe.




  •   Sef Cadayona. Mas napanood ko naman si Sef sa Juan Tamad na siya ang bida at sa Bubble Gang. Pero nasilip ko rin ang performance n’ya bilang sidekick sa ibang show gaya ng Mundo Mo’y Akin at okay ang performance n’ya. May espesyal s’yang kulit na nagpapakulay sa kanyang pagganap at sa sinumang kasama n’ya sa proyekto. Siguro ang dapat lang i-work out sa mga roles na ibibigay sa kanya ay bigyan naman ng ibang kulay at timpla.  Parang tumatatak sa isipin ko ay magaling s’yang sidekick pero nagmumukha s’yang typecast kasi yong roles mismo  na napupunta sa kanya ay halos pare-pareho.  Nakikita ko ang galing n’ya sa Bubble Gang e, pero 'pag nilagay na s'ya sa ilang series (at lalo pag napagsunod-sunod mo) parang tipikal lang ang dating. I hope na  mismo si Sef o ng manager n’ya ay mag-step up to get roles na magpapakita pa acting chop ng aktor.  Bahala na kng ito ay comedy o drama. Feeling ko lang kaya n'ya rin ang Tipong Christian Bables sa Die Beautiful na oo support lang sa bida pero markado. Who knows he could be the next sidekic na naging bida like Vhong Navarro, Michael V., or the leading man na patawa pero madrama pala. 
  • Panchito at Babalu – Ang dalawang ito ay hindi mahihiwalay sa pangalan ng yumaong si Dolphy.  Pero may science and magic kung bakit  nag-work  ang kanilang  tandem sa King of Comedy ng Philippines.  Ang naalala ko pa sa mga roles na ginampanan nila with Dolphy ay hindi  talaga ‘yong close na close sa bida. Minsan sila pa ang nang-aasar, nanlalaglag, at kumokontra. Iyan pa bukod sa talagang ang papel nila ay villain. Pero napanood ko na rin sila sa ibang lumang films na iba ang kanilang ka-tandem at effective talaga sila sa kanilang ginagawa.






  • Rene Requiestas.  Kung sina Babalu at Panchito ay ay Dolphy si Rene Requiestas naman ay kay Joey De Leon. Marami munang pinagsamahan ang dalawa bago pa nagbida si Rene at maging leading man sa ibang artistang babae. Pido Dida?  Minsan nahahagip pa sa feed ko ang mga video clips ng old films niya ganyan siya ka-effective hanggang ngayon kahit 25 years na pala s’yang patay.


  • Nikki Valdes.  Hindi ko na rin alam kung ilang beses na napanood ko si Nikki sa movie at TV  pero I am sure  na karamihan doon ay sidekick s'ya.  Hindi ko na s'ya  masyadong napapanood pero nakita ko once na nasa Sana Dalawa Ang Puso  (Jodi Sta Maria, Robin Padilla, and Richard Yap series). Pero dati talaga kung may pambansang sidekick sa  Star Cinema ay pasok na s'ya especially sa rom-com movies nina Claudine Barretto, Jolina Magdangal, at iba pa. 



  • Jose Manalo. Sa lahat ng binanggit ko sa listahan na ito ay si Jose Manalo ang tipo ng sidekick na mas naalala ko sa live show hosting.  Mas kaabang-abang s'ya sa akin 'pag sila ang tandem ni Bossing Vic Sotto sa Eat Bulaga. Well aside ‘yon sa JoWaPao (with Wally Bayola and Paolo Ballesteros). Para sa akin yaman s’ya ng long running noontime variety show sa Pilipinas.


Ilan pa sa 'di malilimutan na sidekick na ang iba ay na naging nagbida rin ay sina Dencio Padilla kay Fernando Poe Jr.,  Roderick Paulate ( especially kay Maricel Soriano),  Beauty Gonzalez ( sa Moon of Desire) at isa naging okay  ko na nag-transition from mere kontrabida to sidekick at taytayan Dick Israel.     Sorry baka di mo na sila kilala ilan sa binanggit ko, pero lumaki ako sa bahay na mahilig manood ng movies mula sa lolo at lola, nanay, tito, at mga kapatid. hehehehe. 

Pero alam mo ang napansin ko sa karamihan sa pagkakagawa sa  sidekick roles sa Pinoy films or series ay bibihira iyong may nuances para magmarka.  Kailan lang napanood ko ang Whatcha Wearin'? (Korean film starring Ji Sung and Kim Ah-Joong) at magaling ang actors at pagkakagawa ng kanilang character). Madalas kasi rito sa local ay parang basta alalay o matalik na kaibigan na kapag may love life o patawa ay okay na karakter nila. Bibihira 'yong ginalingan sa pagkakahabi ng roles gaya yong kay Juan Miguel Severo kay Jake Cuenca sa Ikaw lang ang Iibigin (gusto ko yong sa episode Nov. 13) at kay Albie Casino san On the Wings of Love. Nagamit pa ang kanyang character sa  pag-i-introduce ng spoken poetry sa madla. Naloka rin ako sa kanya sa Walang Forever nina Jennylyn Mercado at Jericho Rosales.