What if Joshua Garcia
and Julia Barretto won the best
actor and the best actress trophies in the 2016
Metro Manila Film Festival Awards Night because of their portrayals in Vince and Kath and James? I guess that’s really remarkable, hindi lamang
baka ito ang first acting awards nila o dahil bata sila, kundi dahil oo
mahuhusay na artista at pelikula ang kanilang nakalaban.
The weak sides of Vince and Kath and James
Actually wala naman akong halos makitang flaws sa kaisa-sang
movie na produced by a major film outfit (Star Cinema) na ito sa 2016 MMFF. In fact, tama nga iyong suggestion ng friend
ko na mahirap din naman paglaba-labanin ang acting ng mga artista na nasa magkakaibang genre. Dapat magkaiba ang nanalo sa best actress sa comedy, drama, at musical.
·
It has
the usual rom-com formula – Naiiba ang VKJ ngayon dahil sa variety ng klase ng mga 2016 MMFF entries. However compare to
other romantic comedy films it has a minimal chance na mag-shine especially na
napaka-predictable ng story. Note: Alam ko lang na may pinagbasehan ito
(online series Vince and Kath) pero di
ko nabasa o alam ‘yon.
·
Ronnie Alonte and Ina Raymundo – I don’t think walang edge ang characters nina Ronnie
(James) at Ina (Vince’s Mom) para hayaan o 'wag nilang ibigay ang kanilang
makakaya. Ang maiisip ko lang na
magandang excuse dito ay bago pa lang si Ronnie. Si Ina magaling naman sa ibang acting gig n’ya like sa The Millionaire’s Wife (GMA) pero dito ang napahanga n’ya lang ako na
na-maintain n’ya pa rin ang kanyang seksing pangangatawan ( inggit lang
hehehe). Pero sayang talaga yung roles nila dahil mahahalaga sa kabuuan ng movie.
Ang bago-bago ng dating pero pagdating sa acting kanila para akong nanonood ng isang old film. Kay Ina, okay naman s'ya dun sa ilang eksena n’ya with Josh sa restaurant pero the rest waley
lalo na sa school. Bigay na bigay pa
naman si Joshua dun.
The strong sides of Vince and Kath and James
·
Joshua Garcia
- this is just the second time na mapanood ko si Joshua. Na-introduce s’ya sa akin
ng movie nina Kathryn Bernardo and Daniel Padilla, ang Barcelona: A Love Untold. Doon pa lang ay trip ko na ang acting n’ya na
maloko pero kapag tinamaan ng kadramahan, maaantig ka rin. Nadala n’ya yong ganoong feel sa character
niyang si Vince in a right and effective way. Ang kulit-kulit n’ya pero hindi siya
nakakabuwiset, kundi hahanap-hanapin mo kasi iyon ang nagpapakulay ng mag-hapon
mo. Tapos kapag nalaman mo yung kwento n’ya
mas mapapalapit s’ya sa puso mo. Kasi
sa askyon at paraan n’ya ng pananalita ay parang ang lapit ng loob n’ya sa iyo. Hindi
ko alam kung ganoon talaga ang pagkakahulma sa original version ni Vince pero
magaling ang portrayal dito ni Joshua. Gusto ko ang scene n'ya sa school at nung nalaman
na ni Kath yung totoo na siya ang ___ n’ya :p
By the way, may hinahambing siya kay John Lloyd Cruz. IMHO, maaaring meron pero kurot lamang at
baka sa kahawig pero mas nakikita ko s’ya as siya talaga. May potensyal itong
batang ito at sa mga male young stars na
nabigyan ng makulit na role, s'ya pa lang yung malakas ang dating sa akin.
·
Julia
Barretto – ito naman ang unang pagkakataon na mapanood ko si Julia pero
siempre aware ako sa background n’ya. Kung may kumukwestyon man noon sa kanyang
pag-arte, hindi ko sila pinaniwalaan at paniniwalaan lalo na ngayon. Ang kanyang pagganap bilang Kath ay hindi
naman sobrang level up kumpara sa ibang young stars (pa) PERO she can deliver at ito pa lang ata ang
major role na nasungkit n’ya. Noong una
medyo nahihirapan ako na tanggalin sa isipan ko na parang Claudine Barretto din. Pero bilang Kath nailalabas niya sa kanyang pagganap na "hey, I am Julia Barretto and this is how I portray my role.
·
I like
the settings/ locations – Nakarating na ako sa Maginhawa Food Park, pero
parang gusto ko na sugurin soon ang Commonwealth Food Park. Gusto ko ang arte
ng #Feels Café que totoo iyon oo tsika lang sa film na ito. Gusto ko rin ang
pagka-ragged sa Tessy feeds chuvaness, aura sa School façade, at talyer ng
tito daw ni Kath.
Maris Rascal - May pagka-common din ang role ni Maris sa film. Alam mo yung Kikay na babae na nagkataon na kaibigan na minsan kairita. Pero sa version ni Maris at sa kanyang pagganap, ang nakakatuwa at nakakatawa. Parang kapag nagkataon na nagkagustuhan sila ni Vince, boboto rin ako e.
Maris Rascal - May pagka-common din ang role ni Maris sa film. Alam mo yung Kikay na babae na nagkataon na kaibigan na minsan kairita. Pero sa version ni Maris at sa kanyang pagganap, ang nakakatuwa at nakakatawa. Parang kapag nagkataon na nagkagustuhan sila ni Vince, boboto rin ako e.
·
Cool yung
visual effects and cinematography - Bago kami nanood ay medyo kinondisyon
ko na baka medyo boring iyong palitan ng
text. Sorry di ko ugali ang magbasa ng
text ng iba, charrot! Pero hindi naman pala, cool and artistic naman ang visual
presentation kasama na ang looks, background, and graphics.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento