Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Edgar Allan Guzman. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Edgar Allan Guzman. Ipakita ang lahat ng mga post

Miyerkules, Agosto 1, 2018

Part 2: 5-10 of 15 Good Young Filipino Actors

I guess maraming young actors ngayon ( at 'yong mga dati rin) ang dumaan sa pagka-frustrate kapag hindi sila nabibigyan ng chance to shine. Bilang manonood ay nakaka-frustrate din naman magsayang ng pera at oras (lalo na sa sinehan) kung disappointing ang performance ng star na binigyan ng pagkakataon para magbida o magkontrabida.  Kaya  bilang pagkilala sa mga awesome, narito ang second  5 ng 15 young actors na napanood o sa tingin ko ay good Young Filipino actors (under 30):

Movie Poster ng Die Beautiful (SM City Fairview)


(Arranged according to age per batch) 
Part 1 of the list  <here>


Edgar Allan Guzman, 29

Nabanggit ko dati na  si Edgar Allan Guzman o EA, dahil effective ang acting,  ay mapapabilib kang “pogi” at  “lodi” mo s’ya.  Ganito  kasi na-feel ko noong napanood ko s’ya sa Unofficially Yours, Deadma Walking, Ligo na U Lapit Na Me, at isang episode ng Maalaala Mo Kaya (kasama si Kim Chiu).    




I think he’s doing right naman when it comes sa acting at pagpili ng projects. In fact talagang kapuri-puri ang performance niya sa Deadma Walking.  IMHO ang kailangan na lang n’ya ay string of commercially successful films pa para umalagwa ang kanyang karera. Promising sana ang tambalan nila ni Kim, pero puwede rin s’ya sa mga linyahan ngayon nina Bela Padilla at Alessandra De Rossi sa indie films. 


JM de Guzman, 29

To be honest, hindi pa ako nakapanood nang bongga ng anumang teleseryeng napagbidahan ni JM de Guzman.  Pero kung pagbabasehan ko ang mga pelikula niya na napanood ko, na mostly hit independent films, ay hindi kataka-taka na tuloy-tuloy ang kanyang mga proyekto mapa-TV o pelikula.  He’s also a living proof ng good actor  na kayang i-overcome ang bad issues ( but I hope okay na s'ya).  Sarap din balik-balikan ang kanyang performance sa Ang Babae Sa Septic Tank (part 1) at That Thing Called Tadhana.





Dominic Roco, 29

Napanood ko na ang ilang minor roles n’ya, pero  hindi ko s'ya masyado napansin dati. Naiba noong nagbida s'ya sa Ang Nawawala dahil doon ko na-realize na may ibubuga ito  kahit pa hindi masyado masalita ang kanyang role. Mayroon s’yang angst at saka comedic timing na minsan lang lumabas pero dale ka talaga.  




 Incidentally, after nito ay wala na akong naalalang napanood na ibang project ni Dominic. O naguguluhan pa rin ako kung sino si Dominic at Felix Roco? Good thing kasama s'ya sa Contessa na pinagbibidahan ng ni Glaiza De Castro.

Arjo Atayde, 27

Bilang manonood walang masyadong bearing sa akin kong kung ang pinapanood ko ay anak ng isang artista. Sa umpisa lang naman 'yang pa-publicity na mula sa angkan na ganito o ganire at bandang huli ay i-appreciate mo ito kung magaling talaga.  Sa kaso ni Arjo Atayde, hindi s’ya nakakahiyang ipakilala na anak ni Sylvia Sanchez at kahit 'wag pa nga i-mention kasi pinatutunayan ni Arjo na ang trabaho n'ya ang magpakilala sa kanya.


On the other note, hindi man ako avid viewer ng Ang Probinsyano ay sa ilang beses kong napanood ito at nandoon si Arjo ay wow talaga ito.  For his age, nakakabilib na kaya niyang  gawin 'yong ganoong  kabigat na pagkokontrabida. Iyong mukha n’ya ay parang boy-next-door especially dahil sa kanyang dimples (tuwang –tuwa ako sa dub smash at dance videos n’ya).  Sayang hindi ko na napanood  ang Hanggang Saan na pinagbibidahan nilang mag-ina, pero base pa rin sa mga  napanood kong video clip ay binigyan n'ya ng magaling na suporta si Sylvia roon.

Christian Bables, 25

Sa lahat ng binanggit ko sa listahan na ito ay si Christian Bables ang isa pa lang na proyekto ang napanood ko. Subalit kahit 'yon pa lang ay markado na para masabi ko na may ibubuga ito sa acting. Sa Die Beautiful ay gumanap siyang si Barbs Cordero, ang beki best friend ng bidang karakter na ginagampanan ni Paolo Ballesteros.



Bago ang movie na ito ay totally hindi kilala si Christian, so ang impression ko ay siguro bading o  silahis talaga ito, ang galing e. Pero hindi punto rito kung bading s’ya o hindi in real life, kundi nasa galing ng acting n’ya. Extra bonus na lang kung first time n‘ya gumawa ng gay role kasi challenging ito just in case and yet, he pulled it off. Ano pinagkaiba ng kanyang pagkakaganap at pagkakagawa ng Barbs Cordero sa iba? Hindi lang nagmukhang sidekick o supporting role, kundi nagmukha na rin s’yang bida.  

Lunes, Disyembre 25, 2017

Movie Review: Deadma Walking nina Edgar Allan Guzman, Joross Gamboa

Advance kong napanood ang Deadma Walking starring Joross Gamboa and Edgar Allan Guzman. Itong film na ito ay hango sa Palanca award-winning screenplay ni Eric Cabahug at sa direksyon ni Julius Alfonso. Tagal na rin na hindi ako nakakapanood ng film sa premiere night or pre-screening nito so maiba din ang experience bukod sa panonood.



Review ng Deadma Walking

Sa kabuaan, ang pinakagusto ko sa film ay hindi nito pina-feel sa akin na may gay issue. Iyong tipong alam mo yung parati na lang may “hindi matanggap dahil bakla kasi ako.” Bagkus ang ipinagdiinan ay pagkakaibigan, paghahanda sa kamatayan, pagmamahal, at sino ka ba sa malalapit sa iyo?  Kahalo pa d'yan yung seryoso, kalokohan, at pagiging kabogera na espesyal na maihahatid lamang ng ating mga kafatid.  

Narito pa ang aking paghihimay at rebyu sa pelikulang ito na produced by T-Rex Entertainment at OctoArts :
   

Screenplay 


Isa sa laman ng post kong 7 Reasons Why I Watch Deadma Walking  ay ang screenplay ni Cabahug na naging second prize winner sa Palanca Awards. Parang bakit kaya at paanong nangyari?

Nung napanood ko, I think dahil iyon sa may entertainment elements na, may moral values  pa ang pangyayari sa buhay ng two lead characters. Oo  may mga nakakatuwang hirit sina John (Joross) at Mark (Edgar) pero hindi sila out of character. Na-establish nang maayos ang kanilang persona. Hindi nakakagulat kong puma-punch line sila at hihintayin mo naman kung kailan ulit. 

Mahusay din yung pagkakatawid ng konsepto na paano paghahandaan ng isang tao ang kanyang kamatayan kung may chance. Ganun din, kung ano kaya madidiskubre sa ganitong eksena o event.

Nakakadagdag din yung pagpasok ng career ni Mark bilang stage actor. Nung una ay tinuturing ko iyon na pang gap sa mabibigat na eksena. Pero na-realize ko na nakatulong pala iyon para makilala ko pa si Mark. Iyon din ang strong point for me ng screenplay, may dalawang two colorful characters para sa isang interesting "what if" idea.

Sa mga eksena, ang pinakanatawa ako ay sa mga dream sequences kung paano nila ie-execute yung pagkamatay, burol, at libing.  Doon pa lang magaling na si EA. Sunod naman ay yung lamay ng nanay ni John na dinaluhan ng mga queens. Wahahahaha lang talaga!


Acting 

  
Ang superb ni Edgar Allan "EA" Guzman bilang si Mark at sa ilan eksena pa lang ay nakuha n'ya na kaagad ako. Hindi ito yung role na tinahi kasi yun ang kaya o bagay sa kanya. Bagkus, ginawa n'yang kanya dahil binigyan n’ya ng justice. Halos lahat ng eksena n’ya ay magaling s’ya mula sa pagiging crying diva, OA na kaibigan ni John, at higit sa lahat iyong pagiging taong nagmahal, natraydor, nagpatawad…na-teggy. charrot!

Nadama ko rin ang build up ng tension nung pumunta ang role ni Vin Abrenica (ex. BF ni  Mark) sa lamay ni John. Hindi mo rin kasi mahuhulaan sa una hanggang s'ya mismo ang mag-reveal ng BTS ng mga kabagayan. 

Nakakaloka ang backstory Ati at magaling din si Vin ha. ikinababae ng nilalambing n’ya (no spoiler kung sino para intense). :P
 
Joross  & EA (Credit: T-Rex Entertainment)

Si Joross Gamboa ay pumaloob sa kanyang karakter. Pero may mga times na slight parang may konting pilit pa yung acting n’yang bading or hindi consistent. Unless mali ako at ang gustong i-achieve ay nagpapakapormal s’ya lagi. May ganoon din naman kasi bading na kung kumilos ay parang malakas maka-sway ng opinion—kelot o bebot ba ang trip nito? 

Pero shaket-shaket din ng love story n'ya kay Luke (Gerald Anderson). Iyong minahal mo pa rin kahit sa simula pa lang sure ka ng wala kang mapapala.

Mahusay si Joross sa batuhan at pag-react, gandang-ganda ako sa kanya nung confrontation nila ni Mark sa hagdan. Nandoon sa facial expression n’ya ang guilt, paghingi ng tawad, at takot. Bagay na kahit hindi pa nya bitawan ang dialogue, na-explain n'ya na sa akin ang nararamdaman n'ya. Bravo! Gusto ko rin yung nasa bathhouse sila at nung ni-reveal n'ya ang cancer at sagot na Sagittarius ni Mark…charrot!

Sa supporting cast, siempre nangunguna d’yan si Dimples Romana. Sa pagganap n’ya bilang older sister ni John ay na-feel ko ang pagiging sisterly n’ya pagdating sa pagsisisi, at suporta. 

Next ay mga kasama ni Mark sa Crying Divas musical na sina Ricci Chan at Jojit Lorenzo, plus ang kanilang direktor na si Marlon Rivera. I wonder kung talagang nagta-teatro talaga sila sa totoong buhay. Agaw-eksena rin dito si Eugene Domingo na  pumi-French actress in a classic black and white film.      

Direction 


Ang gusto ko sa direksyon ni Julius Alfonso ay gawing casual ang kadalasan na in-o-OA sa  ibang movie. Nagawa nya ring smooth yung pagse-segue sa drama, musical, at iba-ibang dream sequences, including yung French Film.  Kung ibang putcho-putchong film director baka nahirapan itawid ang editing at pagtatagpi-tagpi. 

Hello! Hindi madali ang mag-shoot ng dramedy about death, musical, and then film within a film tapos iba-iba ang artista.  Alam mo yung shifting, pag-balance, at gawing buo ang bawat aspeto para sa iisang film production.  Doon pa lang I commend Direk Julius kasi I think mahirap iyon kahit man lang sa continuity.

Beshies John  & Mark

Although maraming nag-cameo rito ay hindi sila nang-agaw o nakagulo sa  pinakadaloy ng istorya.  Mahusay ang taste ni Direk na i-minimal ang mga lumalabas sa mga dream sequences para hindi masyado agaw eksena. Kung may parts man na marami ay hindi lalayo sa mga bida ang atensyon mo kasi extra yung mga nakapaligid. Na-emphasize noon ang pakikipaglaro kay kamatayan.  

Gusto ko rin yung mga kuha at blocking sa simple places—pagpasok ng pintuan, usapan sa bintana, at ratratan ng mga beks sa hagdan. Okay din naman siempre ang cinematography sa dalampasigan at set design sa lamay (mula sa mama ni John at kay John na mismo).  

So, overall bet na bet ko itong Deadma Walking at agree ako sa Grade A nito sa Cinema Evaluation Board (CEB).


BTS: Pre-screening

Hindi na ako nakatagal sa loob ng red carpet area dahil mahiyaing ek-ek ako.  Pero dumating doon sina Joross, direk Alfonso, writer Cabahug, Candy Pangilinan, Nico  Antonio,  Alwyn Uytingco, at mga talents ng T-Rex Entertainment.  Humabol din si Gerald Anderson na pinaupo ni EA sa tabi nila.



Sa mga interview ay isa sa nakaka-touch na malaman doon na naiiyak pala si direk Alfonso tungkol sa movie. After 20 years of doing movies or shows na siya ang isa sa asst. director, this is the first time s’ya mismo ang main director.  

Naramdaman ko roon yung gutom at passion and then, finally, ito na.  Doon ko rin nalaman na may young fans si EA at may book version na ang screenplay ni Eric Cabahug.